Hindi ako nakasagot sa naging tugon ni Josias. Dahil doon ay napako lamang ang aming mga mata na magkatitigan. Ilang minuto din ang lumipas na naging ganun ang aming sitwasyon. Nagkatitigan lang kaming dalawa at parang naghihintay si Josias ng aking magiging sagot. Hanggang sa bigla na lamang kumulog at dahil doon ay naputol na ang aming pagtitinginan. Napatayo ako bigla at si Josias naman ay biglang napatingin sa ibang direksyon. “Uwi na ako,” ang aking sambit. “Ah, hatid na kita,” ang tugon ni Josias. “Ah, hu-huwag na, malapit lang namam bahay namin,” ang saad ko. “Ah, sabagay baka kung ano pa ang isipin mo,” tugon niya na agad ko namang sinang-ayunan. “Ah oo, kaya huwag mo na ako ihatid,” ang aking pagsang-ayon. “Oh sige, una na ako,” pagpapaalam ko. Hindi ko hinayaan na ihatid a

