____________________Chapter G
"Sinasabi ko naman sa'yo, walang sikretong hindi nabubunyag!" Maligayang sinabi ni Jandra sa akin sumunod na araw. "Sinasabi ko na nga ba, wala ka talagang kasalanan at hindi mo magagawa ang ganoong klaseng bagay."
"Hayaan na natin. What matters now, is it's over already."
Papa proved na wala akong kasalanan. Napaamin niya rin si Tyra kahit panay ang salungat niya sa mga sinabi ni Papa. Good thing, har evidence existed, kun'di, ako ang lumabas na may sala sa lahat ng nangyari.
"Ang galing talaga ni Tito, ano? Paano niya naman pinatunayan?" Usisa pa ni Jandra.
Nakaupo na siya ngayon sa table ng aking upuan.
"Fingerprint test. Pareho kaming kinuhanan ni Tyra ng fingerprints, tapos ni-compare iyon sa fingerprint doon sa blade. Iyong fingerprint ni Tyra ang tumama."
"Mygosh! Ang galing ni Tito! Ano namang say ng parents ni hindot?"
Nagkibit ako ng balikat, hindi ko na iyon inalam pa. "At first they find the thought that their daughter harmed herself as an absurd idea. Nagulat siguro sila noong nalaman nila ang totoo."
"Pero paano naback-upan 'yung ebidensya?"
"Papa made her confess. He cornered her until she slipped some information. Naamin niya bigla na ako ang nauna sa restroom at sinundan niya ako. Sabi ni papa:
“If it is true that my daughter planned to harm you, bakit ikaw ang sumunod sa kanya sa restroom?”
Tapos ayun, nag-umpisa nang magkalasug-lasug iyong kwento niya. Na-disconnect, kumbaga."
Also, bago pa maibunyag ang puno't-dulo ng mga pangyayari ay umamin na rin si Tyra. Maybe, she was afraid, baka malaman na ang dahilan ng lahat ay nalaman kong mayroon siyang iba, that she is cheating on Mecho.
"Mabuti nga sa kanya, 'no! Pasalamat nga siya hindi natin siya binuking na two timer siya," ibinulong niya ang huling pangungusap.
I only smiled at her.
"Vacant natin ngayon, 'di ba? Puntahan ko lang si Keith." Sabay pulot ko noong paper bag na laman ang coat niya.
"Wow! Good luck sis!" Hinampas niya ako sa braso.
Also, to thank him too. I know he should not take sides, because he is obliged to know the truth first. Siya ang SC president kaya dapat ay palagi siyang resonable sa mga bagay-bagay lalo na sa nangyari sa amin ni Tyra. But he still chose to believe in me, and even comforted me. That was more than enough reason.
I am glad I liked someone as sophisticated and as mature as him...
Wala rin silang teacher kasalukuyan. At nang sumilip ako sa classroom nila ay agad ko siyang hinanap.
"Hi, nasaan si Keith?" Tanong ko sa isang kaklase nilang babae, Maya ata ang pangalan.
"Lumabas, eh. Pinatawag ng SC adviser." Paliwanag niya.
"Ah, sige. Salamat."
Napanguso ako at tumango na lamang. Siguro, mamaya na lang, or dapat i-text ko na lang siya bago puntahan ulit.
Nang tumalikod ako ay biglang bumangga ang ulo ko sa dibdib ng lalaking nasa likuran ko.
"Sorry!" Paumanhin ko agad at inangat ang ulo.
Parang biglang umurong ang sikmura ko nang makita ko si Mecho. Kung sinuswerte ka nga naman. Sa dinami-dami ng pwedeng makabanggahan ay siya pa talaga.
For some reason, I felt sulky towards him.
Nag-iwas ako ng tingin at lumihis sa gilid upang makaraan. Akala ko'y hahayaan niya lang ako ngunit bigla niyang hinila ang pulso ko, dahilan upang mapahinto ako sa paglalakad.
"Mecho, let me go," pagpupumiglas ko.
I seriously don't know why I feel bitter about the thought that he believed Tyra's story. That he took sides.
"Let's talk." Mariin niyang sinabi at hinigit ako palayo roon.
"Pwede naman tayong mag-usap dito!"
"Maraming istorbo riyan."
Hinampas ko ang kamay niya ngunit hindi man lang siya natinag doon at patuloy niya lang akong hinigit hanggang sa makarating kami sa hagdan.
Isinandal niya ako sa pader at ikinulong sa kanyang mga braso.
"Bakit b-ba?" Nag-iwas ako ng tingin at pilit siyang itinulak sa kanyang dibdib.
"Tapatin mo nga ako," sinusubukan niyang maging kalmado. Iyon ang natunugan ko sa boses niya. "Nagseselos ka ba?"
"Selos saan?"
"Don't deny it, Isha. I saw it in your eyes...it was jealousy and bitterness.."
"Ano bang sinasabi mo? How can you see the jealousy in my eyes when you cannot see the truth?! Kung marunong kang tumingin sa mata ng mga tao, alam mo rin dapat kung sino ang papaniwalaan!"
Hindi ko na napigilan at pinagsasapak ko na siya sa dibdib. I never thought I could be this brave to voice out some things like that. Especially without the presence of fear that Mecho is short-tempered.
"Hindi mo ako pinaniwalaan, 'di ba? Akala ko ba 'di ka judger? Bakit mas pinaniwalaan mo si Tyra?! Tinotolerate mo siya dahil ba girlfriend mo siya? Ha?! Ganoon mo ba siya kamaha—"
Hindi ko na itinuloy pa dahil baka masabi ko pa iyong iniiwasan kong sabihin.
Tyra is a cheater! Sana ma-realize mo iyon!
"The fact that you are so furious about that...confirms one thing."
Hindi ko alam kung bakit mukha pa siyang aliw na aliw gayong halos maputulan na ako ng hininga dahil sa dami ng sinabi. I sounded mad, and I think that showed how I truly feed. I couldn't deny it anymore.
"You care for me," he was so sure of that.
"Care your face! I won't!"
"But you already are. You care about how I think," he whispered sensually. "If you don't...you shouldn't be mad about the fact that I sided with Tyra. You won't say these things, if you don't.."
"A-Ano bang sinasabi mo?"
Kumalabog nang malakas ang puso ko nang inilapit niya ang kanyang mukha.
"And how dare you hold another man's hands while looking at me with loving eyes, eh? You're seriously making me crazy..." parang mahihirapan niyang sinabi. His breath is already caressing my face. "Are you jealous towards Tyra and me?"
"Lumayo ka nga, Mec—"
"Just answer me, damn it!" Medyo tumaas na ang kanyang boses.
I pursed my lips. It is easy to say no. But I did not.
Nang makita niya ang reaksyon ko ay ngumisi siya na parang nanalo sa lotto.
"What do you want me to do, then? Do you want me break up with her?"
"At bakit mo naman gagawin iyon?" Salamat naman at hindi ako nautal.
"Say it, sabihin mo lang...lahat...hagawin ko."
Unti-unting lumapit ang kanyang mukha. Bumaba ang mga mata ko sa kanyang mapupulang labi. I pushed myself against the wall to get distant or hope that I could still get away but I cannot go further backwards.
Our nose touched. And I was just about to close my eyes when someone came.
"What are you two doing? PDA is not allowed inside the school campus."
Pareho kaming napalingon ni Mecho roon. At naitulak ko na lamang siya palayo nang makita si Keith!
"Keith," humakbang ako pataligid upang mabigyan ng distansya ang agwat namin ni Mecho. "Hinahanap kita kanina."
"Why?" He asked vaguely, then his eyes moved to Mecho.
He looked nonchalant...and I somehow feel his disappointment.
Nagpalpitate ang kanyang kilay at naipinta ang pagdududa sa kanyang mga mata.
"I'll give your coat back," paliwanag ko. "A-And to thank y—"
"Let's talk somewhere, shall we?" Humakbang siya pataas sa hagdan hanggang sa marating niya ang palapag kung nasaan kami ni Mecho.
Nagsukatan sila ng tingin. They both have the same height, and their eyes were both dark and brooding. Kulang na lamang ay may mamuong kuryente sa pagitan ng kanilang nga mata dahil sa sama ng tingin nila sa isa't-isa.
Naputol na lamang iyon nang biglang mag-ring ang cellphone ni Mecho. He glared at me before answering the call.
"Yeji. Oh?" Sinulyapan niya ako.
Keith sighed. Binalingan niya ako at ibinulsa ang dalawang kamay.
"I'll walk you back to your classroom. Malapit ng matapos ang third period." Aniya.
"Sige. Punta na 'ko diyan."
Nang pinatay ni Mecho ang tawag binalingan niya kami ni Keith. He shot me a glare before turning away like he is rushing or something urgent came up.
"Let's go." Keith said, inilapag niya ang palad sa aking likod, bahagya iyong itinutulak upang makapaglakad na pataas. "I was just supposed to visit you. Hindi ka na dapat nag-abala pang hanapin ako."
"I just want to thank you, though. You've done a lot already. I can't just thank you through text. Para namang hindi sincere iyon."
'Saka malay ko bang balak mo akong puntahan?
"How are you feeling? How about your cuts?" He asked, concern is not hidden in his voice.
"Ayos na ako ngayon dahil naayos na ni Papa iyong problema."
"I heard," wika niya. "So.." He paused.
Tiningala ko siya habang naglalakad kami. I saw his jaw slightly tightened.
"I hope you don't mind. But PDA is not tolera—"
"Ano ka ba. We were just talking," I explained immediately at baka iba pa ang isipin niya.
"I am also talking to you but not that way." He pointed out.
"Totoo. Nag-uusap lang talaga kami."
His red lips protruded in a sulky way. "You were about to kiss."
Napakurap-kurap ako. Talaga bang sinabi niya iyon nang diretso? Napakagat ako ng labi at nag-init ang mukha.
"Do you like...Mecho?"
Tumikhim ako kaagad. "H-Hindi 'no! May iba akong gusto!" Pag-amin ko bigla.
My heart ached upon realizing what I just said. Nasabi ko na. At hindi ko na dapat pang bawiin iyon.
He stopped walking when we were already near my classroom. Hinarap namin ang isa't-isa.
"Ito iyong coat mo, oh." Inabot ko sa kanyang iyong paper bag.
Tinanggap niyo iyon agad at tumitig sa akin na parang isa akong nakakaumay na bagay.
"Isha. I just want you to know that...I am a little disappointed in you....but right now, I will try to not feed the flames."
Nanlaki ang mga mata ko. "Hala! Bakit naman? Dahil ba sa nakita mo kanina?"
He nodded immediately. "I hate what I saw. Not just because you are violating the school's handbook."
"Promise! Wala lang iyon, Keith. Nag-usap lang talaga kami." Paliwanag ko pa.
Lowkey screaming in my head na sana ay tanggapin niya ang apology ko.
"I believe in you," humakbang siya papalapit. Hinugot niya ang isang kamay galing sa bulsa at 'saka pinisil ang pisngi ko. "Nagtatampo ako sa'yo kanina, pero hindi na ngayon. Ang cute mo kasi."
Nag-init agad ang pisngi ko.
He smiled genuinely at me. Inaagapan ang itinanim na kaba. Pero parang mas lalo lamang akong namula noong makita ko iyong ngiti niya.
"Go to class now."
Buong araw akong nakangiti habang nagkaklase kami. Pati si Jandra ay naiintriga sa pagngiti ko. Ayaw ko ring ikwento 'yung nangyari sa amin ni Mecho...it was too complicated to even tell.
Everytime I remember that part where I anticipated his kiss, but then, Keith suddenly appeared.
"Mecho o Keith?" Ngumisi siya sa akin.
"Ang malisyosa mo!"
"Alam kong may nangyari kaya i-kwento mo na. Kilala mo naman ako, 'di ba? Hindi kita titigilan hangga't hindi ka nagsasalita." Ngumisi siya.
"Wala iyon. Hinatid lang ako ni Keith dito sa classroom. Hindi mo ba nakita?"
"Nakita ko iyon! Kinurot ka pa nga niya sa pisngi, eh!"
"Iyon lang."
"Hmmm. Ba't nararamdaman kong may hindi ka pa sinasabi?"
"Wala na, sabi!"
"Kumusta naman kayo ni Mecho kung ganoon?" Usisa niya pa.
Nagkibit ako ng balikat kahit ang dami kong gustong sabihin. Jandra sighed, as if she realized something.
"Alam mo. Sa tingin ko lang, ha? May gusto na sa'yo si Mecho." She sounded serious about that. "I mean, hindi mo ba napapansin? Ako nga, napapansin ko. Ikaw pa kaya?"
"Ano ka ba. Malay mo trip niya lang ako."
Trip, huh? So much for saying lies. I think I know what's going on now. I am just trying to deny it more. After all, we cannot ignore the facts.
"Feeling ko alam mo rin, eh," naghalumbaba siya. "Ayaw mo lang aminin. Bakit? Ayaw mo na ba kay Keith? Or...nalilito ka?"
I would easily answer that I still like Keith. Or more so...that is too much denying already. And I cannot just lie about it everytime.
Uwian na noong tumambay ulit ako sa library upang hintayin si Jandra na matapos sa kanyang training. Malapit na kasi ang Holiday Sports Fest, kaya bigay na bigay sila sa pagt-training. Pati na rin ang mga varsity namin.
Napatigil na lamang ako sa pagbabasa nang maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko. Nang dinungaw ko iyon sa ilalim ng lamesa ay bumungad ang pangalan ni Jandra.
"Hey? Bakit?" Mahina kong sinabi at bahagya pang yumuko, baka sitahin ako ng aming masungit na librarian.
"Oh my gosh! Pumunta ka rito sa gym, ngayon din! Nakakagulo si Mecho at iyong side chic ni Tyra!"
"What?!"
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras dahil sa labis na kaba at pag-aalala. Mecho is short tempered and when he's on his last nerve, he becomes very violent! Baka mamaya ay mas malala ang magawa niya kumpara sa pinatamo niya kay Kyle dati.
When I arrived at the gymnasium, naglaro agad sa pandinig ko ang tilihan at hiyawan. Kinukwelyuhan ni Mecho iyong #4, si Maraese noon habang si Tyra naman ay hirap na hirap na awatin sila.
"You shut up, b***h!" Pagalit niyang sinabi ky Tyra at agad lumipad ang kamao nito sa lalaking kinukwelyuhan. "Where did you even get the audacity to do this to me, huh?"
Natumba sa sahig ang lalaki. Samantalang si Tyra ay hindi pa natauhan dahil patuloy niyang hinila ang laylayan ng sweatshirt ni Mecho. I quivered upon realizing that Tyra is still bruised, baka magalaw ang sugat niya, o madamay siya at masagi iyon...parang gusto ko siyang ilayo.
"Mecho! Tama na, please! It's my fault! Wala siyang kasa—"
"Bullshit! You don't have the rights to explain!" Nakaigting na ang magkabilang panga ni Mecho ngayon, his eyes were burning with pure disgust and disappointment, pero nangingibabaw ang galit doon.
Biglang tumayo si Maraese at sumugod. Ngunit mabilis din siyang sinalubong ni Mecho. Tyra was left dumbfounded in between them. Dahil sa tensyong nabuo, mukhang nagdadalawang isip na rin siya kung aawat pa ba siya dahil sobrang lakas noon.
Maraese tried to kick Mecho but Mecho held his feet and twisted it. Napahiyaw si Maraese sa sakit at natumba sa sahig.
I think, I know what will happen next.
Hindi nga ako nagkamali dahil agad na pumaibabaw si Mecho sa lalaki at pinaulanan ng suntok. Nakita ko si Yeji at Duval sa gilid, kalmado lamang at mukhang walang balak umawat. Iyong ibang teammate nila ay pinipigilan din nilang umawat na para bang binibigyan nila ng kontrol ang lahat ng pangyayari.
Why? Bakit hindi ni'yo inaawat?
"Mecho! Stop it, na! Please!"
Nalaglag ang panga ko at nag-ugat sa kinatatayuan. Duguan na ang mukha noong lalaki at natahimik na rin ang mga tao sa paligid. Walang nag-ambang umawat o makielam.
Looking at Mecho, he looked like a beast right now. Nakakatakot. His eyes were like burning with flames, and he is ready to kill anyone that blocks his way.
"Mecho, please..."
Napaupo na si Tyra at nanghina habang umiiyak. Simula noong nangyari iyong sa restroom. Tyra's tears became fake to me. Wala nang halaga, kumbaga, at hindi ko na kapa pa, kailanman, bibigyan ng simpatya. I can't even tell if she is still sincere or not.
"Tama na!" Muli niyang tili.
Para namang natauhan si Mecho roon at napatigil sa pagsuntok. Matalim ang tingin niyang bumaling kay Tyra na umiiyak sa sahig. It was like, his anger renewed and he stood up.
"Why are you crying, huh? Who the f**k are you to cry?! You're just another w***e who got busted so don't f*****g cry in front of me!"
He was fumming mad. I knew it. Alam kong ganito. At sa tingin ko, hindi mali ang naging desisyon kong huwag sabihin sa kanya. Dahil baka kung sakali, ako ang maging dahilan ng pagkagalit niya. Kung bakit magagalit siya nang ganyan kalala ngayon.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siyang maglalakad na sana palapit kay Tyra. Nakakuyom ang mga kamao.
There was no doubt, and I could not just remain stunned and continue watch what's gonna happen next.
Dahil sa takot kong makasakit siya ng babae sa harapan ko mismo ay mabilis ko siyang nilapitan.
"Mecho!"
Lumipat ang tingin niya sa akin na mabilis na naglakad papalapit sa kanya. At napatigil siya nang hawakan ko ang kamay niya. Napakurap siya ng isang beses sa akin.
"Please, stop it now..."
Lumambot ang kanyang ekspresyon ngunit nag-igting ang kanyang panga.
"That's enough...let's go.."
Tumitig siya sa akin na parang pinaprocess niya lahat ng pangyayari, naguguluhan. Bumaba ang tingin niya sa aking kamay na nakahawak sa kanyang pulso.
Pinilit ko siyang hilain palayo at walang kahirap-hirap ko siyang napasunod sa akin na parang sa akin lang siya makikinig.