GEORGINA'S POV "Alam mo bang halos araw araw na akong tumatawa dahil sayo george?" Napa angat naman ako ng tingin sa kanya ng bitawan niya ang pag yakap sakin "Pansin ko nga, pero iba naman kasi ang tawa mo, yung mga nakakainsulto? Yung parang pinagtatawanan mo lang ako, hindi dahil gusto mo lang tumawa." Sabi ko pero ngumiti lang siya at hinawakan na ang kamay ko "Its still the same george, hindi pa ako tumatawa simula ng mamatay si grace, at ikaw lang nagpatawa sakin dahil sa mga simpleng bagay na ginagawa mo, na hindi mo sinasadya." Kahit nabanggit niya si grace, para namang hinaplos ang puso ko ng sabihin niyang ako lang ang nagpatawa sa kanya ulit. "Anyway, gutom kana ba?" Umiling naman ako "Good, punta tayong davao, doon kita i totour ngayon, at doon nalang din tayo kumain." "

