Chapter 3

2458 Words
NAGSIMULA nang dumilim ang kapaligiran, nagbabadya pa ang malakas na ulan dahil sa makapal na itim na ulap sa kalangitan. Nagsimula na rin siyang makaramdam ng takot. Kung bakit kasi ngayon pa pumutok ang huliang gulong ng sasakyan niya. Dismayadong sinipat-sipat niya ang gulong ng kotse pagkatapos ay inis na kinuha ang telepono upang tawagan ang kanyang ama. Pero sa malas ay bigla rin iyong dumilim. Out of charge ang cellular phone niya. Naipikit niya ng mga mata, how bad, ngayon pa siya minalas kung kailan bumalot na ang kadiliman sa paligid. Sino ngayon ang makakatulong sa kanya? Ano ba ang alam niya sa pagpapalit ng gulong? Malay ba niya kung paano gawin ang bagay na iyon? Forty-five minutes drive away ang bahay ng mga magulang mula sa kinatirikan ng kotse niya. Nasa gitna siya ng taniman ng at kung maglalakad siya pauwi ay baka mabasa lang siya ng ulan at magkasakit. At hindi rin gustong maglakad sa ilalim ng galit na kalikasan. Buhat doon ay napatili siya at mabilis na pumasok sa loob ng kotse nang biglang bumagsak ang malakas na ulan. Napasarap kasi ang pakikipagkuwentuhan nila ni Cleo tungkol sa paghahanda sa binyag ni baby Dyne at kasal nito kay Daniel. It was actually all fixed, handa na ang lahat. Ipapamigay na lamang ang invitation card ng mga ito sa mga napiling panauhin at sa magiging ninong at ninang ng sanggol. And there she is, nasiraan ng kotse sa kahabaan ng daan. In spite of the fact that nobody she can ask for help. She covered her both ears when she heard the loud thunder and lightning. Takot siya ssa kulog at kidlat at mas lalong takot siyang mag-isa sa lugar na alam niyang tanging siya lamang ang naroroon. She closed her eyes and prayed. Natatakot man ay nilakasan pa rin niya ang loob at kaagad na bumaba ng kotse nang matanaw niya ang ilaw ng papalapit sa sasakyan. Kailangan niyang makahingi ng tulong. Tumayo siya sa gitna ng kalsada saka ikinaway ni Elleanor ang magkabilang kamay sa ere tanda ng pagpapatigil sa sasakyang paparating. Bagamat malayo ay nakatitiyak naman siya na makikita siya ng drayber dahil sa ilaw ng kanyang kotse. Napapasigaw siya sa bawat dagundong ng kulog na tila nagwawa sa kalangitan. Hindi na rin niya alintana kung basang-basa man siya ng ulan. Hindi naman siya nabigo sapagkat itinigil nang drayber ang kotse sa tapat niya. Ngunit hindi bumaba ng sasakyan ang sakay n’yon. Bigla ang panananalasa at pag bundol ng kaba sa dibdib niya sa hindi malamang dahilan. Hindi niya alam pero bigla na lang bumilis ang t***k ng puso niya habang inaaninag kung sino man ang nagmamaneho ng sasakyan. Pero tinted ang kotse kaya hindi niya ito makita. "Please, kailangan ko ng tulong mo? Nasiraan ako, maaari bang makisakay ako sa'yo?" May himig na pagsusumamong wika niya. Hindi niya tiyak kung naririnig ba siya nito o hindi. Ngunit ipinagpatuloy niya ang pagkatok sa windshield ng kotse. Lumayao siya ng kaunti nang bahagyang ibaba ng drayber ang windshield ng kotse. “What happened?” The masculine voice asked her. Sa pakiwari ni Elleanor ay biglang tinatambol ang dibdib niya nang marinig ang boses ng lalaki. Pero kaagad din niya iyong iwinaksi sa isipan. “Pumutok ang huling gulong ng sasakyan ko,” aniya sa subrang lakas ng ulan ay hindi niya maaninag ang lalaki. “The rain it’s getting heavier, get inside.” anito. The man’s voice really remind her with someone special, was special. Pagtatama ng kabilang isip niya. “You’re soaked wet.” He said staring at her. Kaagad din pinatay ang air condition ng kotse. Marahil ay para hindi siya gano’n lamigin sa loob ng sasakyan. And she was glad for what he did. May konsiderasyon ang stranghero. Aniya pa sa sarili. Ang sunod nitong ginawa ay inabot ang coat nito mula sa likuran ng driver seat saka ibinigay sa kanya. “Take this,” She looked at him and was about to say something when she suddenly lost her words, as she recognized the man in the driver’s seat, next to her. Her eyes met his. Nakulong sa lalamunan niya ang nais niyang sabihin. “F–Franklin.” Sambit ng puso niya sa pangalan ng lalaki. Nadagdagan ang kabog ng dibdib niya nang mapag–sino ang lalaki. No one makes her heart beats like this except this man—her ex–lover. Gusto na niyang pihitin pabukas ang pinto ng kotse at piliing huwag na lang makisakay ngunit pinangunahan na siya takot nang mangislap sa kalangitan ang kidlat na sinabayan ng malakas na kulog. “You’ll get sick kung matutuyo sa katawan mo ang damit mo,'” pormal nitong turan. Wala sa loob na tinggap ni Elleanor ang coat nito and wrapped her wet body with it. Gusto niyang pagalitan ang sarili sapagkat hindi niya magawang magsalita. She was just staring at him na tila namamalikmata. “Magkaka–hypothermia ka kung hindi mo huhubarin ang damit mo.” Si Elleanor ay hindi malaman kung huhubarin ba ang sariling kasuotan o hindi. Franklin was right, basang–basa ang damit niya at baka siya magkasakit kung hindi niya iyon huhubarin. Nagulat pa siya nang sa palagay niya ay huhubarin nito ang pang–itaas na kasuotan. Oh God! What is he trying to do? Gagawan ba siya nito ng masama? Humigpit ang pagkakahawak niya sa coat. Nagtatakang tinitigan ang lalaki. But at the back of her mind, she knew that Franklin will never do such thing. Sa kabila ng mabilis na kabog ng dibdib niya at panginginig ay hindi napigilan ni Elleanor ang sarili na huwag mapasinghap nang makita ang kahubdan nito. Tila lalong nahubog ng husto ang katawan nito. Lalo itong naging lalaking-lalaki. Wala man lang siyang makita kahit kaunting taba sa bandang t'yan nito maliban na lang sa anim na nakahalerang abs sa bahaging iyon ng katawan ng lalaki. And his biceps oh my! Napalunok siya. Wala ba itong ginawa the following years kundi magpa–ganda ng katawan? Lihim na napalunok si Elleanor. Nakaramdam siya ng biglaang panunuyo ng lalamunan. She could smell his expensive perfume na humalo sa lalaking amoy nito. It was so good sa kanyang pang–amoy. Pakiramdam niya hindi lang dosenang bubuyog at kabayo ang nagpapaligsahan sa loob ng dibdib niya. Nagririot ang mga iyon sa loob niya. “Eyes here, Elle.” He smiled charmingly at napahiya saya dahil doon. Huling–huli siya nito kung paano niya titigan ang katawan nito. Nakakahiya! Mabilis niyang iniwas ang paningin dito upang itago ang pamumula ng magkabila niyang pisngi. Ano ba ang nangyayari sa kanya. Hindi siya dapat naapektuhan. Hindi siya dapat humanga sa ex–boyfriend niya. Pero bakit pakiwari niya ay hindi niya kontrolado ang t***k ng puso niya? “Take off your clothes and wear this, saka mo isuot ang coat.” Sabi nito na inabot sa kanya ang hinubad na damit. “I’m fine,” aniya na sinabayan ng pag–iling. But knowing Franklin, hindi ito papayag na tumanggi siya. “Elle, you’re cold and shaking, this is not the right time to argue, okay?” Naging malambing ang boses nito. “Hindi ka ba lalamigin?” nasa boses niya ang pag–aalinlangan. “I’m good, don’t worry about me.” Oh God! She wasn’t worried about him, she was worried for herself, at sa inaakto ng puso niya. Kinuha niya mula sa kamay nito ang damit. “Huwag kang titingin.” Sinamaan niya ito ng sulyap upang itago ang pagkapahiya niya rito kanina. Nagkibit balikat lamang si Franklin na pinaandar ang ignition ng kotse. Mabilis niyang hinubad ang basang kasuotan saka mabilis din isinuot ang damit ng lalaki, isinunod amg coat nito. Sa laki ng damit nito ay nagmistula na iyong dress. Kaagad naibsan ang pangangatog niya nang makapagbihis. "P–pasensiya na sa abala”. “Don’t mention it,”anito ang mga mata ay naka–focus sa daang tinatahak nila. Namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Pakiramdam niya mabibingi na siya sa dagundong ng puso niya. Pakiramdam niya may bilyong kabayong nagsisitalon sa loob ng dibdib niya. Hindi niya maiwasan huwag makaramdam ng kirot. Hindi man lang ba siya nito kakausapin? Tatanungin man lang kung kumusta na ba siya? Eh, bakit ba siya apektado. She shoudn’t be. Pero ano nga ba ang dapat niyang asahan mula rito? Na yayakapin siya nito at sasalubungin ng halik? Pero hindi ba at matagal ng tapos ang anomang relasyon mayroon sila? God! It’s been eight long years, hindi ba dapat ay kalimutan na niya iyon? Walong taon na ang nakakaraan at nakasisiguro siyang nakaligtaan na rin iyon ni Franklin. After all, they were young at that time. Pulidong nakalimutan na iyon ng lalaki at baka nga may kasintahan na rin ito. She simply shook her head, upang itaboy ang anomang naglalaro sa diwa niya. The smell of his clothes on her body makes Elleanor felt comfortable. Naghalo ang mamahaling pabango nito sa lalaking amoy nito na tila yata sumasayaw sa pang–amoy niya and she likes it. She really does. Lihim na pinagalitan ni Elleanor ang sarili dahil doon. Hindi niya dapat bigyan ng kahulugan ang pagsusuot niya ng damit nito dahil nagmamagandang loob lamang ang lalaki. Higit sa lahat ay hindi siya dapat na kiligin dahil may nobyo na siya. And Franklin is her ex–boyfriend for pity’s sake. Hindi mapigilan ni Elleanor na huwag mapapikit sa tuwing maririnig ang naghihimagsik na kulog at kidlat sa kalangitan. Silly of her, but she can’t help it. Bata pa lamang siya ay takot na siya sa kulog at kidlat. It was started when she was at grade school. Galing siya sa bahay ng kaklase niya dahil may ginawa silang group project. Pauwi na siya ng hapong iyon nang magsimulang pumatak ang ulan. She was running way back home para hindi tuluyang mabasa pero biglang lumakas ang ihip ng hangin kasabay ng malakas na pagbagsak ng ulan, sinundan pa iyon ng malakas na tunog ng kulog at sinabayan ng nakapangingilabot na kidlat sa kalangitan. She was screaming and crying in terror when the massive lightning hit the tree. Nahati sa dalawa ang malaking puno. Na nagpasindak sa kanya. Hindi pa nakontento ang kalikasan dahil nasundan pa iyon. Since then, ay hindi na siya naglalabas ng bahay tuwing umuulan o kapag nagbabadtiya ang kalangitan at alam niyang uulan. Nagka–phobia yata siya nang dahil sa karanasang iyon na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya mapaglabanan. Pagkuwan ay napasigaw siya sa loob ng kotse nang biglang dumagundong ang malakas na kulog na sinabayan pangingislap ng kidlat sa kalangitan Napahawak siya ng mahigpit sa kabilang hita ng binata kasabay ng pagpikit niya ng mga mata. She was squeezing his thigh like he was holding there for her dear life. Marahil ay naramdaman ni Franklin ang takot niya o marahil ay nasasaktan niya ito dahil bigla nitong iginilid sa daan ang kotse at itinigil. Humigpit ang pagkakawak niya sa hita nito. “Elle, open your eyes, and look at me.” He commanded. Ikinulong nito ang mukha niya sa magkabilang palad nito. “Look at me , Elle.” pag–uulit nito sa tinuran. She then slowly open her eyes at nagtama ang kanilang mga mata. Sa loob ng walong taon ngayon lamang niya muling nakita ang binata. Ngayon lamang niya ito muling natitigan sa mga mata. And if she wasn’t mistaken, nag–aalala ito sa kanya. She can see it in his eyes. “I’m scared.” She helplessly said as he keep her eyes on his. “That thing won’t do anything bad to you, Elle.” sabi nito. Pero umiling–iling siya, that thing up in the sky can hit her in an instant like what had happened to the poor tree way back in her childhood memories. She sob in frightened when she heard the loud thunder and lightning burst at the same time. “Natatakot ako, Frank.” Tuluyan na siyang napahikbi. “Hush...it’s okay, Elle. Walang mangyayari sa’yo. I promise.” Sa kabiglaan ni Elleanor ay niyakap siya nito ng mahigpit. Tight enough to make her calm. He was hugging her like he doesn’t wanna let her go, as if he was protecting her from the furious lightning and thunder, as if he was her shield from the raging nature. Kung ilang minuto silang nasa gano’n ayos ay hindi niya tiyak. Pero isa lang ang natitiyak ni Elleanor, iyon ay gusto niyang nakakulong sa mga bisig ng lalaki. That his embrace has never changed, napapakalma pa rin siya nito kagaya ng dati. “You’ll be fine, Elle.” sabi nito na humiwalay sa pagkakayakap sa kanya. She sobbed. Pero kaagad din niyang inayos ang sarili. “Thank you,” she said. Nahihiyang napatingin siya sa labas ng bintana. It was dark outside and yet, she could recognized the way. Daan iyon papunta sa bahay nila. Pagkuwan ay napatingin siya sa gawi ni Franklin. Does it mean that Franklin still remember where she lives? Madalas ba itong umuwi sa San Vicente? “Malapit na tayo, Elle.” sabi nito na nagpatuloy sa pagmamaneho. Tila ang sarap pakinggan sa pandinig niya ang pangalan niya kung si Franklin ang bumibigkas n’yon. Ito rin ang tawag nito sa kanya noong mga panahon nagkakaigihan pa silang dalawa. Noong mga panahong mahal na mahal pa nila ang isat–isa. “How are you doing, Elle? It’s been eight years since the last time we’ve seen each other.” Napasulyap siya rito. Sa daan pa rin nakatutok ang mga mata ng lalaki. At last, he greeted her. “Ayos lang ako. Thanks to you for letting me ride in your car and for these?” she said talking about his shirt and coat. Smiled escaped from the corners of his lips. Ang uri ng mga ngiti na minsan ng nasilayan ni Elleanor at hinahangad na muling makita. “We are here, Elle.” Pagkuwan ay sabi nito na ipinarada ang sasakyan sa harap ng tahanan nila. Tumila na rin ang ulan. Tinanggal ni Franklin ang seat belt at nang akmang lalabas ito ay pinigilan niya ito. “I can manage,” aniya. “Maraming salamat uli, ibabalik ko na lang ang mga ito sa’yo, pagkatapos kong labhan. ” turan niya, mabilis siyang bumaba ng kotse saka nagmamadaling pumasok sa loob ng kabahayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD