Nang mga sumunod na araw ay naging napakasaya ni Stacey. Lagi silang magkasama ni Andrew. Kahit na sabihing nandun pa si Sigmund na kailangan niyang pag-ukulan ng pansin bilang bisita ay naiisingit parin niya ang kasintahan. It was an amazing moment being with someone you love. Iyun ang napagtanto niya. She was always inspired at everything she do, at laging naglo-look forward sa pagkikita nila ni kasintahan. Minsan pa nga feeling niya ay gusto niyang hilain ang oras para magkita na sila. Hindi pa sapat ang madalas nilang pag-uusap sa cellphone. Isang araw habang pabalik si Stacey sa kwartong tinutuluyan ng kapatid ay nakasalubong niya si Andrew sa corridor kasama nito ang kaibigang si LA. Agad umahon ang pananabik sa puso niya sa kabila ng pagkakakita lang dito kagabi. Yung pakiramdam

