Mataas na ang sikat ng araw ng ako ay magising samantalang si Mylene naman ay masarap pa ang pagkakatulog mukhang napagod ito sa aming ginawa kagabi dahil nasulit talaga lalo't kaming dalawa na lang ang narito sa kampo. Pinagmasdan ko lang ang mahimbing niyang pagkakatulog hinawi ko pa ang buhok nito na tumatabon sa kanyang mukha, pinagmasadan ko ito ng malapitan hanggang naisipan ko itong halikan sa pisngi na kahit dumampi na ang aking labi ay hindi manlang ito nagising at para siyang mantika kung matulog. Napailing-iling na lang ako at tumayo na sa aking pagkakaupo sa kama naisipan ko na lang na maghanda ng aming almusal dahil tiyak kung matutuwa si Mylene paggising niya dahil sa effort na aking ginawa na aaminin kong minsan ko lang ito magagawa sa kanya dahil kahit noong una pa kamin

