"O, nandito na si Timotheé." Naririnig ko na kaagad ang malambing na boses ni Lola kahit na sinasarado ko pa lang ang maliit na gate ng aming bakuran. Nakadungaw 'to sa bintana habang nakaupo sa rocking chair niya.
"Tumawag ang Mama mo kanina. Hinahanap ka. Binilinan na kita bago ka umalis papunta kina Ada na bumalik ka kaagad pagkatapos ng misa kasi tatawag ang Mama mo. Ikaw na bata ka. Alam mo namang mahal ang international call." Kinuha ko ang kamay ni Lola at nagmano. Napahawak na lang ako sa aking batok sabay ngiti rito.
Nakalimutan ko talaga na tatawag si Mama ngayon.
"Kumain ka na ba? Lampas oras na ng pananghalian. Saan ka ba kasi nagpunta at ang tagal mong nakabalik?"
Naupo ako sa lumang sofa na malapit kay Lola. "Sa simbahan tapos sinamahan ko po muna kasi si Rai nung hindi pa nakakabalik sina Lola Ada. Nagtanghalian naman na ako sa kanila." Tumayo rin ako kaagad para puntahan ang hapag namin. Sa ibabae ng lamesa ay isang piniritong tilapia at tortang ampalaya.
"Sino naman si Rai?"
"Apo po nina Lola Ada. Anak ni Ate Phia."
"Hindi ko pa rin siya matandaan," anito. Naupo ako at nag-umpisang papakin ang tortang ampalaya. "La, maya-maya aalis ulit ako." Nilapag ni Lola yung binuburda sa kaniyang kandungan. Binaba rin nito nang kaonti ang salamin sa may nose bridge sabay tingin sa akin.
"Pasaan ka na naman?"
"14th birthday po ni Jade. Invited ako. Roon idaraos sa resort nila." Iniwan ni Lola ang ginagawa sa rocking chair. Nasa tabi ko na 'to ngayon, handang-handa nang makiusisa. "Batang 'to. May Jade ka na tapos may Rai pa." Inunat ni Lola ang mga braso. Nang mahawakan niya ang pisnge ay salitan niyo 'tong pinisil. Tumutol na lang ako nang nanakit na iyong pisnge ko dahil sa gawa niya.
Maingat kong nilapag ang kamay nito sa ibabaw ng lamesa. "Wala naman iyong sa amin ni Rai. Magkaibigan lang kami." Huminto ako sa pagsasalita at napaisip. Ni hindi ko nga sigurado kung magkaibigan na ba kaming dalawa. Parang di rin naman kasi si Rai iyong tipo ng tao na ia-acknowledge ng kaibigan ang isang tao dahil lang nakasama niya 'to at nakausap nang kaonti.
"Si Jade talaga ang gusto ko. Noon pa naman. Alam mo po kaya 'yon Lola," sabi ko rito. Ngumiti ako rito. Pinikit ko na lang ang mata ko nang makita ang kamay ni Lola na pipiratin na naman ang pisnge ko.
"Pero masiyado pa kayong bata para riyan. Huwag ka munang makikipagrelasyon. Dapat grumaduate ka muna sa high school. Saka na kapag college ka na." Tumayo ako sa monoblock chair. Pumuwesto ako sa likod ng upuan ni Lola saka 'to inakap.
"Puwede bang tumawad? Pumayag ka nang manligaw ako kay Jade kapag nasa senior high na kami. Dalawang taon pa mula ngayon." Hinalik-halikan ko ang pisnge ni Lola. Ito talaga ang kahinaan niya. Alam na alam kong mapapayag ko 'to sa ganitong estilo.
Masiyado akong spoiled kay Lola para hindi pagbigyan.
Tinampal ni Lola ang balikat ko. "Saka na nga. Kapag college ka na. O kaya naman kapag naka-graduate ka na at mayroon ng trabaho. Mayaman ang pamilya ni Jade. Uichanco 'yon hindi ba? Natatakot ako na baka kung ngayon pa lang ay liligawan mo na ang unica hija ng pamilyang 'yon. Baka maliitin lang nila ang pagkatao mo, apo." Natunaw na ang kaligayahan sa aking labi.
Hindi sumagi sa isip ko ang posibilidad na baka mangyari ang kinatatakutan ni Lola.
"Hindi naman siguro. Halos lumaki na rin ako sa kanila. Sabay kaming lumaki ni Jade. Hindi naman ganoon ang ugali ng mga Uichanco." Isang beses ko pang hinalikan ang sentido ni Lola.
"Maliligo na ulit ako at maghahanda para sa party," paalam ko. Kung iniiwasan kong marinig ang iba pang sasabihin ni Lola laban sa mga Uichanco, hindi rin yon malinaw sa aking sarili.
"Umuwi ka bago magdilim ha? Masiyado ka nang nawiwili na magpagabi." malakas ang pagkakasabi ni Lola para marinig ko kahit pa nasa loob na ako ng cr.
Madalas naman akong naghihilod. Sinisigurado ko na malinis ang bawat sulok ng katawan ko pero dahil espesyal nga ang araw na 'to. Mas doble ang effort ko sa pagkuskos ng aking katawan. Ginamit ko pa nga ang mamahalang perfume na niregalo ni Mama nung nakaraang pasko.
"La." Dumako ang mata ni Lola sa akin. Tahimik niya lang akong pinagmasdan habang pinapatong ko ang plaidshirt sa ibabaw ng itim na Nirvana band shirt ko. Luma na ang pantalon ko at may kaonting tastas pero disente pa naman itong tingnan.
"Guwapo ba?" nakangising tanong ko.
Kumindat si Lola. "Guwapong-guwapo. Pigilan man kitang makipagrelasyon kay Jade. Impossible rin yata. Sa itsura mong 'yan malamang hulog na hulog na 'yon sa iyo. Baka nga mauna pa siyang magtapat." Kinagat ko na lang ang pang-ibabang labi para itago ang mga ngiting nais magpakita dala ng sobrang kilig dahil sa sinabi ni Lola.
"UIC Paradise po," sabi ko kay Mang Kino. Iyong kapitbahay naming tricycle driver na nasaktuhan kong papasada na ulit.
"Imbitado ka sa birthday ni Jade?" kinapa ko ang box sa bulsa kung saan nilagay ang regalo ko para sa birthday celebrant. "Opo. Mamayang alas-kuwatro pa naman iyong party pero nagsabi na ako na darating ako ng maaga baka kailangan nila iyong tulong ko," dagdag kong sabi kay Mang Kino.
Nakabukas ang maliit na gate ng resort. Hindi naman ganoon kalaki ang Bagumbayan. Halos lahat ay magkakilala. Pinapasok na agad ako ng security guard bago ko pa maipakita iyong invitation card.
"Jade!" she tore her eyes off her phone. Ang ganda-ganda niya. Bagay na bagay ang floral dress na suot nito. Nakatali pataas ang buhok niya at mukhang kakabangon pa lang nito mula sa mahabang pagtulog.
"Timotheé. Ang aga mo naman." Napahawak ako sa aking batok. "Oo nga."
"Sakto narito si Totheé. Kulang ng dishwasher. Nagpapahanap kasi si Tito. Puwede bang ikaw na lang? Babayaran ka naman."
"Kuya Theros," nahihiyang tawag ni Jade sa lalaking pinsan. Bakas ang sandaling pagkalito sa mata ni Kuya Theros. Tumingin ito sa akin sabay maangas na ngumiti, ramdam ko naman dati pa na pasimple akong inaangasan at niyayabangan ng pinaka-matandang Uichanco sa henerasyon nina Jade. Binabalewala ko na lang kasi wala rin naman talaga ako kumpara sa kaniya.
Iyon tatay nito ang tagapagmana ng halos kalahati ng yaman ng angkan nila. Nag-iisang anak din si Theros tulad ni Jade kaya malamang sa kaniya rin ipamamana ang yaman ng pamilya kalaunan.
"Bisita ko si Timotheé. Nakakahiya." Hinawakan ni Jade ang braso ko. Hihilahin na sana ako nito papunta siguro sa venue ng party.
"A-Ayos lang. Maaga pa. Hindi pa naman magsisimula. Tutulong muna ako."
"Alright. Sumunod ka na sa akin." Binulong pa ni Jade ang pangalan ko. Halatang hindi siya sang-ayon sa mga nangyayari pero ngumisi lang ako rito saka binaling na ang atensyon ko kay Kuya Theros.
"Tito Remus si Totheé na lang daw muna iyong magdidishwasher." Bumaling sa akin ang Daddy ni Jade. Halata na tulad ni Madam Liz ay punong abala rin ito sa 14th birthday ng anak.
"Ha?" umiling si Sir Remus. "You are here to enjoy Jade's party."
"Sayang naman yung puwede niyang kitain," singit ni Theros.
"Hijo ang sabi ko sa iyo humanap ka sa labas. Malamang hinila mo lang 'tong si Totheé."
"He presented himself, To. I swear." Sinamaan ako ng tingin ni Theros. "Hindi ba, Totheé?" nagbabanta ang mga mata nito na kapag hindi ako tumanggo ay mayroon siyang magagawang hindi maganda sa akin kapag umalis na si Sir sa harapan namin.
"Opo. Pandagdag na rin sa ipon," sabi ko na lang.
Inabot na sa akin ni Theros ang kulay itim na apron pati na rin ang black na latex gloves. "May take out pa mamaya pag-uwi mo." Kumindat ito sa akin sabay giniya na ang Tito niya paalis sa kusina.
Sandali akong tumayo sa harapan ng lababong maraming hugasan at nadaragdagan pa sa paglipas ng ilang minuto.
Ngumiti na lang ako pagkatapos bumuntong-hininga sabay suot ng apron. Ayos lang. May bayad naman. Dagdag din 'yon sa ipon ko para sa gastusin kapag pasukan na. Ayos lang Totheé.
Nang nahawakan na iyong sponge at nalagyan ng dishwashing soap. Parang dumikit na ang mga 'yon at pahirapang alisin sa kamay. Hindi kasi nauubos iyong hugasin kahit ilang oras na akong nasa lababo at nangangawit na nga.
"Timotheé nandito ka pa rin?" si Sir Remus ang nagsalita sa likuran. Saktong kakatapos ko lang sa huling batch ng hugasin. Hinubad ko iyong latex glove.
"Kanina pa nagsimula iyong party ni Jade. Si Theros talaga. Binilin ko na sunduin ka rito kanina," anito. Nilabas niya ang wallet. Wala naman sinabi kung magkano ang ibabayad para sa serbisyo kong 'to pero hindi ako nag-eexpect ng malaki. Kaya naman nang ilabas ang isang libo. Hindi ko 'yon agad tinanggap.
"Naghugas lang naman ako. Ang laki po nito." Nilagay ni Sir Remus iyong pera sa bulsa ng pantalon ko. "Isipin mo na lang pamasko ko yan sa iyo. Hindi kita nabigyan ng aginaldo nung nakaraan hindi ba?" tinapik muna ni Sir Remus iyong balikat ko bago niya ako halos pagtulakan na lumabas sa kusina para sumali na sa birthday ni party ni Jade.
Nagbaba ako ng tingin sa sarili. Medyo basa ng kaonti ang mga damit ko. Pawis na rin ako at sa totoo lang parang hindi na ako kaaya-aya para sa party na 'to.
Jade is the Uichanco's princess. Alam naman 'yon ng halos lahat pero parang mas napatunayan ko ngayon na isa itong prinsesa sa modernong panahon dahil sa white dress na suot nito. Layer, layer yon at parang sa kulambo ang tela pero mukha itong malambot at siyempre mamahalin. Sadyang hindi ko lang alam ang tamang tawag doon sa tela.
Sa kalagitnaan nang pakikipag-usap niya sa mga kaibigan na mayayaman din at galing sa kilalang mga pamilya sa bayan namin. Namataan ako ni Jade. She excused herself and starts making her way to me.
Pasimple kong nilabas iyong box na may lamang regalo para sa kaniya.
"Kanina pa kita hinahanap. Gusto na nga kitang puntahan sa kitchen kanina." Galing sa mukha ko, napunta ang tingin nito sa aking damit. Nabawasan ang ngiti sa labi niya at nakaramdam ako nang panliliit.
"H-Happy Birthday... Jade."
"Jade!" sigaw ni Kuya Theros na papalapit na sa amin. May dala ito. Mukhang regalo para sa kaniya. Box pa lang non ay mukhang mamahalin na.
"Naiwan ko kasi sa bahay. Binalikan mo pa." Her eyes sparks firework. "Is this?" hindi niya na tinapos ang sinasabi at binuksan ang regalo. "Oh s**t. It's from Tiffany & Co's diamond by the yard necklace!" she exclaimed.
Ganoon na lang nakalimutan ni Jade ang presensya ko. Pagkatapos niyang makatanggap ng regalo na ganoon. Hindi ko na kayang ibigay sa kaniya ang regalo ko kaya tinago ko na lang ulit yon sa aking bulsa.
Nag-stay pa ako sa party niya ng ilang oras pero nang magdilim na kahit hindi pa tapos ang celebration. Umalis na ako nang hindi nagpapaalam. Hindi naman nila ako mapapansin.
Private resort kasi ang UIC Paradise kaya halos walang dumaraan na tricycle. Wala akong magagawa kung hindi ang maglakad hanggang sa may labasan. Mga trenta minutos yon o higit pa.
Told me not to cry when you were gone
But the feeling's overwhelming, it's much too strong
Can I lay by your side, next to you? You
And make sure you're alright
I'll take care of you
And I don't want to be here if I can't be with you tonight
Mahina kong kanta habang naglalakad. Ilang kanta na rin ang natapos ko hanggang sa malapit na ako sa pillar ruins. Medyo malayo pa ako sa mga pillar, kita ko na agad ang isang babaeng tahimik at mag-isang sumasayaw. Lumaki na ang mga hakbang ko at mas lalo pang bumilis ang paglapit ko nang kabahan ako matapos makitang ilang ikot pa ay baka malaglag na 'to sa bangin.
"Rai!" sigaw ko sa pangalan ng babae matapos ko 'tong makilala pero parang hindi niya ako naririnig. Hanggang sa nakita ko ang airpods na suot niya.
"Takte!" dali-dali akong tumakbo palapit kay Rai. Bata at laking probinsya ako kaya naman sanay ang mga binti ko sa mabibilisang takbo. Sa kauna-unahang pagkakataon sa buong buhay ko. Napatakbo ako nang napaka-bilis kesa sa normal para lang maabutan ko si Rai bago pa may mangyaring aksidente dahil sa pagsayaw nito nang nakapikit.
Paikot na ulit si Rai nang maabutan ko ang kamay niya. Malakas ang pagkakatawag ko sa boses nito. Para siyang biglang natauhan. Lumapat na nang maayos ang paa nito sa sahig. Sabay nagmulat ng kaniyang mata.
Nakagat ko na lang ang loob ng aking pisnge pagkakita na parang naiinis pa siya sa ginawa ko.
"Ano bang ginagawa mo? Magpapakamatay ka ba?" sigaw ko rito. Namilog ang mga mata ni Rai. Hindi dahil nagagalit siya kung 'di parang bigla itong natakot sa inakto ko. Pasimple akong huminga ng malalim at hinila na lang siya sa may gitna ng pillar ruins. Hinila niya ang kamay at nilapat 'yon sa dibdib niya dahilan para mag-panic ako at pilit na bawiin sa kaniya ang kamay ko pero pinanatili niya 'yon doon. Unti-unting nawala sa isip ko ang pagkailang at kung ano pa nang maramdaman. Ang kalmadong pagtibok ng puso lang nito ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to.
"My heart has always been restless and anxious but I don't feel that way at the moment. Hiindi pa 'to naging kalmado nang ganito. Now tell me. What made you think that I want to kill myself?" kahit sino naman ang nakakita sa nangyari kanina ay iisipin din na sinusubukan niya talagang magpakamatay.
"Why would I kill myself at the same moment when I feel like I am one with the universe, that it is mine?" she added. Wala akong maitugon. Siguro nasa bente minutos din kaming nag-usap pa sa may pillar ruins bago ko siya niyaya na pumunta na sa gilid ng kalsada para roon hintayin sina Lolo Fergus na on the way na para sunduin kaming dalawa.
Pagkakita kay Rai na yakap-yakap ang sarili at mukhang nilalamig. Inalis ko ang plaid shirt na suot at inabot sa kaniya. Hindi yon kasing kapal ng jacket pero sakto lang 'yon para hindi na ito mangatog.
"Kapag magpa-practice ka rito ng sayaw mo. B-Ballet ba 'yon? Dapat may dala kang jacket o balabal kasi medyo malamig talaga rito kapag gabi na," paalala ko sa kaniya at sana lang talaga hindi niya makalimutan ang sinasabi kong 'to. Si Rai pa naman iyong tipo ng taong parang walamg pakialam sa mga advice sa kaniya.
"Tuwing hapon mo ba balak mag-practice? Gusto mo samahan kita? Magdadala ako ng mas maliwanag na flashlight. Mayroon sa bahay yung panglaot."
"Were you always this warm to everyone?" putol niya sa sinasabi ko. Napaisip ako at sandaling inalala kung ganito nga ba ako sa lahat.
Tinagpo ko ang mga mata nito sabay tanggo. "Ganito ako kay Jade."
"A. Kaya siguro hindi niya ma-feel na espesyal sa iyo. Kasi pareho lang ang trato mo sa kaniya at sa iba pang mga kaibigan mo."
"Ha?" napahawak ako sa aking batok. Hindi na nasundan pa ang usapan na yon kasi dumating na ang Lolo at Lola niya.