HINDI na pinatagal pa ni Yuan, agad nitong pinuntahan ang mga Aragon upang sabihin ang katotohanan. Sinalubong agad siya ni Kelly nang makapasok siya sa gate ng mansiyon. “Yuan! Ano ba ‘yong importanteng sasabihin mo at hindi na kailangang ipagpabukas?” anito. Kanina kasi habang papunta siya sa mansiyon ng mga Aragon ay tinawagan niya si Kelly para siguraduhing nasa bahay ang mag-ama. Mabuti naman at walang lakad ang mga ito. “Kelly may kailangan kasi kayong malaman,” aniya. Naging seryoso ang mukha ng babae habang papunta sila sa living room kung saan naghihintay si Francis. “Really? Tungkol naman saan? May kinalaman ba ito sa kompanya?” Hindi na niya nasagot si Kelly dahil malapit na sila kay Francis at agad na tumayo ito nang makita siya. “Good evening, Sir!” bati niya na bahagyang

