“YOU DON’T have to cook. Magpa-deliver na lang tayo.” Yllen Stacy pouted. “Sawa ka na ba sa mga luto ko?” Nasa kusina sila ng condo unit ni Eduardo nang Linggong iyon. Tinawagan siya ng binata at hiniling na magtungo siya roon. Masama raw ang pakiramdam nito at tila lalagnatin. Wala naman siyang kasama sa bahay kundi mga kawaksi kaya nagtungo na lang siya roon. Dumaan muna siya sa grocery upang mamili ng iluluto niya para dito. Niyakap siya ni Eduardo mula sa likuran. “Hindi naman. Ang sarap-sarap mo ngang magluto. Pero mas gusto kitang yakapin at lambingin.” Ibinaon nito ang mukha nito sa kanyang leeg at pinaghahalikan siya roon. She giggled. “Nakikiliti ako, Eduardo.” Lalo nitong pinaghahalikan ang kanyang leeg. Ang mga daliri nito ay kiniliti ang kanyang tagiliran. Hindi tuloy mapa

