• MIKHAIL •
Sumapit na ang lunch. Medyo nagugutom na ako dahil sa sobrang dami ng trabaho na nakatambak sa desk ko.
"Mikhail!" Tawag sa akin ng isa sa mga colleague ko, si James. Lumapit siya papunta sa akin saka tinapik niya ang aking balikat. "Tara, sabay na tayo mag-lunch."
Tumango ako't tumayo na. "Sige..." Pagsang-ayon ko.
Pagkalabas namin ng elevator ay may mga nakakasalubong kaming mga lalaki.
"Hindi ako makapaniwala na nandito siya. Grabe, pare... Mas seksi pala siya sa personal!" Sabi ng isa sa kausap niya.
"Sinabi mo pa, pare. Tatlo pa sila. Sa pagkaalam ko iyong isa eh rally racer iyon. Nakalimutan ko na ang pangalan."
Natigil ako sa paglalakad nang narinig ko ang usapan na iyon. Racer? Hindi kaya si Cresha iyon? Ang sabi tatlo daw sila... Hindi kaya...
Binilisan ko pa ang paglalakad ko.
"Oy, pare! Saan ka pupunta?" Tanong sa akin ni James pero hindi ko na pinansin pa.
Tuluyan na akong nakalabas ng building. Maraming tao ang nakikisilip kaya medyo nahirapan akong makisingit hanggang sa tuluyan kong makita ang tinitingnan nila. May tatlong babae na nakatayo sa gilid. Napaawang ang bibig ko. Bakit sila narito?
"Mikhail!" Masayang tawag sa akin ni Angela saka mabilis silang lumapit sa akin.
"A-anong ginagawa ninyo dito?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Ano pa nga ba? Malamang binibisita ka. Tss." Pasupladang sagot ni Cresha.
"Hindi ka kasi nagrereply sa text message namin kaya naman naisipan nalang naming puntahan ka dito tutal naman ay lunch break ninyo na." Nakangiting sagot ni Vibs. "Pwede ka naman namin makasama sa pagla-lunch mo, diba?"
Napangiwi akong tumingin sa direksyon ni James na nakanganga at hindi makapaniwala sa kaniyang nakikita.
Ibinalik ko ang tingin ko sa kanilang tatlo. "O-okay lang ba na may kasama ako?" Tanong ko.
"Sure! Para makilala din namin ang mga kaibigan mo sa office." Si Vibs.
"No problem sa akin!" Sang ayon naman ni Angela na malapad ang ngiti.
"Pare, hindi mo naman sinabi sa akin na may mga kaibigan ka palang celebrities!" Bulong ni James nang naunang pumasok sa loob ng restaurant ang tatlo at kami ang huli.
"Hehe..." Iyan lang naging reaksyon ko.
Nang nakapasok na kami sa loob ay kumakaway pa si Angela sa direksyon namin. Lumapit kami sa kanila at sabay-sabay nang umupo.
"Girls, si James nga pala... Colleague ko." Pakilala ko sa aking kaibigan na ngayon ay parang bato pa rin sa kadahilanan na hindi makapaniwala na makakasama namin siya sa paglalunch.
"Hi, James!" Masayang bati nina Vibs at Angela sa kaniya.
"I'm Vibs."
"Angela!"
Sabay kaming napatingin kay Cresha na tahimik lang sa isang tabi at naglalaro sa kaniyang cellphone. Tumigil siya sa kaniyang ginagawa't napatingin sa amin. Ngumiwi siya. "Cresha."
"Oh... Look's here..."
Sabay kaming napatingin sa nagsalita. Isang babae na blonde ang buhok na hanggang balikat ang haba. Naka-dress ito at kita na ang ang kaluluwa. Bumaling ako sa tatlo na pare-parehong masama ang tingin sa babaeng nasa harap namin ngayon.
"Kamusta ka na, Angela?" Nakangisi itong tumingin kay Kathleen.
"Ayos lang ako, Kelsi. Ikaw ba?" Bakas ang sarkastiko sa tono ng pananalita niya.
Bumaling naman siya kay Vibs. "Oh, Vibrica... Balita ko, nakipaghiwalay ka daw kay Clifford. Totoo ba 'yon?"
Tumaas ang kilay ni Vibs at hilaw ngumiti. Pinili nalang nitong huwag magsalita.
Sunod naman niyang tinginan ay si Cresha "Eh ikaw ba, Cresha? Siguro hindi mo na kaya pang bumalik sa rally dahil sa injury mo, ano?"
Nagulat ako sa aking narinig. Injured si Cresha?! Bakit hindi nabanggit sa akin nina Vibs at Angela tungkol doon? Napatingin ako kay Cresha na matalim niyang tiningnan ang tinutukoy nilang Kelsi. Mahinahon siyang tumayo at hinarap niya ang babae. Nagtaka naman kami bigla niyang inangat ang isa niyang paa.
"C-Cresha, no!" Saway sa kaniya ni Angela.
Bumagsak ang mesa na nasa likuran nung Kelsi. Bakas sa mukha nito na nagulat siya. Tinadyakan ni Cresha ang mesa kaya bumagsak ito!
"Nakita mo na ang kondisyon ko, Kelsi. Sapat na bang katibayan iyan?" Then she smirked. "I think this is enough to kick your ass out, hm?"
Kinuyom ni Kelsi ang mga palad niya at nanginginig ito sa inis. Bakas sa mukha niya na nanggagalaiti na siya galit. Dahil wala na siyang magawa, nagpasya nalang itong magwalk out. It is a sign of surrender.
"Sumosobra na siya." Inis na sabi Angela.
"Hindi ko alam na mabalitaan niya ang tungkol sa amin ni Clifford." Malungkot na dagdag pa ni Vibs.
Nag-umpisang maglakad si Cresha palayo tumigil lang ito nang tanungin siya ni Angela.
"Where are you going, Cresh?"
"Nawalan ako ng gana, kayo nalang. Uuwi din ako pagkatapos." Malamig niyang tugon saka tuluyan na siyang umalis.
Hindi ko alam kung bakit parang may mali. Lalo na't nakita ko ang kaniyang mga mata kanina habang tinititigan niya si Kelsi. Nababasa ko sa mga mata niya ang pagsisisi at poot.
Tumayo ako't humakbang ako palayo nang tanungin din ako ni Angela kung saan ako pupunta. Lumingon ako sa kanila. "Titingnan ko kung anong magagawa ko, kayo muna ang bahala kay James!" Tinalikuran ko na sila't sinundan si Cresha sa labas.
Kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko siya mahagilap. Napatingin ako sa wrist watch ko. Tapos na ang lunch break at paniguradong mapapagalitan ako ng boss ko kapag hindi ako nakabalik. Pero pinili ko pa ring hanapin siya. Bahala na!
Napagtanto ko na wala pala akong number ni Cresha kaya hindi ko siya matetrace o makontak man lang. Kabisado ko naman ang kaniyang suot kaya naman madali ko siyang mahahanap. Pero ang taong hinahanap mo ay ayaw palang magpahanap.
Napadpad ako sa isang maliit na parke. Walang tao. Maliban sa isang babae na nakaupo lang sa swing. Dahil sa damit niya ay nakilala ko siya.
Lumapit ako hanggang sa malapit na ako sa kaniya. "C-Cresha..."
"Bakit ka narito?" Malamig niyang tanong.
"A-ano kasi..."
"Hindi pa ba sapat ang mga narinig mo kanina?"
"H-hindi naman sa ganoon... Nag-aalala lang ako sa iyo..."
"Huwag ka na mag-abala pa."
Lumapit pa ako ng isang hakbang sa kaniya. "Cresha..."
Tumayo siya't humarap sa akin. Blangko ang ekspresyon ng kaniyang mukha. "Hindi ako katulad nina Vibs at Angela na kaya mong panghimasukan ng buhay nang may buhay, Mikhail."
It gets me there. Napalunok ako. Nakakabigla man pero totoo naman. Parang naghimasok na ako sa buhay ng may buhay.
"Room mate lang kita, hindi kita kaanu-ano para pakialaman mo ang buhay ko. So stay away." Aniya saka naglakad na siya palayo.
Naiwan akong mag-isa sa parke. Bumaling ako sa kaniya. Naiitindihan ko naman ang ibig niyang sabihin.
Habang naglalakad siya palayo, I feel that she's unreachable.