“May nagbigay ba sa'yo ng kwintas na suot mo?” Parang biglang huminto ang mundo ni Marie. Hindi niya inaasahan ang tanong ni David. Napatingin siya sa pendant na nakasabit sa kanyang leeg. Ang kalahating hugis-pusong kwintas. Ang kwintas na ilang taon niyang itinago at iningatan. Ang kwintas na nag-uugnay sa kanya sa batang lalaking minsan ay nangako sa kanya. Si Louie. Na ngayon ay nakasanayan na tawaging David. Ang lalaki na nasa harapan niya ngayon. Pinilit niyang panatilihing normal ang mukha at tinig. “Actually…” Huminga siya bago ngumiti. “Hindi naman talaga sa akin ang kwintas na ito.” Napakunot ang noo ni David. “Hindi sa'yo?” Umiling siya. “Pinahiram lang sa akin ni Kris.” Napatingin si David sa direksiyon ni Kris. Nakatayo ito sa kabilang bahagi ng sala, abala

