KINUHA ko na ang mga bagahe ko at umupo muna sa sulok para mag-isip. Tama naman siguro 'tong ginawa ko. Natatakot man ako pero feeling ko talaga tama lang. Hinila ko na ang bag at lumabas, halos ma-heat stroke ako sa init. Amoy na amoy ko agad ang kakaibang hangin, ang kakaibang ingay, yung feeling na kakaiba. Ewan, dala lang siguro ng adrenaline. Pilipinas nga ito. Ang init eh. Sumakay ako ng taxi, balak ko munang manirahan sa hotel ngayon habang hindi ko pa alam ang gagawin. Ang tanga ko rin. Uuwi-uwi tapos tutunganga lang dito. Limang buwan. Five months pagkatapos nung pag-uusap namin ni Mia, yung nagkita kami, napag-isipan ko ng bumalik. Ganun katagal, kung iisipin ten months akong nawala o sobra pa. Alam ko ito yung dapat, marami pa akong naiwan dito. Marami pang hindi natapos n

