MINSAN sa pag-ibig, nakakainip maghintay. Maghintay ng matagal na panahon. Maghintay para sa tamang oras. Pero sa tagal ng panahon naming hindi nagkita, naisip ko, hindi man lang ba niya naisip na nakakainip maghintay sa taong alam niya namang walang kasiguraduhang babalik? Sa sobrang bilis ng pangyayari, akala ko panaginip. Mas okay pa ata kung panaginip na lang siya, kasi mas makakapag-isip pa ako kung ano dapat ang gagawin ko. Si Tristan. Siya nga mismo. "Ma'am Celine, hindi n'yo po talaga alam kung gaano ako kasayang makita kayo uli,' bati sakin ni Butler William pagpasok pa lang namin sa bahay ni Tristan. "Masaya rin po akong makita ka Butler William," sabay ngiti ko. Napansin ko namang sumilip siya kay Tristan na parang nagtatakang nagulat, dahil na rin siguro na basta-bast

