AGAD na pinangko ni Joshua ang walang malay na si Faith papasok ng emergency room. “Nurse! Pakitulungan ang pasyente nawalan siya ng malay!” anang si Joshua na natataranta. Inilagay si Faith sa isang bakanteng hospital bed at agad naman itong inasikaso. “Sir, p’wedeng maupo ka muna, may ilang bagay lang ako na itatanong tungkol sa pasyente,” anang nurse. Pero hindi niya iyon inintindi dahil nakasunod ang tingin niya sa kinaroroonan ni Faith. “Please, Miss, gamutin n’yo muna ang fiancee ko! Babayaran ko kayo kahit magkano!” mataas ang boses nito. “Yes, Sir, inaasikaso na po siya. Kalma lang ho kayo, Sir.” anang nurse. Napaupo na lang siya dahil wala siyang magawa at iritang sinasagot na lang ang mga katanungan ng nurse. Hindi kasi siya mapakali. Patingin-tingin siya sa mga nag-aasikaso

