REVENGE 5

1350 Words
("Alex pov) Katanghalian na nang magising ako ngunit nagtaka ako sa aking nakita dahil sa pagdilat ng aking mata ay may kakaiba akong napansin. Nagpalinga-linga ako sa paligid at hindi pamiliar sa akin ang lugar na ito nasa kubo ako ng araw na ito at napansin ko rin ang isang babaeng nakatalikod na abala sa paghahanda ng pagkain kaya naman nagtaka ako sa aking nasaksihan ngayon tapos nakahubad pa ang pantaas sa aking katawan, naisip ko tuloy na baka may kung ano nangyari sa amin dalawa ng babae ito kagabi kaya ganito ang itsura ko..." bulong ko sa aking sarili. Tumayo na ako sa aking kinahihigaan bigla akong nakaramdam ng kirot at napansin kong may sugat pala ako sa bandang balikat medyo nanghihina pa ang katawan ko at parang 'di ko kakayanin kapag pinilit ko pang tumayo, kaya nagdisisyon na lang ako manatili sa aking kinalalagyan ngayon hanggang maisipan kong kausapin ang babaeng nakikita ko na abala sa kaniyang ginagawa. "Nasaan ako? tanong ko sa babae, ngunit bigla itong lumapit bago pa man niya sagutin ang aking tanong. "Gising kana pala ginoo pagkakasabi ng babae. huwag ka monang tumayo dahil sariwa pa ang sugat mo," sambit nito. Nakatingin lang ako ng may konting pagnanasa sa babae. dahil sa angkin nitong kagandahan ay na aaninag ko sa kaniya ang mukha ng asawa ko. Malugod naman itong nagpakilala at ngumiti ng matamis sa akin. "Ako pala si Mylene nag-iisa akong anak ni kumander Berting ang pinuno ng kilusan ito," sambet ng dalaga. Kaagad ko naman inabot ang kaniyang malambot na mga palad at kasabay ay nagpakilala na rin ako. "Ako naman si Alex Guevara sabay halik ko sa kamay nito kahit ngayon pa lang kami nagkausap ay para bang anggaan ng loob ko sa kaniya, dahil na rin siguro sa subra sabik ko sa aking asawa kaya ko nagawa sa babaeng kaharap ko ang bagay na iyon. Nabigla naman ang dalaga sa aking ginawa nakita kong namula ang kaniyang maganda mukha tila nahiya ito sa akin at nagulat ngunit wala naman siyang imik. Mayamaya pa ay bigla na lang pumasok sa kubo ang isang lalaki na di pamilyar sa akin, siguro siya ang ama ng babae at kumander ng lahat ng naririto Dahil nakita niya na gising na ako kaya mabilis itong lumapit sa akin at nagkwento sa nangyari. "Alex gising kana pala nabalitaan ko ang nang-yari sa tatay mo at sa mag-ina mo nakikiramay ako sa kanila," turan niya sa akin Nagtaka ako at bakit niya ako kilala at ang mag-ina ko, wala na akong ibang inisip pa at nagpasalamat na lang ako. "Maraming salamat po pagbibigay galang ko rito sa lalaki. "Bago ang lahat ako nga pala si kumander Berting ako ang pinuno ng kilusan na ito anak ko itong si Mylen," sambit ni Mang Berting. "Ahhh ganoon po ba," sagot ko hanggang napatanong ako sa lalaking kaharap ko. "Anong ginagawa ko rito sa lugar na ito? At paano ako napunta dito? ang pagka-aalala ko ay nasa isa akong bar naalala ko rin na nakikipagbarilan pa ako sa mga lalaking nakaharap ko roon at natatandaan ko din doon ako nawalan ng malay dahil sa tinamaan ako ng bala," paliwanag ko kay Mang Berting. "Tama ka nga Alex, ganon nga ang nangyari at naroon kami ng mga tauhan ko sa bar na-iyon nasaksihan din namin ang lahat ng pangyayari ngunit ng matamaan ka ng baril at tuluyan bumagsak sa lupa ay pinag-utos ko sa tauhan ko na kunin ka at dalahin dito para gamotin, bago pa man dumating ang mga pulis ay nakalayo na kami sa lugar na iyon," tuloy-tuloy na letanya nito. "Ganon po ba muli na naman akong nagpasalamat sa lalaki. Maraming salamat po Mang Berting hayaan po ninyo kapag natuyo na ang sugat ko ay aalis na agad ako rito," paliwanag ko. "Alex okey lang naman sa akin kung dito ka mo na habang nagpapagaling ka, o kahit gumaling kana, makaka-asa ka rin na tutulungan ka namin sa mission mo para mabigyan hustisya ang pagkamatay ng pamilya mo. "So paano Alex maiiwan ko mo na kayo ng anak ko," sambet ni Mang Berting. Ka agad naman itong umalis at nagtungo sa kaniyang mga tauhan. Napansin ko naman nakatingin sa akin si Mylene na tila ay nag-aalala sa aking kalagayan ang ganda ng imahe ng kaniyang mukha at napaka sexy pa ng kaniyang katawan. Sa takbo ng aking isipan ay para bang gusto kung makilala namin ang isa't isa. Mayamaya pa ay nagpaalam na ito sa akin. Maiiwan mo na kita Alex magpahinga ka mo na rito, para naman mabilis gumaling ang sugat mo. Matulin lumipas ang buong maghapon at buong magdamag sariwa na rin ang natamo kong sugat. Sa aking paggising sa 'di kalayuan ay natanaw ko ang mga nagtipon-tipon na mga kalalakihan at sa gitna nila ay naroon si Mang Berting. Marahan naman ako lumapit rito na pahingkod-hikod at medyo iniinda pa ang aking sugat. Nang tuluyan na ako makalapit ay narinig ko ang kanilang pag-uusap. Malakas ang pagsasalita ni Mang Berting sa mga lalaking nasa harapan niya. "Pinatawag ko kayo lahat dito. para sabihin sa inyo na kailangan natin maghanda, tiyak na pupuntahan tayo ng mga kalaban sapagkat nasa kampo natin si Alex kinakailangan natin magpalakas pa at magsanay na rin," narinig ko na sabi ni Mang Berting. "Tiyak na madadamay tayo Mang Berting sa laban ni Alex wika ng isang lalaki na tila ay natatakot sa magaganap. "Kahit ano pa man ay kinakailangan na natin lumaban kapag magaling na si Alex ay uutusan ko ang iba kong tauhan para tugisin ang mga taohan ni governor kailangan nilang magbayad sa pagkamatay ng kaibigan kong si Teban ang ama ni Alex," paliwanag ni Mang Berting sa mga tauhan niya. Natuwa naman ako sa aking narinig kampante na ako na may tutulong sa akin sa laban ko para ipaghiganti ang aking pamilya. Ma-maya pa ay nagsi-alisan na ang mga tauhan nito at kanya-kanya nang bumalik sa kanilang mga pwesto. Nakita ko naman mag-isa na lang si Mang Berting na tila ay malalim ang kaniyang iniisip. Lumapit naman ako sa kaniya at napatingin siya sa akin. "Ikaw pala Alex bakit ka naparito? kamusta na ang sugat mo?" maikling tanong nito sa akin. "Magaling na po Mang Berting konting araw na lang po ay pwede na ulet akong lumaban hindi pwedeng magtago na lang ako rito habang nagsasaya pa ang mga pumatay sa pamilya ko," tuloy-tuloy na paliwanag ko rito. "Alam ko naman iyon Alex hindi ko naman hahandlangan ang paghihiganti mo. masakit ang mawalan ng mahal sa buhay, lalo na ang pinakamamahal mo. "Ang sa akin lang Alex ay magpagaling ka mo na magpalakas ka magsanay ka dahil makapal na pader ang babangain mo. At hindi mo ito kakayanin mag-isa paliwanag nito sa akin. Napailing na lang ako at tumahik ako at nagisip-isip mukhang tama nga si Mang Berting tiyak ay mahihirapan pa ako harapin mag-isa ang kalaban ko lalo na't si Governor ito. Natapos na kami mag-usap sa isa't isa at nagpaalam na rin sa akin si Mang Berting saka tumalikod. ka agad naman ako bumalik sa aking higaan pagpasok ko ng kubo nadatnan kung naroon si Mylene tila ay naghihintay sa akin. "Mylene, kanina kapa ba rito?" maikling tanong ko sa dalaga. Ka agad naman itong sumagot. "Kakarating ko lang Alex ngunit nag-alala ako sayo ng makita ko wala ka sa higaan mo hindi pa kasi magaling ang iyong sugat kaya kinakailangan mo pang magpagaling ng husto," paliwanag nito. Tiningnan ko naman ito ng matagal sa kaniyang mga mata naramdaman ko talaga ang pag-aalala niya sa akin. Hinawakan ko ito sa kaniyang mukha napakalambot ng mukha niya, ngunit ang dalaga naman ay nahihiya at umiiwas ng tingin sa akin. Habang hawak ko pa rin ang kaniyang mukha at unti-unti ko nilalapit ang aking mga labi sa kaniya na may konting pagkakasabik akong nararamdaman, dahilan para mahalikan ko ang babae. Subalit bago paman mangyari ang dapat mang-yari ay bigla na lang itong tumakbo palabas ng kubo, na tila natakot ang dalaga sa aking nagawa. Pinagmasdan ko lang ang patuloy niyang paglayo. hanggang sa nagdisisyon na ako para magpahinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD