CHAPTER 13: EIC

2301 Words
Nagpaalam na ako kay Anne at agad na rin akong umuwi ng bahay. Habang naglalakad ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Ate Joana. Pagdating ko sa bahay, nadatnan kong umiinom ng gamot si tatay. Hindi maayos ang kanyang postura. Ang isa ang kamay ay nakahawak sa kanyang dibdib habang ang isa naman ay hawak ang gamot. Nahalata ko ang pagkakagulat sa kanyang mukha. Nagkatinginan kami, pagkatapos ay agad niyang ibinulsa ang gamot na kanya sanang iinumin. “Tay,” sambit ko. “O-oh, a-anak, na-nariyan ka na pala,” nauutal na tugon ni tatay. “Ano po ‘yan tay, bakit niyo po binubulsa ‘yang gamot?” mausisa kong tanong. “A-ah wala ito anak, namali lang ako ng kuha, ‘yong vitamins sana ang kukunin ko kaso ito ang nadampot ko. Ang tatay mo talaga ay tumatanda na,” tugon ni tatay habang binabalik sa garapon ang gamot. “Tay? hindi po ba talaga kayo magsasabi ng totoo?” “Bakit anak? wala naman akong dapat sabihin, ang tatay mo ay tumatanda na kaya nagiging makakalimutin,” sambit ni tatay. “Tay, sinabi na po sa akin ni Ate Joana, nakasalubong po namin siya ni Anne habang papasok siya sa kanyang trabaho,” tugon ko. Dahil sa aking nasabi, nag-iba ang emosyon sa mukha ni tatay. Alam kong nabahala ito. “Ano tay? hindi pa rin po ba kayo magsasabi sa akin?” tanong kong muli. “Ano ka ba anak, wala naman akong dapat sabihin. Baka namali lang ‘yong si Joana,” katwiran ni tatay. “Pupunta po siya rito sa Sabado tay, dahil day off po niya. Titignan niya po kung ano po ba talaga ang totoong kalagayan niyo,” sambit ko. “Sa-sabado? may gagawin ako sa bukid anak eh,” tugon ni tatay. “Alam mo naman panahon ngayon ng mais kaya laging busy sa bukid,” dagdag pa niya. “Tay, mas importante pa po ba iyan kaysa sa kalusugan niyo?” “Hindi naman anak, pero sayang naman ang kikitain ko sa araw na ‘yon,” sambit ni tatay. “Kaso po tay, iyon lang po ang day off ni Ate Joana,” tugon ko. “Sige, titignan pa ni tatay, basta walang gagawin sa bukid, papayag ako,” sambit ni tatay. “Sige po ‘tay,” tugon ko. “Oh aalis na muna ako, pupuntahan ko lang si Aling Etseng at tatanungin ko kung anong oras ba ang pagpapatawag ni Mayor sa Barangay,” pagpapaalam ni tatay. “Sige po, mag ingat po kayo” sambit ko. “Kumain ka na, may kanin at ulam na riyan,” bilin ni tatay. Pumasok ako ng kwarto at nagbihis. Kumain ako at pagkatapos ay hinugasan ang mga hugasin. Tumambay ako sa aming bakuran at doon ay lumanghap ng sariwang hangin, at ramdam ko ang ginhawa na dulot nito sa akin. Sa totoo lang, hindi ko lang pinapahalata kay tatay pero labis ang pag-aalala ko sa kaniya. Si tatay na lamang ang kasama ko at kung mawawala pa siya ay parang hindi ko kakayanin. Si tatay na lang ang naging at patuloy na magiging kakampi ko sa buhay. Siya na lang ang laging nandyan para sa akin. Marami pa akong pangarap para kay tatay. Bibigyan ko pa siya ng maginhawang buhay, Ipapakita ko pa sa kanya na magiging isa akong prosecutor at higit sa lahat ipapakita ko sa kanya na makakamit ko ang hustisya para kay nanay. Habang nasa bakuran ay huminga ako nang malalim. “Wala lang ‘yan Samantha, makakasama mo pa ang tatay mo nang matagal,” ang bulong ko sa aking sarili. Dahil ako ay nalulungkot at gusto kong mailabas ang bigat na aking nararamdaman. Lumabas ako at isinara ang aming bahay at tumungo sa ilog. Doon ko kasi sa ilog nailalabas ang lahat. Kapag malungkot ako nauupo lang ako sa buhangin, titig sa kawalan at hindi ko mamalayan na may luha na pa lang tumutulo mula sa aking mga mata. Nang ma ipadlock ko na ang aming bahay ay tumungo na ako sa ilog. Nakasalubong ko pa nga si Tatay Nestor. “Oh, Samantha? saan ka pupunta?” “Diyan lang po sa ilog, tatay,” tugon ko. “Aba’y mag-iingat ka,” sambit ni tatay. “Opo, kayo rin po.” Noong ako ay nasa ilog na ay may pamilyar na mukha akong natanaw. “Andito siya ulit?” bulong ko sa aking sarili. Bumaba ako ng hagdan at noong makatapak na ako sa mga buhangin ay tumungo ako malapit sa ilog. Tumayo ako roon, habang tinatampisaw ang aking paa sa tubig. Sa aking peripheral vision napapansin kong tumitingin ang lalaki sa akin. Ngunit hindi ko naman ito pinapansin. Umupo ako at tumitig sa kawalan. “This is relaxing,” bulong ko. Pagtingin ko sa direksyon kung saan naroon ang lalaki, ay nakita kong papunta ito sa akin. Nagulat ako at umupo siya sa aking tabi. “Bakit ka ba nandito, kapag nandito rin ako?” tanong niya. “Huh? Ikaw ang dapat tanungin ko nyan, bakit ka nandito kapag narito ako?” at ibinalik ko sa kanya ang tanong. “Hmm… hindi ko naman sinadya, siguro coincidence?” “Siguro nga,” pagsang-ayon ko. “Oh, ano? may problema ka na naman ba?” “Problema? marami, gusto mo ibigay ko sa’yo yung iba?” “Sabi na eh, may problema ka na naman. Pumupunta ka lang dito kapag may problema ka,” sambit niya. “Ang tagal mo namang magkaproblema, naka-ilang balik na ako rito,” dagdag pa niya. Hindi ako sumagot at nakatitig lang sa kawalan. Siniko niya ako at sabay sabing, “hoy, nakikinig ka ba?” “Huh, bakit?” “Sabi ko, ang tagal mo naman magkaproblema, naka -ilang balik na ako rito,” sambit niya. “Ah, lagi naman akong may problema, pero pumupunta lang ako rito kapag sobrang bigat na nang aking nararamdaman,” tugon ko. “So, mabigat ba ang nararamdaman mo ngayon?” tanong niya. “Siguro.” “Malaya at pwede ka namang umiyak, lagi naman akong may reserbang panyo oh,” sambit niya habang hawak ang pulang panyo. “Hahaha, thank you.” tugon ko. “Ikaw? wala ka bang problema?” aking usisa. “Wala naman, kaya pwede mo naman akong hatian, para gumaan ‘yang pakiramdam mo,” sambit niya. “Kaya ko na ‘to, ano ka ba,” mayabang kong tugon. Tumayo ako at isinuot ang aking mga tsinelas. “Oh, saan ka pupunta?” nagtataka nitong tanong, “Uuwi na,” tugon ko. “Ah, sige, ingat,” sambit niya. “Ikaw din,” tugon ko. Lumakad na ako pauwi, noong umaakyat na ako ng hagdan ay sumigaw ito. “Pumunta ka lang dito kapag may problema ka, sana gumaan na ang ‘yong pakiramdam.” Natuwa ako sa kanyang sinigaw, “sana gumaan, ang ‘yong pakiramdam.” Sana nga gumaan na ang aking pakiramdam. Umuwi na ako sa aming bahay at nadatnan ko si tatay. “Oh tay, kamusta po?” usisa ko. “Okay naman anak, bukas pala ng alas-otso ng umaga. May financial assistance kasi na ibibigay si Mayor sa mga senior citizen. Abay sayang naman kung hindi ako makapupunta,” sambit ni tatay. “Opo tay, sayang din po ‘yon, kumpleto pa po ba ang mga vitamins niyo ‘tay, meron pa po ba?” kinuha ko ang garapon at nang bubukasan ko na ito ay inigaw ito sa akin ni tatay. “Ako na ang bahala rito Samantha,” tugon ni tatay habang isinasara ang garapon. “Sige po.” Naghilamos na ako at pumasok sa aking kwarto para matulog. Kinabukasan. Sabay kami ni Anne pumasok. Pagpasok namin sa room ay agad ibinalita sa akin ni Jeron na may meeting ang mga natanggap na Campus Journalists. “Samantha, may meeting mamaya huh,” sambit niya. “Para saan?” nagtataka kong tanong. “Para sa mga natanggap na campus journalists,” tugon niya. “Ah, anong oras ba?” “Mamaya raw after class,” sambit niya. “Sige, sabay na lang tayong pumunta,” tugon ko. “Sige.” “Pero para saan ba ‘yong meeting,” nagtataka kong tanong dahil sa totoo lang wala naman akong alam sa Journalism. “Ah, siguro orientation. Sasabihan tayo ng oras ng training, ipapalam sa atin kung kailan ang mga future laban,” sambit ni Jeron. “Ah, sabagay kailangan siguro ng matinding paghahanda sa mga laban nuh,” tugon ko. “Oo naman, oras, pahanon, dugo at pawis ang dapat ilaan, pero sobrang worth-it lahat ‘yan,” ani ni Jeron. “At saka pala, baka magsabi na kung sino ang magiging EIC ngayon. Since ngayon lang naman nagka journalism sa school natin, walang previous EIC, kaya may posibilidad na sa atin sila pumili,” dagdag pa niya. “Panigurado, si Shane na ‘yan, ang galing kaya niya,” sambit ko. “Siguro, pwede rin naman ikaw, magaling ka rin,” tugon niya. “Ako? eh, first time ko nga lang eh,” katwiran ko. Nagsimula na ang aming klase. Lumipas ang recess. At uwian na namin. “Oh, tara na Samantha,” tawag ni Jeron sa akin. “Hala, wait lang, ayusin ko muna ‘tong room, mauna ka na, pakisabi na lang malelate ako,” sambit ko. “Sige, basta sumunod ka agad huh,” bilin ni Jeron. “Oo, tapusin ko lang ‘to,” sambit ko. Dahil tulad ng aking laging ginagawa, naglilinis muna ako ng aming room at chinicheck kung malinis na ba, kung nakasarado ba nang maayos ang mga bintana, at kung maayos ba ang pagkakasara ng pinto. Hindi ko naman maiwan ang aking responsibilidad. Lumipas ang ilang minuto. “Oh Samantha, bakit hindi ka pa sumusunod doon?” nagtatakang tanong ni Anne. “Eh, may ginagawa pa tayo eh,” tugon ko. “Ano ka ba, ako na ang bahala rito, sumunod ka na roon,” sambit ni Anne. “Hindi, malapit na rin naman na ito,” tugon ko. “Hindi, sumunod ka na roon.” “Sige-sige, thank you,” sambit ko. Mabilis akong bumaba ng hagdan at tumakbo patungong Journalism Room. Pagkadating ko ay nakasarado ang pinto. Kumatok ako at… “Sorry po, late ako,’ sambit ko. “Okay lang, maupo ka na iha,” tugon ni Ma’am. Umupo ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Jeron. “Ano? tungkol saan na ang dini discuss?” tanong ko. “Wala pa naman, hindi pa ganoon kahaba, nag introduce lang kanina, name, year level at kung naka experience na ba mag Journalism,” tugon ni Jeron. “Ah,” sagot ko. “I forgot, iyong kapapasok lang, kindly stand-up and introduce yourself” sambit ni ma’am habang tinuturo ako. Tumayo ako at… “I’m Sa-samantha A-antonio,” kinakabahan kong pagpapakilala. “Do not be nervous, iha,” sambit ni ma’am. “Sorry po ma’am,” tugon ko. Huminga ako nang malalim at nagpakilalang muli. “I’m Samantha Antonio, 15 years old, I’m currently grade 7, wala pa po akong experience sa campus journalism, first time ko pong sumali.” “Oh, Samantha. First time mo pala?” tanong ni ma’am. “Opo, sambit ko. Well, you are good in writing, kaya nagulat ako ng sabihin mo na first time mo pa lamang.” “Thank you po, tugon ko.” Matapos ang ilang minuto ay nag-umpisa na ang meeting. “Well, for today, I will inform you about the rules and regulations, schedule of training and I will be announcing the EIC,” sambit ni ma’am. “So let’s start.” “Rules and Regulations, attend on time kapag may training, be responsible in your actions, walang magkakalat sa room na ‘to. Panatilihing malinis ang room na ‘to,” sambit ni ma’am. “Focus on your training but you must enjoy it at the same time. Our training is after class, that would be for one hour. Also, every weekend it would be 8am to 5 pm. Attendance is a must. I know some of you already have experience to be a campus journalist and it was not easy. You have to be brave, to accept critics and rejections, you have to be persistent kahit ilang beses ko kayong paulitin magsulat ng article. Kaya, dugo, panahon, pawis at lakas ng loob ang puhunan natin dito.” “The tentative schedule of the Division Secondary School Press Conference is in November. I guess we have enough time to train really hard. I am expecting the cooperation of all of you and I want you to know na ngayon pa lang ay proud na ako sa inyo,” ang nakakataba sa pusong sambit ni Ma’am. “So, the Editor in Chief is the first timer, Samantha Antonio,” sabi ni ma’am. Pagkasabi noon ni ma’am ay nagulat ako. Napatingin ako kay Jeron at nakangiti ito sa akin na parang inaasahan na ako ang magiging EIC. Tumayo ako… “Ba-bakit po ako?” kinakabahan kong tanong dahil hindi ako makapaniwala. “At bakit hindi ikaw?” tugon ni ma’am. “I really like your way of writing anak, sa lahat ng articles na pinasa, iyong sayo ang tumatak sa akin kaya tinandaan ko talaga ang pangalan mo. Well, Congratulations iha, I expect you will be responsible all the time,” sambit ni ma’am. Naupo ako at hindi pa rin makapaniwala. Tumingin ako sa direksyon kung saan nakaupo si Shane. Siya kasi ang inaasahan kong maging EIC. Noong nagkatinginan kami ay ngumiti ako ngunit bigla itong umiwas ng tingin sa akin. Naalarma tuloy ako baka pakiramdam niya ay inagawan ko siya ng pwesto, sana ay hindi ganun ang kanyang iniisip,” ang mga salitang biglang gumulo sa aking isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD