KIARA'S POV
"Alex!" sabay sabay nilang sigaw nang sa isang iglap ay bumagsak sa malamig na sahig ng auditorium ang bagong hinirang na reyna ng pagpana.
At sa isang kurap din ay nagawa niyang pangambahin ang lahat dulot ng kanyang pagkawala ng malay. Lumutang ang pagtawag ni Sky sa pangalan ng pinsan ng paulit-ulit at walang sawa. Halos hindi maipinta ang pagmumukha nito.
As whoever check out our whole picture, they were all in chaos and panic for the girl. The girl who defeated me. The girl who got my title from me. It was like a dramatic slow motion as I watch my friends being concerned to a person they aren't familiar yet. To a person who somehow offended their friend's pride.
Hindi ko alam kung may natitira pa akong sama ng loob dulot ng pagkatalo pero hindi mapagkakaila na kahit bali-baliktarin ko man ang mundo, hindi ko mababago ang naging resulta. Na sa bawat laban at laro ay may talo at panalo. Na may mga desisyon na dapat tanggapin kahit anong mangyari.
Past is something you cannot change but you can still learn from it.
I'm still standing there. Staring the other three's pale and now full of expressions faces. Every second seems like waiting for minutes before it passes. I was between the urge to help her or not. Weird it maybe but I don't even know the reason why my body remains so stiff here on the side.
Then, my eyes met Spade's eyes. They were pitch black yet expressive on the other side of them. He was looking at me intently as if he saw through me and he's asking me quietly what would I do.
Nagsanay ako para maging mahusay na archer sa pamilya. Para mapantayan ko sina kuya na mga nagkampyon na sa nasabing larangan. Gusto kong matumbasan at malagpasan ang mga tropeyo, medalya, sertipiko, at karangalang dinala nila sa pamilya namin. Gusto ko ring magdala ng tuwa't saya sa mga mukha ng mga magulang namin.
Lahat ginawa ko para maging katangi-tangi. Pero natalo pa rin ako.
However, should I blame her for it? No. She had fought fair and square. We challenged her and it is now my turn to be challenged by the consequences if my prideful inner self will be able to accept it.
Wala sa sariling nailabas ko na lang ang telepono ko mula sa bulsa ko at pumindot ng mga numero. Numerong didirekta sa isang kakilala na marahil ay makakatulong sa babaeng ito. Sunod ko na lang na narinig ay ang mabilis na pagsagot ng taong natawagan ko.
[Hello?]
"Is this Celine from the Student Assitance Office?" I asked, trying to reach out one of the school's scholars from the office of the teachers' pets.
[Speaking. How may I help you, Miss Delaverde?]
"I want you to contact the infirmary's doctor to prepare a slot. We're going to bring an unconscious student. This is urgent so kindly coordinate. Thank you." I said and I immediately ended the call to check out on Alex's condition as well.
My eyes wandered on where to look first because panic is also slowly reaching over me but I am certain that the king smirked on me before he finally sits down along with Sky and Edward, inserting his self to the circle of worried people beside the queen.
Hindi ko alam kung ano maiinis ba ako o ano. Kilala na ako ni Spade. I always take pride with my abilities and capabilities. He is definitely aware of the impact of losing to me. Siguro ay tila isang nakatutuwang palabas na makita na magpakita rin ako ng pag-alala sa taong nakabulagta ngayon. Ganito naman talaga siya.
Pero kadalasan, talagang ang hirap niyang basahin.
Gayunpaman, kilala ko na kahit papaano si Spade. He will never help someone he dislikes unless necessary and obligatory. He was never worried to strangers. He will never sit down beside an unconscious woman lying on the floor. Ultimately, he will never try to make an effort such as to carry a dangerous lady on his arms in a bridal way.
"Clear the path." At sa ilang mga salitang iyon ay nagparamdam muli ng kapangyarihan niya ang hari. Kusang kumilos na sina Alexis, Thelina, at Courtney para siguraduhing malinis ang dadaanan at walang makaaabala.
I don't have any idea what is he planning or why is he even doing this but let me assume that he really is just a concerned citizen for our friend's cousin.
Pumarinig ang malakas na pagbukas ng mga pintuan ng auditorium. The light from the outside invaded the entrance of this four-sided closed room. And as if the signal has been given, the king prepared his self to run while carrying a queen from the other world for their perfect plan of escape from a dark and haunted palace.
They look surprisingly good yet contrasting. So contradicting.
Sa sobrang paglipad na naman ng aking isipan ay hindi ko namalayang tumatakbo na rin pala ako palabas ng Hoary Hall kasama ang mga kaibigan at mga bagong kaibigan namin. Sinusundan lang namin ang mga malalaking yapak ni Spade.
Naging maayos at walang kaharang-harang ang daanan patungo sa infirmary. Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa pagamutan kung saan inaabangan at inaasahan na kami ng taong tinawagan ko kanina.
"HEAD, do come in. The doctor is already waiting." She informed us politely with a bow.
Celine gestured the way in and we, on Spade's lead entered the room. Naging mabilis ang mga pagkilos namin hanggang sa mailagay na namin siya sa naipahandang higaan. Dulot na rin ng pag-aalala at pagpapakita ng kabutihan ng mga kasama ko sa bagong kakilala ay napagdesisyunan naming hintayin siya gumising.
Nakakainip, oo. Pero may mga napagtanto ako sa bawat minuto na lumipas. Walang mangyayari kung maglulugmok ka sa nakaraan. Walang bagay ang nangyayari ng walang dahilan. At hindi hadlang ang personal na kagulumihanan para tumulong sa isang tao.
She seems nice though. Bakit ko nga ba kasi pinapalaki pa iyon? Hayst.
Pawang nagkanya-kanya kaming upo habang hinihintay ang reyna na magising sa kanyang pagkakahimbing. Nanatiling nakahawak sa kanyang mga kamay sina Dereen at Skyzzer na animo'y mawawala na lang na parang bula sa kahit anong sandali ang taong hawak nila.
Ilang metro rin ang layo sa kanyang kinahihigaan ay sinamahan ko sa pag-upo si Collen sa gilid ng kama na kinaroroonan niya. "Bored?" una kong nasabi pagkalapat ng aking pwetan sa malambot na kama.
"Nope. It's kinda interesting to see the king helping an opposing queen. Saka nakakatamad pa bumalik ng klase. Si Sir Emman pa eh." He shrugged, gaze fixed on the almost-burial looking scene a few meters away.
Napasinghal naman ako sa sagot niya. Kahit kailan talaga 'tong batugan na ito. Pustahan tayo, wala lang talaga sigurong assignment 'yan o kaya project.
"You can drop his subject and choose another alternative subject. Ba't nagpapakahirap ka pa?"
Bakit kailangan mo pahirapan ang sarili mo sa isang bagay na sa tingin mo ay hindi ka nababagay? Panay reklamo kasi naririnig ko sa mga bugok na ito pagkadating sa headquarters mula sa klase ni Sir Emmanuel. Magaling naman siyang magturo para sa akin. Siguro sadyang nasa estudyante na lang talaga kung magiging hiyang sila sa paraan ng pagtuturo ng isang guro o hindi.
"I want to learn how to cure. Bakit ko ida-drop ang extra-subject na iyon? Sayang naman. Malay mo baka magamit ko pa. Lalo na hindi naman natatapos ang bawat taon dito sa Mhorfell Academy na walang namamatay."
Napailing iling na lang ako sa naging makahulugan at biglaang seryoso niyang responda. He has a point. It's our last year here at Mhorfell Academy. Last year as the reigning HEAD. We've witnessed numerous deaths more than any person who is under the Witness Protection Program.
It's horrifying. Terrifying. Traumatic. Sanayan na lang talaga dahil bago pa man kami dumating sa eskwelahan na ito, ganito na.
Akala ba talaga ng mga estudyante ay masaya at paghahayahay lang ang ginagawa ng mga miyembro ng HEAD?
Akala ba talaga ng mga tagalabas ay napakagandang pribelehiyo ng pagiging isa sa HEAD?
Most of the time, yes. But the least is a greater force. A greater fear.
Have you experienced hearing the brutal cracking of bones? Do you know the real color of blood flowing from the bodies of innocent victims? Do you know how deafening the screams and pleads are? Even hearing stories and reports from other students send shivers to our spines.
That's when we realized that being a HEAD is not a privilege for an outstanding student. It's a responsibility and authority for a potential fighter.
"Hahahaha!"
"Ay putangina! Hayop!”
"Kung nakita mo lang mukha mo, Kia! Hahaha! Ang lakas maka-mapagkailanman ang mukha!"
"Hayop ka! Akin na 'yang lintik na cellphone na 'yan! Burahin mo 'yan! You, bastard!"
Kahit kailan talaga 'tong Collen na 'to! Kuhanan ba naman ako ng litrato habang inaalala 'yung nakaraan! Nananahimik lang ako eh! Akala ko pa naman dahil seryoso ang pinag-uusapan, magiging matino na siya! Hindi pa rin pala!
"Edi kunin mo! Hahaha! Nako mahirap pa naman kapag maiksi binti. Mahihirapan tumakbo at manghabol! Lapit ka nga! Heto na 'yung cellphone ko 'o."
Aba't siraulo talaga! Nang-insulto na nga porket kinulang ako sa height, naghamon pa! Binalandra pa ang stolen shot ko rito sa mga tao sa infirmary! Kaunti na lang talaga mapapatay ko na 'to eh!
Mabilis akong tumayo sa pagkakaupo at akmang aabutin ang laylayan ng t-shirt niya dahil malapit lang siya sa akin nang maagap siyang lumayo. Sinamaan ko naman siya ng tingin kaso ang loko, hindi natinag. Aba't!
"Uhm. Miss Delaverde and Mr. Lee, hindi po pwede ang maingay dito." Paalala sa amin ng doktor na nasa kanyang parte ng opisina. Kita mo rito na nag-aalalangan siyang sawayin kami dulot na rin sa bago siya rito at alam niya ang kakayanan naming lahat na nandirito.
Pero hindi naman ako ganoong kabastos tulad ni Collen para hindi alamin ang lugar ko. Kaya hinabol ko na siya dahil paniguradong sa labas dadaan ang isang 'to.
Malilintikan ka talaga sa akin, Collen Matthew Lee!
****
SKY'S POV
"Cousin, please. Please wake up." Pagmamakaawa ko sa walang malay na si Alex na nakaratang kama.
Naramdaman ko naman ang paghagod ng isang malambot na palad sa aking likod habang nakatuon pa rin ang titig ko sa pinsan ko. Hindi ko magawang tumingin para makita ang taong iyon dahil natatakot ako na baka mawala na naman siya sa paningin ko. Ayoko nun.
"She will be alright, Sky. Nawalan lang naman siya ng malay. Isa pa, sabi naman ng doktor, stress, pagpupuyat, at init-lamig lang ang nangyari."Base sa boses at pananalita nito, galing kay Courtney ang pampakalma na hagod na iyon sa likod.
Naiintindihan ko naman. Argh.
"Oo, narinig ko rin naman. Kaso ang hirap na hindi mag-alala."
"Tama si Courtney, pare. 'Wag kang O.A." segunda naman ni Jonathan na nasa katabing kama lang nakaupo at nakamasid sa amin.
Kahit papaano ay gumaan ang loob ko sa mga sinabi nila at sa iba pang pampalakas-loob na mga salitang binigay din ng iba ko pang kaibigan. Kaya, Alex. Please wake up soon.
"Thirty minutes nang wala 'yung dalawa ha. Grabeng habulan naman yata ginawa nila." ani ni Thelina na nakasandal sa may sulok at gilid ng bintana. Mukhang maliban sa iba pa niyang pinagmamasdan ay hinihintay niya ring bumalik sina Collen at Kia.
Ewan ko ba sa dalawang iyon. Ang lakas ng topak. Si Kia naman, alam naman na niyang may saltik ang lalaking iyon pero hindi niya talaga mapag-tiisan. Basta 'wag lang silang aabot sa Forbidden Gate. Mahihirapan kaming hanapin sila kapag nagkataon. Bandang parteng magubat na iyon ng school eh.
Napabuntong hiningan naman si Edward na nakaupo sa katapat na upuan ng doktor at nagbabasa ng isang makapal na libro na hindi ko na aalamin pa kung tungkol saan dahil sa kapal.
"Baka kasi habulan na ng feelings ginagawa nila." Komento nito nang nakapokus pa rin sa binabasa.
Napatawa naman niya kami sa kinomento niya. Oo nga naman. Baka nga. Wala namang imposible eh. Siguro nga the more you hate, the more you love. Hahaha! Being known as a calm but fierce woman like Kia, si Collen lang talaga ang nakakapagpasagad ng pasensya niya.
Natigil naman ang kantsawan at tawanan nang mapansin naming umalis na sa pagkakasandal niya si Rennei at mukhang papalabas yata siya.
"Where are you going?" tanong ni Fiacre my loves na napatayo na rin.
Aba'y ngayon ko lang napansin! Bakit nasa iisang couch ang mga hinayupak na sina Marc at Alexis kasama si Fiacre my loves?! Kanina pa ba sila magkakatabi?! Langya, ang landi talaga nito ni Marc!
Rennei then halted in instance by hearing her friend's question. Napalingon naman siya sa amin na dala na naman ang nagbabalik niyang mga walang emosyong mga mata.
"I want to go out. I don't want to overthink." She answered plainly and then she swiftly strided across to the exit.
Sa kanilang magkakaibigan, si Rennei ang never kong naintindihan. Promise! Seryoso! Si Fiacre naman, ang feelings ko ang hindi maintindihan. 'Yun tuloy hindi kami mutual understanding. So sad.
Kidding aside, para silang magkakambal ni Ed. Mas tahimik nga lang si Rennei at mas ilap sa ibang tao. Hindi ko rin naman siya natatanong kay Alex kasi mas tutok ako sa future wife ko 'no.
"She doesn't look fine," Fiacre said.
Napatingin naman ako sa pailing-iling na si Dereen na katapat ko lang. "Bakit, Dereen?" hindi ko na rin naiwasan ang hindi magtanong. Sila lang din kasing magkakaibigan ang paniguradong magkakaintindihan eh.
"Nothing, Sky. Fiacre, just leaves her alone for now. I'm sure she remembered something that might be connected as to why Alex lost consciousness. Kaya 'wag mo na siya alalahanin. Magpapalipas lang 'yan."
Binalikan ko naman ng tingin si Fiacre pero bakas sa mukha niya ang pagkalutang. Nakayuko lang siya at para bang nakuha niya ang pinupunto ni Dereen. Kaso ako naman, wala akong na-gets. Something connected to why Alex is unconscious?
Mag-iisip pa sana ako kung ano 'yun nang napatikhim na lang si Dereen para matawag ang atensyon naming lahat.
"Ah, guys. Nasa mahigit isang oras niyo na rin kaming sinamahan dito. You can go if you want. Kami na bahala kay Alex. Isa pa, you still have your duties to tend to."
"Pinsan ako ni Alex. Dito lang a—"
"Sky, just go. Come on. Ayaw mo naman sigurong mas lalong sumama ang tingin ng iba kay Alex kapag narinig nila na nawawalan ka na ng focus sa iba mo pang gawain."
That shut me up. Not just because she is on point but instead, she sounds like she's really trying to push me out of this place. I don't know. But I guess Dereen's right. May iba pa kaming kailangan asikasuhin.
Siguro guni-guni ko lang 'yun. Why would Dereen want us out of here, right? Nakisama naman na sila sa tropa namin kanina. Yeah, wala lang 'to.
"Then," Spade started as he finally let his presence to be noticed once again.
He stood up from the same bed where Jonathan is sitting and fixed some wrinkles on his shirt. It's been a while and we didn't hear that much from him since we came here. Hindi ko na rin naman na siya masyadong napansin dahil alalang-alala na ako at saka mukhang ang lalim ng iniisip niya kanina pa.
"Mauuna na kami. Heads, let's go. We also need to find the two kids before our next class starts." Pagpapaalam niya sa amin kaya naman nagsitayuan na rin kami sa kanya-kanyang naming pwesto at sumunod na kay Spade na nagdire-diretso na palabas.
Ako naman ay pawang tumigil sandali para sulyapan sa huling pagkakataon si Alex bago kami umalis. Mukhang nakuha naman ni Fiacre ang ibig sabihin ng pagtigil ko kung kaya't tumayo na siya sa kinauupuan niyang couch at nagpunta sa kaninang kinauupuan ko para daluhan din si Alex.
Abang tumango siya sa akin na para bang pinaparating niya sa akin na mahal niya ako.
Joke! Asa pa ako. Pinaparating niya lang na sila na bahala kay pinsan.
Tsk. Makaalis na nga.
****
DEREEN'S POV
Hay, salamat. Nakaalis na rin sila. Buti na lang din at nagpaalam din muna 'yung doktor na in charge dito para kumain sandali at 'yung isang estudyante na bumalik na sa klase niya. Feeling ko kanina cornered kami na hindi malaman eh.
"L-Lorraine!"
Mas mabilis pa sa kidlat na napaalarma at napakilos ang katawan ko nang marinig ko ang sigaw na iyon mula kay Alex. Napatayo na ako kaagad at gayun din si Fiacre.
"s**t. Alex, are you alright?!" nag-aalalang tanong ko sa kanya.
Nanlalaki ang mga mata niya. Namumutla at mukhang takot na takot na animo'y may tinatakbuhan na kung anong halimaw o nakakatakot na nilalang. Mabilis ang pagtaas-baba ng kanyang dibdib sa kaba kaya naman pati tuloy kami kinakabahan.
"Dereen! What's happening to Alex?!" aligagang pagtatanong na rin sa akin ni Fiacre.
Ugh. Bakit kasi wala rito si Rennei kung kailan kailangan namin siya?! Wrong timing talaga ma-bad trip ang isang 'yun.
Since I'm getting confused by which should I do first, I decided to put my hands on Alex's shoulders and told Fiacre to hold her sweating palms tightly so that she can feel our presence. We need to calm her.
"Can you hear me, Lex? It's me, Dereen!" tawag ko sa kanya.
Tila naman natamaan na siya ng wisyo kaya unti-unti na ring kumalma ang katawan niya. Pati ang paghinga niya ay hindi na gaanong kabigatan. Doon lang namin siya inalalayan na bumangon. Basang basa siya ng pawis na para bang tumakbo siya ng ilang kilometro. Lamig na lamig ang mga kamay niya na para bang naligo siya sa yelo.
"Dereen! Napanaginipan ko siya. Siya!"
"At siya rin ang naiisip na dahilan ni Rennei. Kaya ayun, nag-walk out ang lola mo." Singit ni Fiacre. Kumunot naman ang noo ni Alex sa sinabi ng nahuli.
Napahinga na lang ako ng malalim. "Nako, nagtatampo lang 'yun. Alam mo namang hindi ka natitiis nun. Kaya ikaw, kalimutan mo ang pangalan na iyon. Kung ayaw mo lang naman na mainis si Rennei." Suhestiyon ko.
Napatungo naman si Alex sa sinuhestiyon ko.
Bakit kasi kailangan Lorraine rin ang pangalan ng kapatid ni Spade? Hindi ba pwedeng Clara? Janine? Sofia? Diana? Alicia? Bakit sa dinami dami pang pangalan sa mundo ay Lorraine pa ang pangalan?! Bakit kailangang kaparehas ng pangalan niya?!
Pati tuloy ang mga hindi na dapat inuungkat, nabubuhay pa dahil diyan.
If there's something we called the block of every moving on stage, it will those things that will trigger you to remember everything.
And I swear, it's the fuckest thing you'd never want to suffer from. Been there, done that, kumbaga.
Nabalik naman ako sa ulirat nang kumapit si Alexandria sa kamay ko ng mahigpit na para bang nakasalalay ang oras ng mundo rito.
"Call Detective Chavez and ask him for Lorraine's family background. Details and everything. I need as soon as possible."
Bakas ang determinasyon at pagpupursigi nito habang binibigkas ang mga mapangahas niyang salita. Tiningnan ko siya nang parang hindi makapaniwala.
Maliban sa magiging lubus-lubusan ang magiging pagtutol dito ni Rennei, masyado lang niyang hinahalungkat ang mga bagay na hindi na dapat niya pakialaman. Mga bagay na mas mabuti nang huwag pang dikdikin ng mas malalim.
Aside from it being dangerous and risky, she might discover something more heartbreaking or painful. Something that we would wish she didn't find out.
Masaya na kami sa ganitong mapayapa na ang buhay. Bakit kailangan pa naming balikan 'yun?
"Please."
Nagkatinginan na lang kaming dalawa ni Fiacre. Nagkakaintindihan na wala rin kaming magagawa kung hindi ang gawin ang nais niya. I admit, I want the answers too. I want to know.
Dear God, don't make us regret this decision.
****
ALEX'S POV
"Alex! Dali na! Please! Hindi ko na kaya!"
"At mukha bang kaya kitang palitan diyan sa pagpa-piano? Matagal ko nang nakalimutan ang mga piyesa kaya tigil-tigilan mo ko."
Naglulupasay na ang magaling kong pinsan dito sa harap ko para palitan daw ang piece niya kaso hindi na pwede dahil naipasa na namin sa office iyon at may approval na. Dapat noong unang araw pa lang kasi, nagsalita na siya. This idiot, really.
"Kapag ikaw hindi mo naipanalo 'yang lintik na piano recital na 'yan, I will make sure that you won't be able to get close with Fiacre anymore." Banta ko sa kanya kaya napaayos siya ng postura.
Nakaisip naman ako ng mas magandang paraan para mamotivate si Sky kaya kahit alam kong bubungangaan ako ni Fiacre, gagawin ko na.
"Ah, these gorgeous childhood pictures of Fiacre. Sayang. Balak ko pa naman sanang iregalo 'to sa'yo kapag nanalo ka kaso mukhang suko ka na." pang-iinggit ko pa.
Nakita ko naman na nagningning at para bang naghugis puso ang mga mata niya nang makita niya ang nagsa-slideshow na pictures ni Fiacre sa phone ko. Iba na talaga kapag natamaan ng pana ni kupido. Mas nagiging uto-uto.
"Sabi ko nga mag-eensayo na ako eh. Sige, maiwan na kita diyan." At ayun. Bumalik na siya sa pag-upo sa tapat ng magiging ka-date niya sa mga susunod na araw—ang piano.
Kasalukuyan na ako ang naatasan na bantayan ang pagsasanay ni Sky dito sa headquarters ng HEAD. Sina Courtney naman at Riell nasa taas. Kararating lang galing sa panghihiram ng mga libro sa library.
They are up for the quiz bee. Since the school is also eager to win, they gave them passes to enter the library anytime and they can borrow as many books and as long as they want.
Ang mga lalaki naman ay nasa gymnasium para magpraktis para sa basketball match. Si Marc lang ang nakahiwalay dahil sa isang gymnasium siya nag-eensayo para sa swimming. Pero kasama naman niya si Rennei na komportable na na hindi mag-ensayo para sa fencing kaya ayun, bantay-bantay na lang.
Ang hiling ko lang, sana huwag sila maglunuran ni Marc dun. Lugi nga lang si Marc.
Dereen is not here because she was given the permission to go out for the reason of practicing for her Taekwondo match but actually she will meet with Detective Chavez as for my request.
I gave Kia the honor to represent the school for archery which she is glad to do so while Thelina is on their gun-shooting clubhouse. Sa amin ding apat natoka ang intermission number para sa araw ng pagsisimula ng event pero heto at kanya-kanyang aral dawn g steps ayon kay Fiacre na siyang pumili ng mula kanta, konsepto, at damit. As for the duel, all of us are included except for Riell.
Either way, everything is already settled for the upcoming competition. Kahit ang pagtatampo sa akin ni Rennei, ayos na. Kaya heto, walang ginagawa. Nga-nga.
That is why I went out first to reduce boredom. Taking a stroll for a moment won't hurt the practice schedule, will it?
These days, only a few students can be seen outside the school grounds. After all, every department had already set their booths up to perfection. Even the decoration inside the buildings was magnificent. The school overdid the work of being the host, I assure you.
Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad ko nang may marinig akong pagngawa. Boses ng isang bata. Napalinga-linga ako at nakita ko naman kaagad kung saan nanggagaling 'yun.
Without thinking, lumapit ako sa kinaroroonan nung bata at ang lalaking tinataboy niya na sa uniporme nito ay sa tingin ko'y janitor.
"Kuya, may problema po ba?" I approached.
The janitor is a little bit surprised to my sudden appearance while the kid immediately pulled her hands off from the man's grip and went behind me. What is the problem of this kid?
"A-ah, eh k-kasi po iyang bata. Mukha pong n-nawawala eh. Kanina pa po umiiyak. Ang dungis dungis na nga po 'o. Ayaw niya naman pong magpatulong." sagot niya sa akin.
Is it just me or parang may pagkaweird talaga siya? Sabayan pa ngpakakautal niya.Tss. Mukhang hindi pa talaga ako nakakarecover sa pagiging paranoid.
"Doon ka! I hate you! Lumayo ka sa akin! You're a bad guy!" pagtataboy ng bata doon sa janitor sabay wasiwas pa ng kanyang mga kamay habang nananatiling nagtatago sa likuran ko.
Ano bang problema ng batang ito at parang takot na takot siya kay manong janitor? Minsan talaga ang komplikado ng mga bata. You can't guess what they are thinking. I just can't imagine that I was once like this before.
"Ah manong, sige po mauna na kayo. Ako na po ang bahala rito." tinanguan na lang ako ng janitor at dali dali na rin siyang umalis kasama ng nahulog pa niyang walis.
Ako naman, humarap ako sa bata at umupo para maging kapantay niya ko. Agad kong napansin ang pagiging madungis niya. Ngunit, kitang-kita rin na kagagaling lang niya sa pag-iyak. Kinuha ko naman 'yung panyo ko sa bulsa at pinahiran ko ang mga luhang nagbabadya nang bumagsak.
"Hey sweetheart, are you lost? What's your name? Where's your guardian?"
"Yes, lady. My name is Charlene. Mom and Dad told me and my brother, Charles that we should stay here until they come to pick us up. Anyway, why does your school have a villain for a janitor?" she complained cutely with her arms crossed.
Setting that aside, villain? Is she pertaining to that janitor a while ago?
Shh, nevermind."Then, where's Charles?"
"I don't know. Can you help me find him? Also, I am already hungry." Charlene pleaded while caressing her stomach in circles.
Aww. This child is too cute to be refused.
"I can treat you if you want. But I guess it will be more exciting to eat while watching a game don't you think?" pag-aalok ko sa kanya.
Halos manginang-nginang ang mga mata niya sa mga narinig niya mula sa akin. Medyo nasurpresa nga lang ako nang hawakan niya ang magkabila kong kamay.
"Is Spade Vantress really here?! How about Collen? Alexis? Jonathan?"
Oh god.