Para akong mabibingi dahil sa katahimikan. Hindi ako assumera pero alam kong hindi nila iyon inaasahan. Who would? Ang babaeng pinaka ayaw ng lahat, pinanalo yung laro.
It took them a minute bago nag-sink in sa kanila yung nagyari. Hindi nagtagal isa-isa na silang nagsihiyawan. Kung kanina ay halos mabingi na ako sa katahimikan, ngayon naman ay para na akong mabibingi dahil sa ingay.
"Woah, go Snow!!" Nangingibabaw yung sigaw ni Jasmine.
Nakangisi ako habang nakatingin sa palaso kong naka-bullseye. Hindi ko na nilingon si Nikki kasi alam ko namang masama yumg tingin niya sa akin. She thought that she's the best? Think twice dear.
Isa-isang tumira ang ibang school and we've come to a decision.
"Simpsons High, 9. Saint Celestine Academy, 10. Xavier Institute of Technology, 8. Corazon Lampierte High, 7. San Lorenzo University, 8."
"Woah!
"In five rounds we will add your score together. The school that have the highest score wins Game 1."
It only needs basic mathematics. It is crystal clear that we just won it. We may bring back the crown this year.
"Simpsons High, 47. Saint Celestine Academy, 48. Xavier Institute of Technology, 41. Corazon Lampierte High, 39. San Lorenzo University, 38. And the winner for Game 1 is, Saint Celestine Academy!!"
"Wooooohhhhh!!!"
"Way to go SCA!!!"
"For the win!"
What can I say? I am the Ace.
Naglalakad ako papalabas ng Campus. After the game, the team decided to celebrate for the win. You know they shouldn't waste their money yet. It's still the first game, is it really a big deal for them?
Anyway, they ask me if I can go with them, after all, I also made a big share for our win. In fact, I just won the game for the whole team. Patricia and I are now okay. No more hard feelings. Right now, tanggap na nila ako for the team. No more conflicts, I hope.
"Bitch..."Napahinto ako sa paglalakad and found myself face to face with Nikki.
Ooooo... A sore loser, is that what I'm smellin'?
"What do you want?" Matamlay kong tanong.
"Alam mo bang dahil sa'yo kaya kami natalo?" Napangisi ako dahil sa sinabi niya.
"You're stating the obvious fact. Of course alam ko." I told her straight in the eyes. "I thought you are smarter than that..." It's almost a whisper but loud enough for them to hear.
"What did you just say? You think you're better than our Queen?" Sabi nung alipores niya.
"You will never gonna get away with this. Get her." Utos ni Nikki na Queen daw nila at ang mga uto-u***g alipores naman ay sumunod sakanya.
Dinala ata ni Nikki yung buong Archery Team niya para kuyugin nila ako. She's such a coward. Takot ba siyang komprontahin ako na siya lang mag-isa? On second thought, I think she was right to bring all her team mates. Baka kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko kung sakaling manggigigil ako. Just saying...
Hindi na ako nanlaban. Nacu-curious kasi ako kung saan nila ako dadalhin. And besides, nakakatamad nang magbuhat ng kamay.
Finally, huminto kami sa likod ng school.
"Astig 'a. Sa dinami-daming lugar kung saan niyo ako pwedeng dalhin, dito pa?"
Lumapit sa akin si Nikki habang hinawakan ako ng mga alipores niya sa magkabilang braso. Walang sabi niya akong sinampal nang sobrang lakas kaya tumilapon yung salamin ko.
"Let her suffer!" Sigaw ni Nikki.
Isa-isa nila akong pinagpapalo gamit ang mga kahoy na nakita nila sa tabi-tabi. Kalmot, sabunot, name it. Pero hindi ako nanlaban. Bakit? Nakakatamad nga...
"Take this!"
"And this"
"Serves you right nerd!"
Gigil na gigil sila sa akin. Am I that irresistable?
Di ko inasahan yung pagsipa nung isa sa kanila sa tiyan ko kaya napaubo ako ng dugo.
"Aren't you gonna fight back?"
"I always knew you're a weakling"
"Stupid Nerd!"
Tumigil na sila sa pag-away sa akin kaya ako tumayo upang harapin sila. Nung humarap na ako sakanila ay para silang nakakita ng multo.
"W-what happened to your eyes?" Namumutlang tanong ni Nikki. From the looks of it parang nanunuyo na ang lalamunan nito at na drain lahat ng dugo sa katawan.
"All black." Nanginginig na sabi nung alipores niya.
All black? Minsan ko lang itong na-encounter nung unang fight ko sa Dome. Sobrang nanggigigil ako nun at sabi ni Ace naging itim daw yung buong mata ko. Hindi ko na nakokontrol yung buong katawan ko na para bang may sariling utak. Sabi nila karumal-dumal yung nangyari sa kaaway ko. Dun ko nasabi na siguro kapag nanggigil ako, iitim yung buong mata ko. Maybe there's another person in me.
Natatakot ako ngayon kung anuman ang magagawa ko kina Nikki. Insecure lang naman sila sa akin, normal sa isang teenager. Sinipa kasi ako kung sino mang gagang yun at sigurado akong hindi iyon nagustuhan ng inner self ko.
Kusang gumalaw ang mga paa ko pasulong. Dahan-dahan lang ngunit nakakapanindig-balahibo.
Snow please, 'wag muna ngayon!
"Stay away from her!"
Bumalik ako sa katinuan nang dahil sa sigaw na yun. Inilibot ko yung mga mata ko at natagpuan ko ang sarili kong isang step nalang kami ni Nikki sa isa't-isa. Kung hindi dahil sa sigaw na yun baka kung ano na ang nagawa ko kay Nikki.
Speaking of, lumingon ako sa pinanggalingan ng sigaw na yun at nakita ko si Zach.
He steps forward closer to me with his eyes locked on mine.
"Zach, help us."
"N-Nakakatakot siya."
Umiling si Zach na para bang hindi siya makapaniwala. "You're all afraid of her? Nag-iisa lang siya. Andami niyo."
"Totoo!" Sigaw ni Nikki. "She looked at me, like she's gonna kill me!"
Napangisi si Zach. "Don't take me as a fool."
It took me by a surprise when he held my hand and dragged me out of that place.
Tiningnan ko ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Why is he dragging me like nuts? Basta-basta nalang siya sumusulpot bigla, and I could take those witches by myself. Bago pa kami makalabas ng campus ay hinablot ko na ang kamay ko.
"What do you think you're doing?" Kalmado kong tanong.
"I'll take you home." Sabi niya sa akin.
"Thanks, but no thanks. Kaya ko sarili ko."
"Don't be so difficult. Ihahatid kita sa ayaw o sa gusto mo."
"Okay na talaga. Just because you saved me doesn't mean that you are required to send me home."
"Bahala ka. Walang taxi..."
"Maglalakad ako."
"Kahit madilim?"
"Kahit madilim."
"Baka may aswang."
Natawa ako sa sinabi niya.
"Kalaki mong tao naniniwala ka sa aswang? Hindi ako naniniwala dun at hindi ako takot."
"Look. Gusto lang kitang ihatid, okay?"
"Why do you care?"
"A gentleman sends a girl home."
"Wow ha..." Natatawa kong sabi. "Parang bago lang nung hindi mo ako kinibo nung tatabi na sana ako sa iyo dun sa cafeteria."
"I can be unpredictable..."
He's right. Unpredictable nga siya. Who would have thought na bigla nalang siyang susulpot dun kanina sa likod ng school. And him right now, offering me a ride.
"Dumbass..." Natatawa kong bulong.
"What's that, stupid girl?"
Luh. Narinig niya yung sinabi ko?
"I'm not stupid." Sinamaan ko siya ng tingin.
"You just called me a dumbass, and I'm not a dumbass either."
"It was my expression!"
"Calling someone a dumbass?"
"What? No!" Napa-facepalm nalang ako. "You know what? Nakakapagod makikipag-away. Uwi na ako." Tumalikod na ako sakanya at hindi na nagpaalam.
Narinig ko yung pag-andar ng motor. Wala pang limang segundo ay nasa gilid ko na si Zach sakay yung Ducati niya.
"Hop in!" Aya niya.
Ayoko ko sana pero nakakapagod maglakad. Saka hindi ko type yung magpakipot. Siya na yung mapilit kaya hindi na ako umayaw.
Sumakay na ako sa motor niya at inabot niya sa akin yung helmet niya.
I said, thanks, pero hindi na niya ako kinibo. Unpredictable nga.
Sobrang bilis ng takbo niya pero hindi na ako natakot. Kung ako kasi yung magda-drive mas mabilis pa rito na halos lilipad na ako.
Tinuro ko sakanya yung daan papauwi sa amin. Hindi naman nagtagal ay narating namin yung bahay. Agad akong bumaba at inabot sakanya yung helmet.
"Salamat ulit."
Ngumiti siya. At para akong natulala sa ngiti niya. First time kong makita siyang ngumiti. Kasi palagi lang blanko yung mukha niya.
"You're wel—"
"Babe!"
Bago niya matapos yung sasabihin niya sana ay nangingibabaw yung boses ni Sky.
What is he up to?
"Babe?" Zach whispered pero isang naguguluhang tingin lang ang naibigay ko sakanya
"Babe, what took you so long?" Nabigla ako ng inakbayan ako bigla ni Sky. Hindi ko napansin na nakalapit na pala siya sa akin.
"Love!" Sigaw ni Ace mula sa pintuan at tumakbo papalapit kay Zach.
What is going on?