Chapter 4

1419 Words
CHAPTER 4 Grizelda POV Kunsabagay sinabi ng kanyang ina na kontra-gusto ang ginawang pag papakal ni Elijah sa kanya. At marahil me kasintahan talaga ito pinakasan lamang marahil siya para lang sa kagustuhan ng yumaong ama para makuha ang mana. Ito marahil ang dahilan kaya hating gabi na ito umuuwi sa dalawang magkasunod na gabi. Ano klaseng buhay-me asawa ang kinasangkutan niya? Hangang saan at kalian sila ganito? Madali araw na siya nakatulog sa pag iisip kaya nang magising siya kinabukasan wala na si Elijah. Iilang araw pa lamang siya sa Mansion parang gusto na niya masiraan ng bait sa kawalan ng magawa. May mga katulong, hardinero, may taga pagluto. Ano ba maari niyang gawin? At sa hapunan mag -isa siya kumain sa mahabang lamesa. Gaano mang kasarap ang niluto ng kusinera hindi niya ma appreciate. Tinawag niya si Nana Sela at tinanung kung papaano pupunta sa opisina ni Elijah. Ginamit niya ang Honda Accord na bigay sa kanya ng asawa para puntahan si Elijah sa kanyang opisina. Tiningala niya ang building na kinaroroonan ng Main office ng Negosyo ng mga Escobar. Ang sabi ng kanyang mga magulang ay talaga napakayaman ang mga Escobar, lahat ng ito ay pinagsikapan ng kanyang asawa. Tiningnan niya sa naroong directory kung ano floor ang Escobar Industries na opisina ni Elijah. Nasa16th floor ito, sumakay siya sa elevator at humalo sa mga naroon. Sumabay siya sa lalaking papunta sa 16th floor at nagtanung dito. ---------------- “Where can I find Mr. Escobar office?” “Please, follow me,” ang sabi ng lalaki na tantiya niya’y empleyado dun. Sinamahan siya nito hangang sa sekretarya niya ni Elijah. Isang maganda babae na sa palaga’y nasa late twenties nito. Tila mannequin ang tingin niya rito. “Rose may nag hahanap kay boss,” ang lalaki na iniwan na rin siya matapus siyang umusal ng “thank you”. Hinagod siya ng tingin ng sekretarya, mula ulo hangang paa na tila sinusuri ang ayus niya. Isang simple maluwang na t-shirt na tinernuhan niya ng leggings at rubber shoes ang soot niya. Walang make up at naka ponytail ang mahaba niyang buhok. Tila siya isang teenager sa ganung ayos. “Aplikante ka ba?” mataray nitong tanong. “Sa Personnel ka dapat mag tungo. Hindi dito” Bago pa siya sumagot ay isa pa uling babae ang lumapit. Tila ito modelo sa suot na high heel at tailored dress. Mapula ang mga labi at pinag halong pula at brown ang buhok. Gusto niyang maaliw. Parang si Diana sa “La Traidora ang nakikita niya. Ang gayak niya’y out of place sa mga kababaihan rito kahit pa mga empleyado lamang. “Nandiyan pa ba si Elijah, Rose?’ “Yes, Ma’m Shannon. Tumuloy ka na,” sagot ng sekretarya. Muli ay binalingan siya nito.” Miss, kung aplikante ka ay hindi rito ang personnel. Itanong mo na lang sa banda roon kung saan ito.” Inginuso nito ang lugar na malapit sa pinto. “Hindi ako aplikante at hindi ko kailangan pumunta sa personnel.” Itinaas niya ng kaunti ang mukha at binigyan ng authority tinig.” “Si Elijah ang gusto kung makita at kausapin. Now, if you’ll excuse me.” Taas-noong humakbang siya patungo sa pintong pinasukan ng naunang babae at binuksan ito. ‘Hey”..Humabol ang sekretarya. Ang babaeng pumasok ay nakaupo ay nakaupo sa armrest ng silya ng asawa at nakayuko sa mga dukomentong hawak ng huli. Parehong nag angat ng mga ulo ang dalawa pagpasok niya. “Miss ano kaba? Pagalit na sabi ng sekretarya na hinawakan siya braso.” Sir nag pilit po pumasok eh.” “Kilala mo ba, Elijah, ang babaeng yan?” ang babaeng nasa armrest pa rin. Sinulyapan ni Grizelda ang asawa na hindi niya malaman kung ano ang binabadya ng mukha. Kung pagkabigla o galit ay hindi niya matiyak. “Sige na, Rose.” Wika ni Elijah sa sekretarya na alanganing lumabas, pagkatapus ay binalingan si Grizelda.” Hindi mo sinabing pupunta ka rito?” “Who is she Elijah?” ang babae uli na sa pagkakatong iyon ay tumayo sa armrest. “I want you to meet my wife, Shannon,” pagpapakilala nito na ikinabigla ng babae. “Meet Grizelda my wife, Honey, this is Shannon, my girl Friday.” “Your wife?” bulalas nito na nilingon ang lalaki.” My! I never though you’d pick up a very young wife, Elijah! “Binalingan si Grizelda at ngumiti.” Well, hello Mrs Escobar! Forgive me if I didn’t expect you to be Elijah’s wife. Wala siyang inimbita sa kasal niyo maliban sa mga big Boss. “Isang ngiti lamang ang isinagot niya. Humakbang ang babae patungo sa pinto.” I will see you later Elijah. Nice to meet you Mrs.Escobar.” At lumabas ito. “Ganito ba lahat ang mga empleyado mo?” aniya na lumingon pa sa pinto. “Matabang na ngumiti ang lalaki”.” Sorry about that Mrs.Escobar. Kung sinabi mong darating ka’y sinabihan ko sana si Rose para nakilala ka niya agad”. Tuya nito. Naningkit ang mga mata ni Grizelda sa panunuyang iyon. “I wasn’t expecting recognition! At least politeness dahil ganoon dapat ang mga empleyado, di ba?” Si Mrs. Escobar man ako o or-dinaryong kliyente. Huminga ng malalim si Elijah.” Pagsabihan ko si Rose. Anyway, reliever lamang siya. Dahil maternity leave ang sekretarya ko. At” Yung babaeng kalalabas lang?”  Lahat ba sila “pag pumapasok dito sa silid mo ay sa armrest nakaupo?” Tuya niya. Natawa si Elijah.” Kung hindi kita kilala ay iisipin kong nag seselos ka, Grizelda! “Nagseselos! Biglang natauhan si Grizelda. Napahiya sa sinabi. I’m sorry…. hindi ko inaasahang sa isang opisina ganito ay…………” “Yes. Patawarin mo ako sa parteng iyon. Iba ka nga pala. You conduct business sa tamang lugar at panahon. Shannon has been with me for three years and she is a friend of mine. At least hindi siya ipokrita.” Patuloy ito sa pagsasalita ng may kahulugan at at sarcasm. “Damn you, Elijah! I never flirt with married man!” O Kahit na kaninong lalake, gusto niya dagdag pero nanahimik na lamang. Pumuno sa silid na iyon ang malakas na halakhak ni Elijah! I can’t believe it!” Hindi niya malaman ang sasabihin at gagawin. Nalilito siya. Nagagalit siya sa lalaki dahil sa mga insulto nito. “Alam mo Elijah, hindi ko alam kung sino sa atin ang me diperensiya. You dislike me so very much, and yet you married me. Ako, hindi ako pakakasal sa lalaking hindi ko gusto anuman ang mangyari. Malamig niya sinabi habang habang matalim ang mga mata. Tumaas ang mga kilay nito.” Does that mean you want me Grizelda?” Nanlaki ang mga mata niya. Hindi niya akalaing ibabalik nito ang tanong. Hindi siya dapat nakikipagdigma ng salita sa lalaking ito dahil matatalo lamang siya. Tumalikod siya at akmang lalabas na nang tawagin nito, matigas ang tinig at sinabayan ng pagtayo. Huminto siya at lumingon dito. “Ano ang sadya mo rito?” “Hindi na mahalaga!! Gusto na lamang niya makaalis sa opisinang ito bago pa pukawin ng lalaking ito ang galit niya. “Hindi ka pupunta rito ng walang dahilan. Ano iyon? Ang awtorisadong tanong ni Elijah. Nagkibit siya ng balikat, N. naiinip ako sa bahay, Elijah. Naisip kung pumunta rito para sabihin sa iyo gusto ko bumalik sa dati ko trabaho. You know I finish my degree in Harvard, Law School, and I want to go back to work. Amazement ang Nakita niya sa mga mata ng asawa. Kinabahan siya. ‘Naiinip?” Why?” Stop trying to impress me, will you?” “Hindi ako nag papa- impress!! Itanim mo sa isip mo iyan!! At wala ako pakialam kung ano tingin at kakakilala mo sa akin at sa aking pamilya!! Kumawala na ang tinitimping galit niya.” Grizelda Blanco Escobar, Wife of the famous billionaire businessman Elijah Escobar, of Escobar Industries. Pangalan ko pa lang, Elijah madali nang magdadala sa akin ng trabaho sa alinmang kompanya, plus bunos ng I am a certified lawyer. Sa dalawang hakbang ay nasa harapan na niya ang asawa at marahas siyang hinawakan sa magkabilang balikat.” Huwag mong subukan ang pasensiya ko, Grizelda!! Dinig na yata niya ang pagtagis ng mga ngipin nito. “Bitiwan mo ako!! Sinikap niya salubungin ang mga mata nito. Wala kang Karapatang ikulong ako sa bahay!! “Ikulong?” ulit nito sa sinabi niya.” I might as well do that, Grizelda” Asawa kita at magagawa ko ang anumang gusto kong gawin sa iyo. “Pag hinamon mo ang pasensiya ko” wika nito sa mapanganib na tono. “Hindi mo ako asawa!! At hindi kita asawa sa tunay na kahulugan nito.!! Hindi na niya mapigil ang sarili. Sa nerbiyos at pagkalito nakalimut na siya sa sarili. “Hindi asawa, ha?” Ngumisi ng patuya si Elijah, Dahil ba hindi ko naipagkaloob sa iyo ang bagay na “iyon”? Iba ang pagkaunawa nito sa sinabi niya. “H. hindi—” “Ganoon ba talaga ang pag hahangad mo sa akin, Grizelda?” May kakaibang kislap ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Kinabahan siya lalo na nang unti-unting humihigpit ang pag kakahawak ni Elijah sa mga balikat niya at hinahapit siya. “Renzo…, please bitawan mo ako!!Pinilit niyang kumawala sa pag kakahawak ng asawa ngunit tila bakal ang mga kamay nito sa kanyang mga balikat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD