HERA'S POV "Bakit mo ba ako sinusundan?" Tanong ko Kay France Go. "Saan ka ba kasi pupunta? Sasabihin mo lang naman." Sabi niya habang nakapamulsa at sumusunod sa likod ko. Kanina pa siya. Mula sa b****a ng gubat na ito ay nakasunod na siya sa akin. Hanggang dito na malapit na sa Dulo ng gubat. Sa tuwing binibilisan ko ang lakad ko ay Binibilisan din niya ang paglalakad niya at pagbinagalan ko naman ay babagalan din niya. Naiinis ako dahil bukod sa hindi siya pala imik at ang Creepy niya ay narito parin sa akin yung takot ko sa kapangyarihan niya! I'm so damn Afraid of Thunder. Pero hindi na masiyado. "Wala kang pakialam! Bumalik ka na nga sa Academy at huwag na huwag mong sasabihin sa kanila na nandito ako." Pagbabanta ko sa kanya habang Dinuduro ko siya ng dagger. Kanina pa

