Narinig ni Marie ang tinig ni Kris sa labas ng kwarto niya na tinatawag siya. Saka niya lamang napansin na basa ang pisngi niya. Dali-dali niya iyong pinahiran at tumingin muna sa salamin, naglagay siya ng pulbos sa mukha para hindi halatang umiyak siya. Ilang saglit, narinig niya ang katok ng pinsan sa pinto. "Pasok lang, Kris" aniya na kunwaring nagtutupi ng bagong nalabhan na mga damit niya. Bumukas ang pinto at pumasok si Kris. "Bakit naparito ka, Kris? Iniwan mo don si David." Ani Marie na kunwari ay abala sa pag-aayos ng damit. Tumingin si Kris kay Marie at nagtaka. "Nariyan si Jorge sa baba" sagot ni Kris na napansin ang pamumula ng mga mata ni Marie. Halatang galing sa pag-iyak si Marie. Kahit na hindi man sabihin ng pinsan niya, alam niya ang posibleng dahilan kung baki

