NAGMAMADALI si Faith na makabalik sa main building kung saan naroon nakaparada ang kanyang kotse. Nagpupumilit pa sana si Joshua na ihatid siya pero hindi siya pumayag, sa halip ay iniwan niya ito at hindi na nilingon pa. Tiyak hahanapin siya ni Yuan o kaya tatawag ito sa kanya. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa loob ng kanyang bag. Nakita niyang may sampung missed calls na pala si Yuan sa kanya hindi niya iyon napansin dahil sa pag-uusap nila ni Joshua kanina. Nag-alala siya. Ano ba ang kanyang sasabihin sa lalaki kapag tinanong siya nito? Nag-ring ulit ang kanyang cellphone at agad naman niyang sinagot. “Baby, where are you? Kanina pa kita tinatawagan,” halata ang pag-aalala nito sa kabilang linya. “Ha? Eh, pumunta ako dito sa kabilang building may kinausap lang ako, pabalik na ak

