Celine's POV
IT'S been days simula nung tumira ako sa bahay ni Alex, hindi na nga kami lumalabas ng bahay. Hindi ko na rin nga napapansin. Namimiss ko na si Tristan. Oo, sinaktan niya ako, pero mahal niya kasi ako.
Maraming mali sa kanya, pero mahal ko siya.
Pero bakit ako umalis.
Simple lang naman kung iisipin talaga.
Ang katayuan niya. Ang taong nakapaligid sa kanya. Si Ericka.
Naawa ako kay Tristan, sobrang mahal na mahal ko siya. Hindi kami bagay.
Noong gabing umuwi ako at galit na galit siya at nangyari yung hindi dapat, pwede naman akong makatakas. Pwede naman akong gumawa ng paraan para hindi matuloy ang ginawa niya. Pero ayun, I stayed with him habang nagagalit siya.
Hindi ko yun pinagsisisihan, dahil galit lang siya. Hindi niya naman kasalanan.
Napasobra lang 'ata ang mga nasabi ng pesteng kapatid niya.
Gusto kong balikan si Tristan at magpaliwanag, saka namimiss ko na siya. Sobra.
Pero yun na rin siguro ang sign na kailangan ko na siyang layuan.
Masyado nang complicated.
Kung 'yun pa lang nakayanan nang gawin ni Ericka, paano na lang 'pag nag-stay pa ako dun sa bahay? Paano na si Tristan? Sasaktan ko lang siya ng paulit-ulit dahil sa mga paulit-ulit din na maling sumbong ni Ericka. Ayokong mahirapan siya. Ayokong lagi na lang niya akong iniisip.
"Are you okay?" Tinanong ako ni Alex na may dala pang juice. Malaki rin ang utang na loob ko sa lalaking 'to.
"Oo naman." Nginitian ko lang siya. Paulit-ulit na lang ang sinasabi ko.
"Kakausapin mo na ba siya?" Lagi niya na lang sinasabi sa'kin na kausapin ko daw si Tristan. Ayoko nga. It's either e-epal na naman yung pesteng Ericka na 'yun o hindi na talaga ako gustong makausap ni Tristan.
"Bakit? Paaalisin mo na ba ako?" tanong ko.
"Celine hah! Hindi nga. Dito ka na lang sa'kin kung gusto mo." Mga banat mo Alex. Oo nga pala, hindi naman talaga alam ni Alex ang mga nangyayari, pinagtatagpi niya na lang siguro ang mga story.
"Akala ko ba aalis ka papuntang London?" sabi ko. Feeling ko kasi hindi na 'to nagtatrabaho ehh.
"Uhmmm. Yep."
"So kailan?" Maiiwan pala ako dito.
"'Pag naka-get over ka na diyan sa drama mo, isasama kita."
"BAKIT?!" Isasama ako?
"I don't want you to stay here alone!" he said smugly.
"BAKIT?! Wala naman akong gagawin dun ehh, okay lang naman na maiwan ako dito tapos--"
"Will you shut up Celine? Isasama kita, gusto mong maiwan dito? Sino'ng kasama mo?" Tiningnan niya lang ako na parang ewan.
"Ano ba Alex! Wala akong panggastos." Hindi ako mag-eenjoy!!!
"Butter, who told you that you're going to spend a penny?" Mukha nito, parang lalaking kunsintidor...
"Tigilan mo nga ako Alex!"
"Oh baka naman, hindi mo siya maiwan?" Sino?
"Si Tristan?"
"Yep."
Kailangan siguro umalis na rin ako. Sasama na lang kaya ako kay Alex para makalimutan ko na rin si Tristan? Kalimot agad? 'Di ba pwedeng cease fire muna?
Basta!
Hindi ko pa alam ang gagawin ko sa ngayon!
"Oh, ano sama ka na?"
Hindi ko alam.
"GET out of my office now!" Sigaw ni Tristan sa secretary niya.
Since Celine left, lagi na lang siyang ganyan. Parang tulad ng dati, mainitin ang ulo, laging busy at subsob sa trabaho.
Nagmamadali namang umalis ang secretary niya at papasok naman sa office niya si Ericka.
"Kuya calm down, ang aga-aga pa."
Hindi lang siya pinansin ni Tristan.
Ganito ang ginagawa niya, pinapatay niya ang sarili niya simula nung umalis si Celine. Hindi niya matanggap na wala na siya, ni wala man lang tawag o kahit anong balita.
Ang huling sabi ni Ericka sa kanya, nasa bahay daw ni Alex si Celine sabay latag ng pictures na kuha ng mga spy niya.
Kaya mas lalo pang nagalit si Tristan.
Gusto niya mang makausap si Celine, paano? Nasa bakod siya ni Alex Fuentes.
"Kuya, let her go. She doesn't deserve you," ang sabi naman ni Ericka nang mapansin niyang tulala na naman si Tristan.
Iniisip niya na naman si Celine at alam yun ni Ericka kaya iniiwasan niyang mangyari yun.
Hindi lang siya kumikibo but deep inside him, he's looking for her--- her touch, her smell. Parang kailangan lahat yun ng sistema niya.
"S-sir?" pumasok sa office ang isa pa niyang secretary.
"What?" he snapped.
"Butler William is in line two, sir," sabi ng secretary at marahang sinara ang pinto.
Tumingin si Tristan sa kapatid niyang inuusisa ang palm tree na pinalagay ni Celine sa office ni Tristan dati.
"Ericka get out, I have a business to settle," he told his sister. Tinaasan lang siya ng kilay ni Ericka.
"Talaga kuya? Whatever," tapos naglakad na palabas.
Nang makita ni Tristan na wala na si Ericka, kinuha niya ang telepono at kinausap si Butler William.
"Where is she?" sabi niya sa kabilang linya.
"Tama po si Señorita Ericka, nasa bahay po siya ni Alex Fuentes, pero ayon po sa mga katulong nila, magkaibigan lang naman daw po sila at halos wala ngang ginagawa sa bahay...." Nakikinig lang si Tristan, pero at the back of his mind, alam niyang nagkakamali lang siya.
"....ayon din po sa mga nakausap ko, lagi na lang pong nagtatanong si Alex ng tungkol sa nangyari kay Miss Celine, hindi lang po namin masiguro kung tungkol po yun sa... sa inyo." he sighed. Hindi niya na alam ang iisipin niya, mas maganda siguro kung kakausapin niya na lang muna si Celine. Pero kaya niya kaya? Paano? Tama rin ba na kausapin niya si Celine?
And yes, he sent Butler William to look for Celine at kung ano na rin ang nangyayari sa kanya.
Ang tagal ko siyang hinanap, tapos isusuko ko na lang ba siya? Tangna! Akin yun ehh! Tapos iba lang ang makikinabang? Bayad sa hindi, akin yun.
Yan ang palagi niyang iniisip sa tuwing nag-iisa, everytime na naaalala niya si Celine. Ang mga ngiti niya, the way she made him smile like no woman did.
"Is that it?" tanong niya kay Butler William.
"May nasabi rin po sila tungkol sa unscheduled trip to London, hindi po namin alam kung kelan. Hindi rin nila alam kung kasama ba si Miss Celine." Mas nagulat si Tristan.
Aalis si Celine?
"Find some information about Celine's flight, and make it fast."
"Sige po."
He slumped back to his seat at nag-isip. Nag-aalala siya kung aalis nga ba si Celine, iiwan na ba talaga siya nito?
Hanggang doon na lang ba yun?
While he was occupied in his thoughts, kanina pa pala nakikinig si Ericka sa pag-uusap ni Tristan at Butler William. She was hiding sa likod ng door.
So ano na naman kayang pinaplano niya?