Bago tumulak papunta sa bahay ng mga Sebastiano ay humingi muna ng sandaling oras si Andrew upang makausap ang magulang. "I know this is not the right time to say this. Pero ayoko pong maglihim sa inyo ma, pa." Pag-uunpisa ng binata. Nagkatinginan ang mag-asawang Augusto at Aurora sa narinig. Both showing a mixture of exhaustion and weariness on their faces. Mula sa biglaang pag-uwi mula sa dapat ay mahabang bakasyon ng mga ito. Hanggang sa balitang gumulantang sa lahat dahil sa pagpanaw ng isa sa pinakamalalapit na kaibigan at ngayon ay ang pagluluksa para sa mag-asawang Sebastiano. "Tell me Andrew, what is it?" Nag-aalalang tanong ng ginang na ang isang kamay ay nakahawak sa tapat ng dibdib. Patunay na hindi nito kakayanin ang isa pang masamang balita kung sakali. "Its not so se

