Chapter 2: The Bet

2655 Words
NATHAN POV Hindi ko talaga inaasahan yung nakita ko. Parang lalong bumalik sa akin ang lahat, lahat lahat. Ang masamang alaala na ngayon ay nagbalik para guluhin ako muli. At tama nga ang hinala ko. Ang Ramirez na kakilala ko at ang Mr. Ramirez na boss nila na nakikita ko ngayon ay iisa. Ngayon nakikita ko sila na nagaayos sila nung mga damit nila at parang may ginawang milagro ito na naudlot lang. Si Zach ay busy sa pag button nung long sleeve nya at yung babaeng malapit sa kanya ay busy din sa pag balik nung button nung blouse nya. "Ye.." Napahinto si Zach nung nakita ako, at nakita ko sa mata nya na nabigla sya Hindi ko na pinatagal pa ang pakikipag titigan sa kanya kaya naman agad na akong umalis doon. Please lang! Ayoko nang magkaroon pa ng any connection dun sa lalaking yun! Matagal ko na syang kinalimutan. Matagal ko nang ibinaon ang mga ala alang iyon. Agad akong naglakad ng mabilis papunta sa elevator. Pumasok agad ako sa loob nung elevator nung bumukas ito tapos nakita ko bigla si Zach na humahabol papunta sa akin. Kaya naman agad kong pinindot yung close button Bilis. Bilis. Bilis. Magsasara na ang pintuan nung elevator nung iharang niya bigla ang kamay niya dahilan para bumukas ulit. s**t. Kung mamalasin ka nga naman! Kaya naman naisipan kong lumabas ng elevator habang bukas pa ito Ayoko makasama tong lalaking to! Ayoko! Pero hinawakan niya yung braso ko at hinila pabalik at pinindot nya yung close button. Wala na ako magawa kasi ang higpit ng pagkakahawak nya sa akin. Kaya tuluyan na nagsara ang pintuan nung elevator. Hindi ako makapaniwala na. Kasama ko ngayon ang taong matagal ko ng binaon sa past. Binitawan nya yung pagkakahawak nya sa braso ko, tinignan ko lang ito ng masama Binalot kami ng katahimikan sa loob. Ayokong magsalita. Ayokong magkausap kami ng lalaking ito. "Long time no see" biglang pagsasalita niya. Di ko ito pinansin at tinalikuran ko lang siya "Ganyan mo ba tatratuhin ang magiging bago mong boss?" sabi nito Napaharap naman ako dito at sinabing "Hindi kita magiging boss kahit kelan." "Then what are you doing here?" sabi nito sa akin habang naka ngisi. "With that envelope and requirements you bring, I guess you're applying for a job." Natahimik naman ako bigla. Ano sasabihin ko? Hindi ko naman kase alam na siya pala ang boss. "W-wala ka na dun!" sabi ko na lang dito at tinalikuran ko ulit sya. Nakaramdam ako ng pagkahiya. Dahil mataas na ang narating niya samantalang ako. Ganito. Still looking for a job at nataon pa sa company niya. Naramdaman ko bigla ang pagdikit nya sa likuran ko. "Kunwari ka pa alam ko naman na hinanap mo ako at namiss mo ko." malambing nitong sabi Napaharap ako dito dahil sa narinig ko. Ang kapal lang nitong lalaking to. Nagulat na lang ako dahil napakalapit nya sa akin at naka ngisi Tinulak ko ito. "Alam mo kung alam ko lang na ikaw pala ang boss dito, eh di sana di na ako tumuloy kasi matagal na kitang kinalimutan!" inis na sabi ko sa kanya Bigla syang lumapit sa akin at ikinabigla ko ang sumunod nyang ginawa. Siniilan nya ako ng halik. Hinawakan nya ako sa ulo at pilit na ipinagtulakan ang sarili nya sa akin Hindi ko ito tinugon. Naramdaman ko ang dila nya na gustong pumasok sa bibig ko pero hindi ko ito pinapasok sa halip ay isinarado ko yung bibig ko at tinulak ko sya papalayo sa akin. "T*ng ina mo naman eh!" sigaw ko sa kanya habang ipinupunas gamit ang kamay ko ang labi ko "Straight ako Zach! Hindi ako tulad mo! Kaya kalimutan mo na ako!" sigaw ko dito. Hindi pa rin siya nagbabago. "Sorry" sabi nya sa akin "Pero alam ko namang gusto mo ang ginagawa ko sayo" dagdag nito at nakangisi pa Dahil sa galit ko di ko na napigilan ang sarili ko at nasapak ko sa bandang bibig si Zach. Tumumba ito at nakita kong dumugo ang labi nya. Bigla akong nahimasmasan nung makita kong dumudugo ang labi nito kaya natakot ako bigla. Binigyan nya ako ng masamang tingin tapos tumayo sya Hinawakan nya ako sa collar ko. Nagkataon na mas matangkad siya kesa sa akin kaya naiangat nya ako ng bahagya. Nakita ko ang galit sa mukha at mata niya at nakita ko din ang dumudugo nitong nguso "Sa tingin mo ititigil ko ito? Pwes Hindi na! Ngayong nahanap na kita. Di na kita papakawalan pa! Matagal kitang hinananap noon Nathan! Kaya ngayon di na ako papayag na mawala ka ulit! Dahil simula ngayon akin ka lang! Akin!” Galit at sigaw na sabi sa akin nito "Hi-Hindi na ma-mangyayari yun!" Nauutal kong sabi.. Nag smirk sya tapos ibinaba ako. Inalis ang pagkakahawak sa collar  ko at sinabing "Pwes tignan lang natin" Hindi ko ito pinansin at bumukas bigla ang elevator kaya lumabas ako kaagad. Pero bago ako makalabas nagbitaw ito ng mga salita sa akin "Kilala mo ako Nathan. Kaya kong gawin ang lahat, makuha ko lang ang gusto ko" sabi nya na nagbigay naman ng katanungan sa isip ko. Hindi ko na lang ito pinansin at tuluyan kong nilisan ang kompanyang yun Tss. Kung alam ko lang talaga! Di na ako tumuloy. Ayoko na talaga makita ang mukha nya. Ayoko na! Mainit ang ulo ko nung bumiyahe ako pauwi.. nasayang lang lahat nung effort ko! At nung nakauwi ako nakita ko si Mark na nag aaral.. Hiningaan pa nga ako ng pasalubong eh pero di ko na lang ito pinansin.. "Anak napaaga ata uwi mo? May problema ba?" tanong ni Mama sa akin "Ahh.. wala po.. pagod lang po siguro ako.. akyat lang po ako Ma" walang gana kong sabi kay mama Umakyat ako at pumunta na ng kwarto ko.. Wala ngayon si kuya dahil nasa trabaho ito ngayon.. Humiga ako sa kama.. at huminga ako ng malalim Hindi ko talaga akalain na magkikita pa kami.. Sa nilaki laki ng mundo nagkita pa kami ng hayop na lalaki na yun.. Pipikit na sana mata ko ng biglang nag ring ang phone ko.  It means may nag text sa akin.. nakita ko kung sino nag text.. pero number lang ang nakalagay dito.. Binuksan ko ang text nito at binasa iyon. "Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin Nathan" Bigla akong nakaramdam ng takot kasi alam kong si Zach itong nag text sa akin... Papano? Shit! Nabigay ko nga pala yung information ko kay Ms .Alavarez! Shit.. malamang kinuha ni Zach ung number ko dun! Agad kong naisipang magpalit na ng number kaya bumaba ako para bumili ng bagong sim Pero di ko inaasahan ang aking nakita.. Si Kuya nakayuko habang nakaupo sa Sofa. Ang aga naman nitong umuwi? Gabi pa uwi nito ah? "Kuya? Bakit ang aga mong umuwi?" Tanong ko dito Inangat nya  ang ulo nya at nakita ko ang disappointment sa mukha nito.. "Ba-bakit Kuya?" Natatakot kong tanong.. feeling ko may masamang nangyari eh.. nakita ko din kasi si Mama na naka upo lang sa isang tabi eh at mukhang malalim ang iniisip nito.. "Tinanggal ako sa trabaho ng boss ko" sabi nito ng seryoso.. "Ano?!" Gulat kong tanong.. "Pe-pero bakit ka naman tinanggal!?" sigaw na tanong ko at nagtataka "Hindi ko nga alam eh.. basta ang alam ko nagtatrabaho ako ng maayos nung pinatawag nya ako sa opisina nya.. at ayun tinanggal kaagad ako" sabi nya Bakit naman ganun? bakit siya tinanggal? Wala naman pala itong ginawang kasalanan "Paano na tayo ngayon, saan tayo kukuha ng pang araw araw na gastusin natin" nalulungkot na sabi ni Mama na agad namang nilapitan ni Mark at yinakap ito Bigla akong napaisip kung bakit ganito ang nangyayari sa amin.. Nung may biglang naalala ako. Shit! Si Zach! Si Zach ang may pakanana nito! Binuksan ko ulit yung phone ko at binasa ang text niya. "Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin Nathan" Gago ka Zach! tapos biglang nag flashback sa akin ang sinabi nito sa akin bago ako lumabas ng elevator.. "Kilala mo ako Nathan.. Kaya kong gawin ang lahat makuha ko lang ang gusto ko" sabi nya nagbigay naman ng katanungan sa isip ko.. Yun pala ang ibig nyang sabihin! s**t! kailangan kong puntahan si Zach.. "Ma aalis lang po ako" pagmamadali kong paalam "Saan ka naman pupunta?" tanong naman nito "Basta po ako na ang bahala, may kailangan lang akong ayusin" sabi ko at kinuha ko ang mini bag ko "Mark ikaw na muna bahala kela mama at Kuya ah" bilin ko dito.. tumango naman ito.. kaya lumabas na ako ng bahay,,.. I cant believe na kaya nya tong gawin sa pamilya ko.. Kailangan nya pa talaga mandamay! Nakarating ako sa building nung pinagtatrabahuhan ni Zach.. agad agad akong pumasok ng galit na galit "Naandito ba si Mr. Zach Ramirez?" madaling tanong ko dun sa babae.. na ng papacute pa sa akin kanina "Ah... eh.. Opo.. nasa office nya po siya" halatang nagulat yung babae nung nakita nya ako sa harapan nya "Salamat" madali kong sabi at pumunta na ako ng elevator para puntahan yung office nito.. Gago ka talaga Zach! Gusto mo talaga akong pahirapan! pati talaga pamilya ko dinamay mo! Nakarating ako ng 11th floor at doon at dali dali akong lumabas at pinuntahan ang office nito.. Nasa harapan na ako ng pintuan nito.. Huminga muna ako ng malalim bago ko binuksan ang pinto nito.. Hindi ko na naisipan kumatok kaya dali dali ko ng binuksan ito Pero di ko nanaman inaasahan ang nakita ko.. May nakaupo sa lap nya na babae at naghahalikan ang dalawa.. naka laglag na yung blouse nung babae at bra na lang ang nakikita dito samantalang si Zach naka unbutton na ang long sleeve nito. At base sa nakita ko.. parang naguumpisa pa lang sila tapos yung babae din na ito ay yung babae din kanina Nagulat sila at napahinto sa kababuyan nilang ginagawa nung makita ako.. "sorry" yun na lang ang nasabi ko at isinara ulit yung pintuan.. Hayop talaga yung lalaking yun! Napaka libog nya talaga! Pati ba naman sa opisina! Hinintay ko sila matapos sa ginagawa nila habang ako nasa labas naghihintay..  pero maya maya lang lumabas yung babae at parang nahihiya pa ito nung nakita ako.. "Ah.. pumasok ka na daw sabi ni Mr. Ramirez" namumula nitong sabi sabay alis sa harapan ko. Bumuntong hininga lang ako at this time kumatok muna ako.. "Come in" sabi nito Huminga ako ng malalim bago ko binuksan ang pinto.. Nakita ko ito na presentable na yung itsura nito.. nakaupo siya at halatang hinihintay ako.. tapos nakangiti pa ito sa akin Di ko na napigilan ang damdamin ko at galit na lumapit dito "Hoy ikaw perverted man! Hindi mo ba talaga ako titigilan!? At pati talaga pamilya ko idadamay mo!?" galit kong sabi dito Ngumisi ito bago sumagot.. "Wow.. I can’t believe na tinanggal kaagad ni Henson yung empleyado nya na si.... Adam" nakangisi nitong sabi Hindi ko na napigilan ang damdamin ko at tila gusto ko ng sumabog sa harapan nito "BAKIT MO GINAWA YUN!?" Sigaw kong sabi dito Ngumisi ulit ito at tumayo papunta sa akin.. lumapit ito sa akin pero syempre umatras ako pero nacorner ako nito nung nadikit na ako sa pader.. nung wala na akong mapupuntahan.. ihinarang nya yung kamay nya sa pagitan ng ulo ko.. "Alam mo naman kung bakit ko ginawa yun eh" sabi nito "Ba-bakit ba k-kasi!" nangangatog kong sabi.. natatakot kasi ako sa maaari nitong gawin "Alam mo Nathan.. namiss kita" sabi nito sa akin na nag pa paralisa sa akin.. parang hindi ako makagalaw sa sinabi nito.. bigla akong kinilabutan "A-ano ba Zach! Itigil mo nato!" nakapikit kong sabi "At bakit ko naman gagawin yun?" sabi naman nito "Kasi hindi naman kita gusto!" sabi ko ng prankahan.. "Come on Zach! Hindi ako katulad ng mga babae na ginagawa mong parausan.. hindi ako babae Zach! Lalaki ako! at mas lalong hindi ako bakla! Im straight!" tuloy tuloy kong sabi dito Nakita ko ang pagbabago ng timpla nung itsura nito.. umalis ito at pinakawalan ako mula sa pag kakacorner.. "Then..." sabi nito "Magkakasubukan tayo" nakasabi nito habang nakatalikod sa akin Ayan na naman siya sa mga banta nito.. hindi talaga ako titigilan nitong lalaking to eh! "Talagang di mo ako titigilan!?" Sigaw kong sabi dito "Hinde.." matigas nitong sabi Napabuntong hiniga ako.. bakit ba kasi ako nagustuhan nito eh.. ang dami daming babae dyan o lalaki.. AKO PA TALAGA! "Then.. tell me ano ang kailangan kong gawin para tigilan mo na ako" tanong ko dito Humarap ito sa akin at ngumisi at ayoko nung paraan nung gawin nya yun, parang alam ko na balak nito.. "Sige, para maging fair sa ating dalawa.." sabi nito at dumiretso ito sa upuan nito.. tinignan ko lang ito.. "Magkakaroon ka at ng pamilya mo ng chance maging malaya mula sa akin" tuloy na sabi nito Bigla akong nabuhayan sa sinabi nito.. "Papano!?" Excited kong tanong Ngumisi ito bago sumagot "Kung papayag ka sa isang BET" sabi nito "Bet?" ulit kong tanong "Kung mananalo ka sa pag pupustahan natin, magiging malaya ka at ng pamilya mo at asahan mong di na kita gagambalain pa" sabi nito Bigla talaga akong nabuhayan sa sinabi nito.. may chance pa para maging malaya kami.. pero ano naman kaya yung consequence  pag natalo ako? "Eh ano naman mangyayari pag natalo ako?" tanong ko naman Bahagya itong napangiti ng nakakaloko.. "then.. you will be mine.. you will be my s*x slave forever. Sa mansion ko na kita titira at paglilingkuran mo ako.." nakangisi nitong sabi Bigla naman akong nanlumo sa consequence ko... at bigla din akong kinilabutan.. I can’t even imagine myself serving him! Kailangan ko ba talagang Ibet yung sarili ko dito? "Deal?" tanong pa nito Teka di ako makapag isip ng maayos! Kapag hindi ako pumayag sa gusto nito.. hindi ako titigilan nito.. talagang pahihirapan nya kami ng pamilya ko.. at ayoko naman mangyari yun sa pamilya ko Pero kapag pumayag naman ako sa deal na ito.. para ko ng ipinagkalulo ang katawan ko sa isang demonyo.. pero may chance na maging malaya kami kung mananalo ako sa isang game o dun sa pagpupustahan namin.. Teka ano ba yung pagpupustahan namin? "Eh ano ba pagpupustahan natin?" tanong ko dito "Oh I forgot" sabi nito "Well, madali lang naman" sabi nito.. "Nakita mo ba yung babae dun sa baba dun sa information? Kailangan mo yun pasagutin within 3 days" Nakangisi nitong sabi Seryoso ba sya sa pagpupustahan namin? Pasagutin within 3 days? yung babae na nagpapacute sa akin sa baba? Hmmmm parang malakas laban ko dito ah.. pero parang imposible naman sa loob lang ng tatlong araw para pasugutin yun? "Ano deal?" tanong nito "Eh bakit parang ang ikli lang nung panahon na palugit mo?" tanong ko dito "Come on Nathan.. I know you since high school at alam kong habulin ka pagdating sa mga babae" sabi nito Yeah...habulin ako pero.. papayag ba ako?Come on Nathan! Think! Think kung papayag ka ba talaga! Naksalalay dito ang buhay mo... . . . Sige na nga para to sa pamilya ko! "Ano deal?" sabi nito ng nakangisi pa "D-deal" Sabi ko ng di pa sigurado "Then" tapos may inilabas ito na papel "Sign this papers para may panghahawakan ako pag natalo ka" sabi nito ng naka ngisi pa.. Medyo nainsulto ako sa sinabi nito.. "Hindi ako matatalo Mr. Ramirez! Dahil ito na ang huli nating pagkikita dahil sisiguraduhin ko sayo na mananalo ako"  sabi ko ng matapang.. "Well gusto ko lang ipaalala sayo ang deal natin.. Ibebet ko ang kalayaan nyo kayong mag pamilya tapos ibebet mo ang sarili mo sa akin... kapag napasagot mo si Anna.. malaya ka na mula sa akin.. hahayaan na kita.. pero kapag hindi mo napasagot si Anna within 3 days.. You're mine..." sabi nito na ikintakot ko Tama ba ang magiging desiyon ko? Binigyan nya ako ng ballpen at ibinigay sa akin ang papel.. nakita ko dun ang deal namin doon.. kung ano ang nilalaman nito.. nakita ko rin ang pirma ni Zach sa ilalim.. Huminga muna ako ng malalim bago ipirma yung pangalan ko.. Sign: Nathan Vergara Tapos ibinigay ko ito kay Zach.. napangiti pa ito sa nakita "Then maari ka ng mag umpisa ng panliligaw kay Anna dun sa baba.. and the 1st day will start tomorrow" sabi nito Di na lang ako umimik kasi feeling ko parang nakagawa ako ng maling desisyon.. Lumakad ako palayo at lalabas na sana ako ng magsalita ulit ito.. "And By the way Nathan.. Dahil sa pumayag ka sa deal natin, pwede ng bumalik ang kuya Adam mo sa trabaho.." sabi nito "And good luck sa panliligaw mo at see you after 3 days.." sabi pa nito.. Di ko na lang ito pinasin at lumabas na ako ng opisina nito I hope nakagawa ako ng magandang desisyon sa buhay ko... kasi once na matalo ako dito.. pagsisishan ko ito habang buhay.. Magiging s*x slave ako ng isang demonyo..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD