Muling huminto ang mamahaling sasakyan sa harap ng bahay nina Marie at Kris. Pangatlong beses na iyon, simula nang unang pumunta si David doon.
At nang muling marinig ni Kris ang pamilyar na ugong ng makina ng sasakyan ni David, kusa siyang napangiti.
“Mukhang dumating na si David!” masigla niyang sabi bago halos patakbong lumabas ng bahay.
Kadarating pa lamang ni David nang salubungin siya ni Kris sa may gate.
“Ang aga mo ngayon,” ani Kris na may magandang ngiti sa mga labi.
“Wala naman kasi akong masyadong ginagawa.” Nakangiti rin na sagot ni David. "Syanga pala, pwede ba kitang isama sa pamamasyal?” tanong pa nito na unang beses niyaya si Kris na mamasyal.
Agad na nagningning ang mga mata ni Kris. “Siyempre naman.”
“ Magpapaalam lang ako kay Marie. Huwag kang aalis, ha.” muling sabi ni Kris.
“Hihintayin kita,” nakangiting sagot ni David.
Pinapasok muna ni Kris si David sa sala bago tumungo kay Marie
Masayang pumasok si Kris sa loob ng bahay. “Insan, lalabas lang kami ni David!” masigla niyang paalam kay Marie.
Napatingin si Marie sa kanya.
“Hindi ka ba natatakot sa lalaking iyon? Ang bilis mong magtiwala at sasama ka agad sa kanya?”
“Mukha naman siyang mapagkakatiwalaan,” sagot ni Kris.
Nang dumaan si Kris sa sala, sumunod si Marie. Naroon si David. Halos matigilan sa pagtitig si David nang makita si Marie.
Lalong naguluhan ang binata nang mapansin niyang halos magkapareho ang hitsura ng dalawang babae.
Maging ang kanilang pananamit at gupit ng buhok ay halos walang ipinagkaiba.
“May kambal ka pala, Kris?*
Tanong ni David.
Ngumiti si Kris.
“Pinsan ko si Marie.”
Nakatayo si Marie habang naka-halukipkip ng mga kamay.
“Ikaw na ang bahala sa pinsan ko. Siguraduhin mong ligtas siyang makakauwi rito.”
Hindi agad nakasagot si David. Napangiti naman si Kris.
“Pasensya ka na. Protective lang talaga ang pinsan ko.”
Tumango si David.
“Okay lang.
At hindi na siya nagsalita pa.
-
Makalipas ang ilang sandali, magkasabay ng naglakad sina David at Kris patungong plaza. Masaya silang nagkukuwentuhan habang tinatahak ang daan. Iniwan kasi ni David ang sasakyan gaya ng sabi ni Kris. Walking distance lang ang plaza mula sa bahay nila, at ma-enjoy daw nila ang pagtungo roon kung maglakad lang, isa pa, hindi naman masyadong mainit ang sikat ng araw.
Sa pangatlong beses na makita at ngayon ay nakasama ni Kris si David, hindi niya namalayan na habang tumatagal, lalo siyang nahuhulog sa binata.
At si David naman…
Unti-unti na ring nasanay na laging kasama ang dalaga.
“Kumusta ang trabaho mo?”
Tanong ni Kris.
“Maayos naman.” sagot ni David
“Buti naman.”
“Ikaw?”
“Ako? May sarili kaming business ni Marie. May flower shop at coffee shop kami.”
“Wala ba kayong balak magbakasyon?”
Tanong ng lalaki.
Napa-nguso si Kris.
“Kapag may manlilibre.”
Natawa si David. “Ako na.”
Pareho silang nag-enjoy sa kanilang usapan. Hanggang sa...habang naglalakad sila sa plaza may nakita si David na nagtitinda ng ice cream. Bumili si David ng tig-isang ice cream sa kanila.
Iniabot niya ang isa kay Kris.
“Paborito mo ba ang chocolate?”
“Oo.” at biglang napatigil si David.
“Naalala ko kasi…”
Saka hindi na niya itinuloy ang sasabihin.
Napatingin sa kanya si Kris.
“May problema ba?”
“Ah… wala,” mabilis na sagot ni David.
Hindi na iyon inusisa pa ni Kris.
Sa halip, ipinagpatuloy nila ang pagkain ng ice cream habang naglalakad sa plaza.
Maya-maya, napansin ni Kris ang bahid ng ice cream sa gilid ng labi ni David.
“May dumi.”
“Saan?”
“Itigil mo nga muna ang pagkain.”
Lumapit siya at inilabas ang panyo mula sa kanyang bag.
“Punasan mo.” Saka sabi ni Kris.
Napakamot sa ulo si David.
“Hindi ko makita, eh.”
Napailing si Kris.
Kinuha niya ang panyo sa at siya na mismo ang nagpahid sa gilid ng labi ng binata.
Habang pinapahiran ni Kris ang ice cream sa labi ni David, biglang nagtagpo ang kanilang mga mata.
At sandali silang napatigil.
Namula ang pisngi ni Kris.
“Okay na.”
“Salamat.”
Muli silang nagpatuloy sa paglalakad.
Ngunit hindi nila namalayan na kapwa na pala bumibilis ang pintig ng kanilang mga puso.
-
Kinabukasan, bumisita naman si Jorge sa bahay nina Marie. May dala na naman itong paper bag.
Pagkabukas ni Marie ng gate, napailing siya agad nang makita ang lalaki.
“Hopia ulit?”
Tanong ni Marie nang may nakita itong hawak na paper bag si Jorge.
Ngumiti si Jorge.
“Favorite mo kasi.”
“Ang kulit mo talaga.”
“Pwede bang pumasok?”
Nilakihan ni Marie ang pagkabukas ng gate, para makapasok ito. Naupo silang dalawa sa balkonahe. At naglabas si Marie ng malamig na juice at iniabot iyon sa binata.
“O, inumin mo.”
“Salamat.”
Nagpatuloy ang kanilang kuwentuhan.
“Kumusta ang negosyo?” tanong ni Jorge.
“Ayos naman." Sagot ni Marie.
Saglit itong ngumiti.
“Alam mo, natutuwa ako.”
“Kahit ilang beses mo akong binasted, magkaibigan pa rin tayo.”
Napangiti si Marie.
“Kasi sinabi mo naman na kaya mo. At okay lang sa’yo na magkaibigan tayo. Nakita ko naman na mabuti kang tao, kaya okay lang sa akin na maging kaibigan ka.”
“Kaya ko naman talaga. Okay lang sa akin basta malapit ako sa’yo.”
Napatingin si Marie sa kanya.
“Wala ka bang balak maghanap ng ibang mamahalin?”
Napatawa si Jorge.
“Meron.”
Saglit siyang tumingin sa malayo bago nagpatuloy.
“Kapag handa na ang puso ko.”
Saka napangiti ito.
“Huwag kang mag-alala. Hindi na kita kukulitin. Mas gusto kong makita kang masaya.”
Napatingin si Marie sa lalaki.
“Salamat dahil nauunawaan mo ako.”
“Anuman ang mangyari, kaibigan mo ako.” Wika nito.
“Iyon lang ang kaya kong ibalik.” sagot ni Marie.
“Okay na iyon.”
Wala nang hinihingi pa si Jorge.
Para rito sapat na ang respeto at pagkakaibigan na lamang...
Iyon ang namamagitan sa kanilang dalawa at masaya na ito roon.
nararamdaman naman iyon ni Marie.
Alam niyang tapat si Jorge sa bawat salitang binibitawan nito.
Bago umalis, muling iniabot ni Jorge ang paper bag. “Huwag mong kalimutang kainin.”
“Salamat.”
Pagkaalis ng binata, pinagmasdan ni Marie ang papalayo nitong anyo.
Napangiti siya.
“Napakabuti mong tao, Jorge.”
---
Samantala, naging madalas na rin ang pagbisita ni David sa bahay nina Kris.
Kapag may libreng oras ang lalaki, halos awtomatiko na siyang dumaraan.
At sa bawat pagdating nito, si Kris agad ang sumasalubong.
Minsan ay sabay silang nagluluto sa kusina.
Minsan, hindi napigilan ni Kris ang matawa nang makita kung gaano kahirap para kay David ang simpleng pagbabalat ng patatas.
“Ganito lang ’yan,” natatawang sabi niya.
Ngunit bago pa niya maipakita, bahagyang nasugatan ni David ang daliri nito. Napaatras ito.
“Aww.”
“Tingnan mo nga.”
Napailing si Kris.
“Hay naku.”
Maingat niyang hinawakan ang kamay ng binata at nilagyan iyon ng maliit na bandage.
“Ayan.”
Tiningnan niya ang daliri ni David bago napangiti.
“Ang guwapo mo pero hindi ka marunong sa kusina.”
Napangiti si David.
“Pwede mo akong turuan, libre ha?”
"Oo, naman, libre.” sagot ni Kris.
“Okay.” ani David.
At pareho silang natawa.
Mula noon, naging paborito na nilang gawin ang magluto ng magkasama.
Kapag hindi naman sila nasa kusina, nasa hardin sila.
Naitanong kasi ni David kay Kris kung hanggang ngayon ay mahilig pa rin itong magtanim ng mga halaman.
Tumango si Kris.
“Kaya nga mayroon kaming flower shop. Pero si Marie ang nag-aasikaso roon dahil ako ang namamahala sa coffee shop namin. Wala kasing ibang mag-manage.”
Magkasama silang nagdidilig ng mga halaman tuwing hapon at nagkukuwentuhan tungkol sa kanilang mga pangarap.
Hanggang sa isang araw…
Nagdala si David ng maliit na paso na may puting rosas. Nalaman niya mula kay Kris na mahilig din si Marie sa mga halaman.
Isa na rin iyong paraan upang ipakita ang mabuti niyang hangarin matapos ang hindi magandang simula ng kanilang pagkakakilala.
“Inaalagaan mo ba ang mga halaman?” tanong ni Marie nang makita siya.
Hindi pa rin nawawala ang seryoso niyang tono.
Umiling si David.
“Hindi.”
Iniabot niya ang maliit na paso kay Marie.
“Binili ko ’to para sa’yo.”
Nagulat si Marie.
“Para sa akin?”
Hindi niya inaasahang bibigyan siya ng halaman ng binata.
“Mahilig ka raw kasi sa mga bulaklak,” wika ni David. “Sana huwag mo itong pabayaan.”
Maingat na tinanggap ni Marie ang paso.
Tinitigan niya ang puting rosas bago muling tumingin kay David.
“Inaalagaan ko ang mga bagay na ibinibigay sa akin.”
Napatingin si David sa kanya.
Hindi niya alam kung bakit, pero may kung anong kakaiba sa sagot na iyon.
Samantala, hindi namalayan ni Marie na may maliit na ngiti na sumilay sa kanyang mga labi.
Ngunit kasabay ng ngiting iyon ang pag-aalinlangan sa kanyang puso.
---
Please follow and comment, kung nagustuhan mo ang daloy ng kwentong ito.
Open po ako sa any suggestion.