Matapos magkapatawaran ang lahat, inaya ni Dan ang kaibigan sa kanilang mansion. Nagdadalawang-isip pa ang guro dahil nahihiya siya. Pero dahil makulit si Dan, napapayag niya ito. Ngayon ay nasa bahay na sila ng Mattias. Tahimik naman sa sulok si Danica na tinitingnan ang daddy Dan at Drake niya na nag-uusap. Hindi nila maitago sa sarili ang pagkamiss sa isa't isa. Si Erica ay abala sa pagluluto para sa tanghalian nila. Tumayo si Dan. "Inom muna ako ng tubig, Bebz." "Okay." Tiningnan ni Drake ang kanyang anak sa harapan at nginitian. Binigyan din siya nang matipid na ngiti ng dalaga. Tumayo naman si Drake at inilibot ang kanyang mata para tingnan ang mga naglalakihang litrato ng pamilya Mattias na naka-dikit sa dingding. Napangiti siya nang makita ang wedding photo ni Dan at Erica n

