GEORGINA'S POV Mag aalas 3 pa ng hapon ng makita ko ang orasan sa taas ng pinto ko sa kwarto. At rinig ko pa rin ang pagkatok ni brandon sa pinto. Ilang sandali pa, wala na akong narinig. Kaya tumayo ako at lumabas para makapag hilamos ng mukha sa lababo ng kusina. Kinuha ko ang mga gamit ko na pang pinta sa kwarto, at lumabas ng bahay. Pumunta ako sa paaralan ng mga bata, at pininta ko ang harap ng skwelahan nila. Sa tagal kong nag pipinta, hindi ko namalayan na palabas na pala ang mga studyante. Kaya napalibutan nila ako. Natutuwa naman ako sa kanila dahil sa mga sinasabi nilang papuri sa ipininta ko. "Ate ang ganda mo naman, at ang ganda rin ng pininta mo!" "Ate? Ang galing galing galing mo naman po!" Halos ganyan lang ang narinig ko sa kanila, at nakita ko si jamie na palapit

