Hindi maipinta ang mukha ni Franklin sa umagang iyon, halatang mainit na naman ang ulo ng lalaki. Hindi dahil sa kapalpakan ng tauhan sa kompaniyang pinamamahalaan niya bagkus ito ay dahil sa kaalamang may nangmamay-ari na sa puso ni Elleanor. Galit siya sa sarili sapagkat wala siyang karapatan sa damdaming iyon. Iwaksi man niya sa isipan ang dalaga ay tila itong ipo-ipong umiikot-ikot ito sa diwa niya. He could still recalled the intimate kiss they have both shared. Noong halikan niya ito sa talon at noong angkinin niyang muli ang mga labi nito noong araw ng binyag ng pamangkin niya sa harden ng tahanan ng kapatid niya. Nakatayo at nakapamaiwang na naipikit ni Franklin ang mga mata, as if he was savoring the kiss he had experienced with Elleanor. Franklin groaned in pain as he felt the

