HELENA "Pupunta na kayo sa ospital?" Tanong ko kina Daniel na may bitbit na bag at paalis na. "Yes, mommy. Magpapa-admit na ako habang nagsisimula pa lang sumakit ang tiyan ko. Papunta na rin si Catherine doon. Siya ang gusto kong magpaanak sa akin. Please don't question it anymore. Komportable lang talaga ako sa kaniya." "I understand. Susunod na lang ako doon. Don't worry, marami namang puwedeng mag-guide kay Catherine doon." "Thanks, mom. Alis na kami." Pagpaalam nito at humalik muna sa pisngi ko bago sila umalis. Naghanda na rin ako para makasunod agad sa ospital. Nakasalubong ko si Chanelle na paakyat naman habang ako ay pababa sa hagdan. "May lakad ka mommy?" "Sa ospital. Manganganak na ang ate mo." Naningkit ang mga mata nitong tumingin sa akin. "Seriously, mommy?" "As

