Pumasok na ako sa loob ng journalism room at pagkapasok ko ay nagulat si Jeron sa aking dala.
Kita ko ang mga reaction sa kanyang mukha.
Hindi na ako naupo sa kanyang tabi bagkus ay dumiretso na lamang sa aking pwesto sa likod.
Matapos ang ilang minuto ay nakita kong papunta na siya sa aking pwesto.
Naupo siya sa upuan na nasa aking tabi.
“Ano ‘yan?” nagtataka niyang tanong.
“Hindi mo ba nakikita? syempre pagkain,” tugon ko.
“Eh kanino galing?” muli niyang pagtatanong.
Sa nagiging sunod-sunod na tanong ni Jeron ay naiinis lamang ako. Paano kasi hindi ko rin naman alam kung bakit nila ‘yan ibinigay sa akin.
“Oh, bakit naiinis ka?” nagtataka niya muling tanong.
“Nagtatanong lang naman ako,” dagdag pa ni Jeron.
“Eh, paano nga hindi ko rin naman alam kung bakit nila ‘yan ibinigay sa akin,” sambit ko.
“Eh baka naman…” muli niyang hirit.
“Ano? ano?” naiinis kong tugon.
Hindi ko alam kung bakit ako nakararamdam ng inis noong mga panahon na ‘yon. Siguro ay dahil hindi ako sanay na may nagbibigay ng pagkain sa akin lalo na’t lalaki at wala namang dahilan para ako ay bigyan.
Kinuha ko ang isang tubig at cheesecake at inabot ‘yon kay Jeron.
“Oh, sayo na lang,” sambit ko.
Kinuha niya ‘yon at halata ko nga na nagulat pa siya.
“Uy, thank you huh,” sambit niya.
“Anong thank you ka dyan? may bayad ‘yan,” pagbibiro ko.
Binuksan ni Jeron ang cheesecake at sinimulang lantakan ‘yon.
“Woah, mas masarap talaga kapag libre,” ang kanyang sambit.
“Hahaha, baliw ka talaga,” tugon ko.
“Pero Samantha? wala ka bang napapansin sa dalawa?” nagtataka niyang tanong.
“Paanong napapansin?” ang curious ko ring tugon.
“Silang dalawa, sa kanilang dalawa,” sambit niya.
“Ano? anong meron sa kanila?” tugon ko.
“Wala, wala,” ang mabilis na sagot ni Jeron.
“Ano nga?” ang tugon ko na mayroong pagtaas ng boses.
“Parang…”
Nang sasabihin na ni Jeron ang nais niyang sabihin ay bigla ko namang natanaw si Anne sa bintana.
Agad-agad akong lumabas.
“Oh, uuwi ka na o hihintayin mo pa ako?” tanong ko kay Anne.
“Ano ka ba? sinabi ko na nga sa’yo kanina na hihintayin kita,” saad ni Anne.
“Eh, baka kasi pagalitan ka,” tugon ko.
“Hindi ‘yan ano ka ba,” sambit niya sabay tapik sa aking likod.
“Sure ka huh,” ang aking saad.
“Oo nga, parang hindi mo naman ako kilala, kapag sinabi ko, sinabi ko,” tugon ni Anne.
“Hindi naman, nag-aalala lang ako na baka pagalitan ka pag uwi mo,” sambit ko.
“Hindi ‘yan, kilala ka naman ni nanay eh,” saad ni Anne.
“Anong kaguluhan ito?” pagsingit ni Jeron.
Parehas kaming nagulat ni Anne dahil sa boses na parang biglang sumulpot.
“Ano ba naman ‘yan Jeron, nakagugulat ka naman,” sambit namin parehas ni Anne.
“Ay sorry,” tugon ni Jeron.
“Naku, kanina niyo pa usapan ‘yan hintay or uwi na ‘yan,” dadag pa ni Jeron.
“Kung gusto mo Anne, mauna ka na, sasabayan ko na lang si Samantha pag uwi,” sambit ni Jeron.
Kaagad kong hinampas si Jeron dahil sa kanyang sinabi.
“Baliw ka ba? halos dalawang Barangay ang layo ng bahay natin tapos sasabayan mo ako?” naiinis kong sambit.
“Bakit? hindi naman kita ihahatid nuh, sasabayan lang kita hanggang crossing pagkatapos ay bahala ka na sa buhay mo,” saad ni Jeron.
“Hindi na, ako na ang sasabay kay Samantha,” sambit ni Anne.
“At saka ang layo ng bahay niyo nuh,” dagdag pa ni Anne.
“Kayong bahala,” ang naging tugon ni Jeron.
“Halika Anne pumasok ka muna at ipapalam kita kay ma’am,” sambit ko.
Hinila ko ang braso ni Anne at tumungo kami sa loob ng classroom.
Pumunta ako kay ma’am.
“Ma’am maari po bang dito po muna si Anne, hihintayin niya po kasi ako umuwi ma’am. Sabay po kasi kami lagi,” ang pakiusap ko kay ma’am.
“Oo naman, halika rito Anne at maupo ka,” anyaya ni ma’am kay Anne.
Pumasok si Anne sa loob ng classroom. Naupo siya malapit kay ma’am at ako rin naman ay lumipat na rin ng pwesto malapit kay Anne. Alam ko naman kahit magkatabi kami ay hindi ako guguluhin ni Anne dahil alam niya ang aking ugali.
“Oh, ikaw ba Anne, bakit ba hindi ka nag journ?” tanong ni ma’am kay Anne.
“Kung hihintayin mo lang din naman araw-araw si Samantha, sana’y sumali ka na lamang,” dagdag pa ni ma’am.
“Ah, ah,” sandaling napatigil si Anne at tila nag iisip ng maisasagot.
“Ah, hindi po kasi ako magaling magsulat eh,” tugon ni Anne.
“Ano ka ba, natutunan naman ‘yan,” sambit ni ma’am.
“Ano? gusto mo ba?” anyaya ni ma’am kay Anne.
“Ah, gusto ko po sana kaso…” hindi pa natatapos sumagot si Anne ay muli namang ulit nagsalita si ma’am.
“Gumawa ka ng article at isubmit mo sa akin bukas,” sambit ni ma’am kay Anne.
Nakikinig lamang ako sa kanilang usapan. Ngunit noong dumako ako ang tingin ko kay Anne ay napansin kong hindi iti masaya sa paanyaya ni ma’am.
“Kausapin ko nga siya mamaya kung bakit hindi siya masaya,” bulong ko sa aking sarili.
Matapos ang dalawang oras na pagtetraining ay oras na ng uwian.
Nag sitayuan na ang mga journalist at nagsimulang nagdasal at nagpasalamat para sa isa na namang araw na inilaan ng lahat para makipag training.
Habang wala ako ay nag assign na pala sila sa kung sino ang mga cleaners sa bawat araw. Ngunit kahit ganoon dahil EIC ako ay minabuti ko na maiwan ako sa araw na ‘yon para makasigurado na malinis talaga ang room bago kami umuwi.
Ako ay naiwan at napansin kong si Shane rin pala ay nagpaiwan. Siguro, habang wala ako ay siya ang naiiwan.
Habang nag aayos ako ng upuan ay lumapit ito sa akin para mag ayos din ng upuan.
“Hindi naman ako sanay na may kasama akong magpaiwan,” sambit ni Shane.
Sa sinabi niyang ‘yon ay wala akong naging tugon, dahil alam ko ay may kasunod pa itong sasabihin na mayroon connection sa akin.
“Habang wala ka kasi, eh ako ‘yong nagpapaiwan,” muling sambit ni Shane.
Hindi nga ako nagkamali na magsasalita siya patungkol sa akin.
“Thank you Shane huh, ikaw pala ‘yong nagpapaiwan kapag wala ako,” ang aking naging tugon sa sinabi ni Shane.
“Ano ka ba, okay lang, siguro ay nasanay na rin ako na ganito ang aking ginagawa. Alam mo naman ilang years din naman ako naging EIC. Parang ngayon nga lamang hindi eh,” pagkukwento ni Shane.
Sa mga naging kwento ni Shane ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong itugon. Hindi ko rin kasi alam kung nais niya lang ba talagang ikuwento ang mga 'yon o may iba pa siyang ibig sabihin.Hindi ko makuha o mapoint out ang nais niyang iparating. Alam kong isang responsableng journalist si Shane at hindi ko 'yon maikakaila. Base sa mga kwento niya at sinasabi rin ng ibang mga estudyante ay napakagaling na student at journalist ni Shane. Kung kaya't minsan ay nakararamdam ako ng hiya kapag ako ay kinukumpara sa kanya. Ngunit sa unang araw pa lamang ng aking pagbalik mula sa pagkakasakit ay parang nag iba ang pakikitungo sa akin ni Shane. Hindi ko alam pero parang ang nais niyang iparating ay huwag na lamang sana ako bumalik. Base sa mga naging tugon at mga kwento niya parang ninanais niya na sana huwag na lamang ako bumalik. Alam kong hindi ko na rapat isipin ito ngunit hindi naman maganda na ilang buwan kaming magkakasama sa training tapos ay ganito ang pakikitungo niya sa akin.
Pagtapos maglinis ay agad ng kinuha ni Shane ang kanyang bag at umalis.
Gusto ko pa sana siyang tawagin para siya’y makausap pero inisip ko na maganda kung bukas na lamang.
Lumabas na rin ako ng room kasabay si Anne.
Habang bumababa ng hagdan ay nakakapit kami ni Anne sa isa’t-isa.
Madilim kasi kaya nakatatakot. Para kaming nasa horror movies iyong kulang na lamang ay magyakapan dahil sa takot.
“Ano ba ‘yan Samantha, sa susunod nga ay magdadala ako ng flashlight, sobrang dilim naman nakatatakot,” saad ni Anne.
“Hindi ko alam na ganito pala kadilim kagabi eh, alam mo naman unang araw ko sa training ngayon. Kung alam ko lang nakapagdala sana ako ng flashlight,” tugon ko.
“Hayaan mo na, basta bukas ay alam na natin ang dadalhih,” sambit ni Anne.
Noong makalabas na kami ng school at naglalakad na pauwi ay minabuti kong tanungin si Anne.
“Anne? bakit parang hindi ka masaya sa offer ni ma’am?” pagtatanong ko.
“Huh? anong offer?” nagtataka niyang tanong.
“Kanina, hindi ba gusto ka niyang sumali sa Journalism,” sambit ko.
“Ah, oo, kanina sinabihan niya ko,” saad ni Anne.
“Tatanggapin mo? sasali ka na?” sambit ko habang nakangiti.
“Ah..” saglit na natigilan si Anne.
“Ah, hindi Samantha eh,” tugon ni Anne.
“Ba-bakit?” saad ko.
“Ah, alam mo naman diba? Busy ngayon sa negosyo. Kapag Sabado ay hindi rin ako makakapag training kasi kailangan kong asikasuhin ang aming negosyo,” paliwanag ni Anne.
“Pero itry mo pa ring sabihin,” pamimilit ko kay Anne.
“Gusto ko sana eh, pero alam mo naman kahit sabihin ko kina tatay at nanay. Kahit iexplain ko sa kanila ay syempre mas pipiliin pa rin nila na asikasuhin ko ang negosyo namin,” sambit ni Anne.
“Ay, nakalulungkot naman,” tugon ko.
“Bakit naman?” sambit ni Anne.
“Eh kasi, hindi mo nagagawa ‘yong gusto mo kahit gaano mo pa sila kagusto,” saad ko.
“Ano ka ba, okay lang ‘yon, magulang ko sila kaya dapat lang o tama lamang na sundin ko sila,” sambit ni Anne.
“Basta Anne huh, promise mo sa akin na kapag malaki ka na at kaya mo ng suportahan ang sarili mo at ang mga magulang mo, gagawa ka naman dapat ng mga bagay na gusto mo o makakapagpasaya sayo huh,” pagpapaalala ko kay Anne.
“Oo naman, promise,” sambit ni Anne.
“At dapag ikaw din,” dagdag pa ni Anne.
“Oo naman, isa sa mga pangarap ko ay gawin ang mga bagay na gusto ko or nais ko,” saad ko.
“Sana’y ganyan din ako Samantha, “ sambit ni Anne.
“Bakit? may pangarap ka naman ah,” tugon ko kay Anne.
“Pangarap na hindi sigurado,” sambit ni Anne.
“Pangarap na nilalamon ng negosyo.”
“Pangarap na ako lamang ang naglalaban,” ang sunod-sunod na naging saad ni Anne.
Sa mga sinabi ni Anne ay nakaramdam ako ng lungkot. Matagal na kasi niyang sinasabi na parang walang nakasuporta sa kanyang pangarap. Kaya nga hinihintay ko si tatay na kausapin ang tatay ni Anne.
“Ano ka ba, kakausapin naman ni tatay ang tatay mo,” saad ko.
“Sigurado naman na ako kung ano ang pipiliin ni tatay. Pero bakit umaasa pa rin ako na sana’y maging maayos ang pag uusap nila ni tito,” sambit ni Anne.
“Huwag ka mag alala maayos naman makipag usap si tatay eh. Dati nga noong buhay pa si nanay ay hindi ko sila nakikitang nag aaway ni nanay dahil lahat ng bagay ay idinadaan ni tatay sa maayos na usapan,” pagkukwento ko kay Anne.
“Sana talaga ay makausap niya si tatay nang maayos,” sambit ni Anne habang magkakapit ang kanyang mga palad.
“Huwag ka mag alala, makikibalita ako agad kay tatay kung ano ang nangyari sa kanilang pag uusap at kung ano ang mga naging tugon ng tatay mo,” ang naging tugon kong comfort words para kay Anne.
“Ngayon pa lang pasabi kay Tito, salamat,” sambit ni Anne.
“Sa totoo lang ay gusto ko rin talagang kausapin si tatay ngunit ako ay natitigilan dahil alam ko na hindi niya rin ako pakikinggan. Alam mo naman diba wala akong boses sa bahay namin,” dagdag pa ni Anne.
“Huwag ka ng mag alala dyan. Si tatay na ang bahala,” sambit ko kay Anne.
Hindi namin namalayan na nakarating na pala kami sa crossing at oras na naman para tahakin namin ang kanya-kanya naming landas patungo sa aming tahanan.
“Oh paano, see you bukas. Salamat sa paghintay ah,” sambit ko kay Anne.
“It’s okay, no worries,” tugon ni Anne.
“Bye, ingat ka.”
“Bye.”
At sabay na kami ni Anne tumalikod sa isa’t-isa. Pagtalikod ko ang isang buntong hininga na lamang ang aking naging reaction.
Parang may heavy burden akong nararamdaman dahil sa unang araw ng aking pagbabalik.
“Everything will get better, kaya mo ‘yan Samantha,” bulong ko sa aking sarili.