ONE year later. "This is from abroad Sir. Imported from Japan," kanina pa sa kaka-salestalk ang may-ari ng botanical boutique kay Tristan. Isa kasi siya sa mga nag-fund ng botique na ito for Operation Smile para sa mga bata. Si Celine rin ang nagpumilit na magbigay ng pondo para dito. "It's a nice tree," matipid niyang comment. "Yes Sir. You can put this indoors. Magiging memorable ito sa mga bisita," sabi ng saleslady. Naalala niya agad si Celine. The first time he brought her sa opisina niya, nag-suggest na agad ito ng indoor plant para malagyan naman daw ng buhay ang opisina niya. "Ito rin po, maganda rin po ito," turo naman ng saleslady sa iba pang halaman. "Yes, it's pretty. My wife will like it," naka-smile niyang sabi. Nagulat naman ang saleslady sa narinig. May asawa na si

