LIGHT’S POV TATLONG linggo na simula ‘nung nakabalik ako dito sa Dark Palace. Sabi kasi nila, matagal daw akong nawala ‘nun. Pero naging normal na din naman ang lahat. “Tams!” Inakbayan ko si Tamaki, “Saan tayo ngayon? Tinatamad akong pumasok ngayon eh.” Tinaasan niya ako ng kilay, “Tinatamad?” Tinignan niya ako na parang isa akong kriminal. “Baka may iniiwasan ka.” Namula naman ako doon. “Wala ah!” Pagde-deny ko. Buset na Tamaki ‘to. “Papasok na nga lang ako.” Nakita kong ngumiti siya at ginulo ang buhok ko, “Kita na lang tayo mamaya.” Ang tinutukoy niya kasi ay ‘yung lalaking lagi kong kinukwento sa kanya. Napansin niya tuloy na crush ko ‘yun! Tapos narinig ni Kuya Trevor, Night at Nicolo ang tungkol dun kaya ayun, kumalat sa buong palasyo at school. Nakakahiya. T___T Kaya naman

