Chapter 29 “Teka, para saan ba iyang party sa labas? Tanong ni Grizelda sa asawa. “4th Monthsary ng kasal natin. Nakalimutan mo na,’no? nagtatampong sabi ni Elijah. “Ngayon ba? “Kahapon pa.” Kaya nga inasikaso ko iyon nang ilang araw dahil gusto ko sanang maging memorable sa iyo. Para naman mabawasan ang pag susungit mo. Tapus bigla mo na lang sinabi sa aking uuwi ka sa Rancho ninyo. Ang napili mo pa araw ay iyong dapat sana romantic date para sa ating dalawa. Napilitan tuloy ako hingin ang tulong ni Lolo at Mama pati si Salve. Sabi ko , gusto ko mauna kami para maiayos na pag uwi mo. Nanlaki ang mga mata niya.”Kaya hindi ka nakauwi noong isang araw? “Opo” Natawa siya.”Sumama pa naman ang loob ko sa iyo.’ Nagyakapin siya ni Elijah, hindi pa rin mawala ang kaba ng kanyang dibdib.S

