NANG magkamalay si Syhnie ay unang tumambad sa kanya ang puting kisame. Sapo ang nananakit at kumikirot na ulo ay inilibot niya ang tingin sa silid na iyon. Sa hinuha niya ay nasa clinic siya ng university. Huminto ang tingin niya sa isang lalaking nakatalikod sa kanya at nakaupo sa isang upuan malapit sa pinto. Nakahinga siya nang maluwag nang maisip niyang si Joru iyon. Ang buong akala niya ay iniwan na siya nito pero laking pasasalamat niya't nandito pa rin ito. Na mas pinipili pa rin nitong manatili sa tabi niya sa kabila ng mga binitiwan nitong mga salita kahit galit at disappointed ito sa kanya. Dahan-dahan siyang umupo mula sa pagkakahiga sa kama. "Joru?" tawag niya sa pangalan ng lalaki. Nang lingunin siya ng lalaki ay natigilan siya. Tila binuhusan siya ng malamig na tubig at p

