GEORGINA'S POV Nasa kwarto na ako, pagkatapos niyang sabihin ang nakapag pakabog ng puso ko, umakyat ako agad, ayokong naapektohan ako ng mga salita niya. Hindi pwedeng mag bago ang isip ko dahil lang sa magagandang salita niya. Hindi pwedeng mawala ang sakit nang mga salitang sinabi niya noon, dahil lang sa mga sinasabi niyang maganda ngayon. Hindi ko na kaya pang magtagal dito. Ngayong araw na to ako dumating, pero ilang beses ko nang sinabi na hindi na ako pwedeng magtagal dito, pero wala akong alam paano umalis sa lugar na to. Kilangan kong makahanap ng telepono. Baka sa kwarto niya merong nakatago, tama, papasok ako sa kwarto niya pag mag ginagawa siya, kailangan ngayon may gawin siya para makaalis na agad ako dito. Bumaba ako ulit at wala na siya sa sala, nakarinig ako ng in

