SINIKAP ni Yllen Stacy na kumilos nang kaswal upang hindi makahalata ang mga kasama nila. Tila wala namang nakapansin sa nangyari sa kanila sa dagat kanina. Kung may nakita man ang mga ito ay hindi na marahil pinansin ng mga kaibigan nila. Nakikita niyang ganoon din ang ginagawa ni Eduardo. Hindi na sila gaanong naglapit. Nakipag-kuwentuhan sila sa ibang mga kasama nila. She was okay with him avoiding her. Hindi rin niya alam kung ano ang sasabihin niya sa binata. Alam niya na ito na ang umpisa ng lahat. Hindi man niya pinlano, narito na siya. Hindi man niya inasahan na mangyayari ang halik na iyon, masaya siya kahit pa nakakadama rin siya ng matinding kaba. In her mind, she knew what to do next. She knew it but she couldn’t bring herself to do it. Naroon na naman ang matinding pagnanai

