UMUULAN buong araw ngunit hindi iyon naging hadlang sa kasiyahan ng mga kaibigan ni Yllen Stacy. Tuwang-tuwa na naligo pa rin ang mga ito sa dagat maliban sa kanya. Nanatili siya sa bahay at naghanda ng mga pagkain ng mga kaibigan. Masaya siya sa ginagawa. Masaya siyang pagmasdan ang mga ito habang nagkakatuwaan. Masaya siya sa pagluluto ng mga pagkain. Tuwing nagluluto siya ay nawawaglit ang lahat ng problema sa kanyang isip. Sa katunayan, wala siyang ibang iniisip kundi ang mapasarap ang kanyang niluluto. Cooking relaxed her. Mas natutuwa si Yllen Stacy tuwing nasisimot ng mga kaibigan ang pagkaing kanyang inihanda. Natutuwa siya sa mga papuring naririnig. Sa bahay nila, mga kawaksi lang ang umuubos ng kanyang mga niluluto. Wala si Jericho upang ubusin ang lahat. Ang kanyang ama ay bih

