REESE stared at the bodyguard who was playing with Rian in the garden. Inakala niyang makakatulog agad ang pamangkin niya pag-uwi nila, pero hindi. Inaya pa nito si Benji upang maglaro sa garden. Now, they were on the swing. Rian was sitting on the chair while Benji was pushing it slightly. “Hon, anong tinitingnan mo diyan?” tanong ni Alaric na tumabi sa kaniya nang tayo sa balkonahe ng kwarto nila. Reese didn’t speak, but she gestured towards the garden. Sinundan naman ni Alaric ang tinitingnan ng asawa at napangiti na lamang. Hinawakan ni Reese ang braso ng asawa. “Tell me, sino ba talaga ang bodyguard na ‘yan?” “A new bodyguard?” patanong na sagot ni Alaric. “Benji,” he added. Reese rolled her eyes. “Alam ko ‘yon. Pero sino siya?” she asked. Pilit niyang hinuhuli kung si

