Kabanata 10

1034 Words

DINIG NA dinig ni Penelope ang mga malalakas na boses. At alam niya sa pagkakataon na ito ay nasa delikadong sitwasyon sila. Naiinis ang dalaga kung bakit pakiramdam niya ay napakabagal ng pulis pumunta sa lokasyon na sinabi niya. Gusto sana niyang hintayin ang kapulisan. Pero hindi niya kayang magtiis at maghintay pa ng ilang minuto. Kailangan na niyang makita si Elijah. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyaring masama rito. Nagtatago siya sa likod ng malalaking drum. Narinig niya ang mga palapit na yabag. "Punyeta! Paano tayo napuntahan ng Elijah na 'yon? Ano 'yon may superpowers siya at nalaman niyang naririto tayo?!" "Eh boss, ano ba ang gagawin natin kay pretty boy?" Sumilip ng bahagya si Penelope. Sinisikap na huwag gumawa ng kahit anong ingay at hindi mahalata.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD