Three

872 Words
LIGHT’S POV Pinunasan ko ang luha ko na patuloy pa din sa pag-agos sa mukha ko. “Mahal na mahal na mahal kita, Kuya. Hindi man kita maalala, mahal pa din kita. Kuya, maghihiganti ako.” Pinilit kong pigilan ang pag-iyak ko pero hindi ko kaya. Pahikbi hikbi pa ako. “Kuya Dark, ipaghihiganti kita. Saan man ako mapadpad, tandaan mo, mahal na mahal kita at mahahanap ko ang hustisya. Alam ko, hindi tao ang nasa likod ng pagkamatay mo.” Hindi ko pa man lubusang maalala ang totoong Kuya ko, pero ramdam ko ang pagmamahal ko sa kanya. “Pangako, Kuya, babalik ako. At kapag nakabalik ako, isa lang ang ibig sabihin ‘nun..” Tumayo ako at nagpagpag. “Mission accomplish.” Sinulyapan ko ang nitso ng ilang segundo. Dark Deryl Ariano Born on January 9 ** Died on September 12 ** Love and prayers. Paalam, Kuya. Tinalikuran ko na siya at nagsimula nang naglakad palabas ng sementeryo. Nasaan na ba si Kuya Rocky? Sabi niya saglit lang siya eh. Pero natigilan ako nang may nakita ako sa may gate na isang lalaking nakasandal sa pader habang humihithit ng yosi. Naka-itim ito, mula ulo hanggang paa. Napaatras naman ako nang bigla siyang napatingin sa akin. Nagtama ang mga paningin namin at malakas ang pakiramdam ko na kakilala ko siya. Ilang sandali pa, naramdaman ko na ang malakas na hangin na papalapit sa akin. And in just a blink of an eye, nasa harapan ko na siya. Hindi ako makagalaw. Natatakot ako sa taong nasa harapan ko ngayon. “Magkikita ulit tayo.” Napakalamig ng boses niya at feeling ko mawawalan ako ng hininga any time. Nanghihina ang mga tuhod ko. “Mapupunta ka sa poder ko....Light.” At sa isang kisapmata, nawala na ang lalaki sa harapan ko. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Parang..kilala ko siya. “Light, ayos ka lang ba? Inom ka muna ng kape oh.” “Di, sige. Ayos lang ako.” Naglakad na kami nang sabay. Iniisip ko pa din ‘yung kanina. Sasabihin ko ba kay Kuya Rocky o hindi? Siguro, hindi na. Hindi naman ako nasaktan eh. Tsaka baka mag-alala lang siya. ** Nandito ako ngayon sa loob ng isang academy. Pinag-libot muna ako ni Kuya Rocky habang kinakausap daw niya ‘yung Principal. “Fire!” Napatalon ako nang may sumigaw mula sa likuran ko. Nilingon ko iyon at nakita ang isang pamilyar na mukha. Hindi pala, apat sila na pamilyar ang mukha sakin. “Yo! Paano ka nakapasok dito?” Tinignan ko lang ‘yung lalaking naka-kulay blue. Ang fc niya, okay. * THIRD PERSON’S POV Tinalikuran na ni Light ang apat na kalalakihan. Gumamit ng vines si Nat—ang earth elemental controller/user, upang hilain paharap si Light sa kanila pero nagulat silang apat nang biglang nasunog ito bago pa man madikit kay Light at naging abo. “What the!! Ikaw lang nakakagawa sakin ‘nun!!” Sabi ni Nat kay Red—ang fire controller. Tinignan nilang muli si Light at nakakalayo na ito. Napakurap na lang sila nang maraming beses ng lumingon ito at ngumisi sa kanila. Kitang kita ang tattoo na parang galos na pumapagitan sa mga mata niya. “Who the hell are you?” Sa isip ni Dark—ang air controller. “I’m the one you’ll never want to mess up with.” Dinig niyang sagot ng dalaga. Sabay sabay silang bumuntong hininga at nagkatinginan. Isa lang ang naglalaro sa isip nilang apat. She’s interesting. ** LIGHT’S POV “Tapos ka na?” I nodded. “Okay then, umuwi na tayo.” Habang naglalakad kami palabas ng gate, nagsalita si Kuya. “Sana lang, hindi ka lapitan ng away ngayon.” “Bakit? Mahilig kaya akong umiwas sa away.” Tumigil naman siya sa paglalakad, “Hindi ko lang alam ngayong nagbalik ka na sa dating Light.” “Dating Light? Ano ba ako dati?” Lumapit siya sa tenga ko, “A badass.” Napataas ang isa kong kilay at ngumiti na lang. Kaya pala. Kaya pala feeling ko kanina, ang tapang tapang ko. Badass pala talaga si Light. Sumakay kami sa kotse at nagbiyahe na pauwi. Malayo layo din ‘yun, ah. Nakarating kami sa bahay at sinalubong kami ng yakap ng mga parents namin. “M–Mom, bakit kayo nandito?” “Aren’t you happy? We missed the both of you!!” Yumakap na lang din ako sa kanila. Nagkatinginan kami ni Kuya Rocky. “Patay!” Rinig kong pakikipag-usap niya sakin sa isip ko. Umupo kaming lahat sa sofa. “Mom, Dad, kailan kayo aalis?” “Huh? Anak naman, kakadating lang namin, gusto mo na kaming umalis?” “Hindi naman sa ganun, mom. Ano kasi--balak lumipat ng school ni Light. Kaya lilipat na din sana kami ng bahay, ‘yung malapit sa school na papasukan niya.” “What? Saan naman ‘yan? Maganda ba dyan?” “Yes, mom!” I answered. “Na-check na namin ‘yung place and it’s maganda naman! As in, mala-palasyo ang dating.” “Really? Can we visit there?” “Unfortunately, no. Outsiders are not allowed.” Nalungkot si mom at dad dahil dun. Kaagad ko naman silang niyakap. “You can visit us naman sa magiging house namin eh. Kung gusto niyo, ‘dun na lang din kayo tumira, kaya lang, it’s so makipot there.” “Oh, no, honey. Tama lang na humiwalay kayo. Para masanay na kayong maging independent. I’ll just give you allowance every week.” “Sure, mom.” Nagkatinginan ulit kami ni Kuya at sabay na ngumiti. “Success!” ** Nandito na kami sa maliit na apartment. Dito na kami titira and I super hate that thought. Ang sikip kaya, plus, ang init pa! “Kuya, kailangan natin ng aircon.” “Hoy, Light, hindi pwede. Kailangan nating magtipid.” Sinimangutan ko lang siya. “Ang init naman kasi talaga, eh.” Bulong ko at pumasok ng kwarto. “Gagawa ako ng paraan. Maghintay ka!” Sigaw naman ni Kuya. Humiga ako sa kama at pumikit. “Light.” Luminga linga ako. Sino ‘yun? “Come with me..” Naglakad lakad ako hanggang sa nakita ko ang pinagmulan ng boses. Isang lalaking nakaitim na pinapalibutan ng itim na usok. “Light..” Parang nahihipnotismo ako. Papalapit ako nang papalapit sa kanya. “You belong with us.” Patuloy pa din ako sa paglapit sa kanya, hanggang sa unti unti ko nang inilalapit ang kamay ko sa kamay niya. *boogsh!* Napamulat ako. Nanaginip na naman ako! Pinunasan ko ang butil butil kong pawis sa noo at bumalik sa pagkakahiga sa kama. Pota, sakit ng pwet ko. Nalalag ako. “Ayos na ba?” Napatingin ako sa harapan at nakita ang isang fan na gawa sa yelo. At sobrang lamig ng hangin na lumalabas mula dito. “Saan mo nabili ‘yan?” “Sira! Ginawa ko iyan.” Wow na wow! Ang galing!! Daig pa namin ang naka-aircon. *** Nandito ako ngayon sa harap ng isang tindahan. Bibili ako ng mantika kasi magluluto na si Kuya. “Pabili po!!” Wala talagang lumalabas na tao. Akmang aalis na ako nang may humawak sa braso ko. “Sht!! Get your electric hands off of me!!” Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Ano ba ‘yan? P–Parang naku-kuryente ako. Hinihigop ang lakas ko. “Fire!! Ugh!” Iminulat ko ang mga mata ko at kita ko naman ang pagkasunog ng damit ‘nung lalaking humawak sakin. “So, you’re a fire controller.” Inalis niya ang cup niya at namilog ang mga mata ko nang makita kong siya si--ano nga bang pangalan ‘nun? Basta, isa siya sa mga na-meet ko sa school, ‘yung naka-black. “Nope. Hindi ako si Dark. Ako si Night. Nice to meet you, new kid.” Inilahad niya ang kamay niya pero hindi ko na kinuha iyon. Malay ko ba kung kuryentihin niya ako. Natawa naman siya ng mahina at tinalikuran na ako, “See you tomorrow.” Ako naman ay napaluhod na lang sa kinatatayuan ko. Lubos akong nanghina sa kuryenteng iyon. “Miss, anong bibilhin mo?” Napatingin ako sa may tindahan at pinilit nang tumayo. “Mantika nga, isang litro.” Inabot ko ‘yung bayad at inabot naman niya ‘yung binili ko. Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Naiinis ako. Sino ba kasi ang Night na iyon? At bakit kamukha niya si..Dark?   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD