Maaga akong nagising nang marinig ko ang tahol ng mga alagang aso rito, Napansin ko rin na medyo madilim pa ang paligid, nakita ko sa kanila na para bang sila ay takot na takot hanggang ang iba kalapit bahay ko ay nagising na na rin at mayamaya pa ay napansin kong lumabas ng kaniyang kubo si Mang Berting.
Palinga-linga ito sa paligid hinahanap kong anong dahilan ng pag-iingay ng mga aso.
Hanggang sa 'di kalayuan ay nakita ko ang maraming ilaw ng flashlight na lumabas sa madalim na bahagi ng lugar tila ay patungo sa kubo ng Mang Berting.
Mabilis naman silang sinalubong ng mga tauhan ni Mang Berting na maaga rin nagising dahil sa ingay ng mga alaga nilang aso.
Mayamaya pa ay narinig kong tinawag ang pangalan ni Mang Berting habang papalapit sila sa tirahan nito.
"Kumander Berting malakas na tawag ng isang lalaki na mukhang excited ito at masaya sa pagdating ng mga bisita.
"Maganda umaga kumander Berting bungad na sabi ng lalaking tila siya ang namumuno sa grupo ng tuluyan itong makapalit sa harapan ni kumander.
"Kinakailangan natin mag-usap kumander Berting," sambit nito na may malaking kailangan kay Mang Berting.
Sumagot naman ang si kumander ano iyon pag-uusapan natin? at bakit naparito ka kumander cobra?" tanong ni Mang Berting.
"Naparito ako para sabihin sa 'yo ang masamang balita na dapat nating solosyonan," sambit ni kumander cobra.
"Ano iyon? masamang balita na 'yan kumander cobra?" tanong ni Mang Berting.
"Ipapa-alam ko lang sa 'yo kumander Berting na hindi pa rin tumutigil ang mga tauhan ni Governor sa pagtatangka nilang angkinin ang lupain nating mahihirap sa bandang silangan," sambit nito.
Napansin ko naman ang pagkagalit sa mukha ni Mang Berting sa narinig tungkol sa lalaking kausap niya.
"Ang lalakas talaga ng loob ng mga yon ilang beses na nila ginagawa iyan, ngunit hindi sila nagtatagumpay kelan kaya sila madadala,
siguro ay kailangan pang maraming mamatay at umagos ng dugo sa lupaing iyon," paliwanag nito sa kausap niyang lalaki.
"Ano ang pwede natin gawin Mang Berting, hahayaan na lang ba natin sila na patuloy na sakupin ang lupain na iyon na ngayon ay tinitirikan ng mga bahay nang kapwa natin mamamayan," sambit ni cobra.
"Hayaan mo at ako na ang bahala sa kanila sa ngayon ay pagplanohan mo na namin lahat ng mga tauhan ko ang pwede namin gawin," sagot ni Mang Berting.
Napailing-iling na lang si kumander cobra hanggang ilang sandali pa ay natapos na ang kanilang pag-uusap, bago pa tuluyan magpaalam sa isa't isa ay pinakilala ako ni Mang Berting sa kaniyang mga bisita.
"Si Alex nga pala kumander cobra bago ko makalimutan pagpapakilala niya sa aking pangalan.
"Dati siyang sundalo pinatay ng mga tauhan ni Governor ang buong pamilya niya, kaya siya naririto para paghandaa ang paghihiganti niya sa mga taong may atraso sa kaniya," sambit ni Mang Berting.
Sabay abot ko ng kamay sa laki at nakipagkamay akong nakangiti, may iniwan naman itong salita bago pa man sila tuluyan magpaalam at umalis sa lugar.
"Kinagagalak kitang makilala Alex, huwag kang mag-alala dahil kakampi mo kami Alex ang kaibigan ni kumander Berting ay kaibigan ko rin darating kami ng mga tauhan ko sa oras ng pangangailangan, kaya magsabi ka lang kung kailangan mo ang tulong namin dahil sasamahan ka namin sa guerang ito sa paghihiganti mo kay Governor," paliwanag ng lalaki.
Tumago-tango lang ako at nagpasalamat hanggang sa magpaalam na ito kay Mang Berting.
"Kumander Berting mauuna na kami, aasahan ko ang magagawa mo para matigil na ang kasamaan ginagawa ng mga tauhan ni Governor sa mga mamamayan natin," sambit nito.
"Sige kumander cobra ako na ang bahala at mag-iingat kayo hanggang sa muli nating pagkikita," sagot ni Mang Berting.
Tuluyan na nga umalis ang grupo ni kumander cobra at mabilis din itong nalakayo sa lugar.
Hanggang sa dumating na nga ang pagsikat ng araw ang sugat ko sa aking katawan ay unti-unti naring natutuyo ilang araw na lang handa na ako sa pagsasanay na muling papagawa sakin ni Mang Berting.
Kinakailangan ko magpalakas maging magaling para mas madali kong maipaghiganti ang pamilya ko, kapag 'di ako kumilos marami pang tao ang mabibiktima ng Governor na yon.
Bumalik na ako sa kubo na tinutuluyan ko pagpasok ko sa pinto ay nagpahinga na ako humiga akong muli sa higaan ko hanggang sa makaramdam ako ng gutom. Tumayo naman ako sa pagkakahiga ko at sakto ang dating ni Mylene na may dalang lutong ulam kaya naman natuwa ako.
"Kumain kana Alex kamusta ang pakiramdam mo? Nakita ko kanina na maaga kang nagising at kausap mo ang mga lalaking dumating mabuti naman at nakilala mo na si kumander cobra," sambit ni Mylene.
"Oo nga Mylene maaga nga akong nagising kanina dahil sa subra ingay ng tahol ng mga aso kaya nabulabog ang tulog ko," sagot ko sa babae.
"Siguro parang mantika ka matulog kaya 'di ka manlang nakamalay at nagising sa tahol ng mga aso dahil mukhang kakagising mo lang dahil may muta kapa oh," pabirong sabi ko sa dalaga.
Tumaas naman ang kilay ng babae at sinungitan ako. Anong mantika kung matulog na pinagsasabi mo malamig kasi kaya subrang sarap ng pagkatulong ko," sagot nito.
Tumawa naman ako at nag-isip na naman ako ng kalokohang sasabihin sa babae.
"Mas masarap matulog kung may kayap Mylene, lalo't kung ako ang katabi mo," pabirong sabi ko muli sa babae.
Napansin ko naman na tumahimik ito at namula ang mukha dahil sa sinabi ko.
"Biro lang iyon Mylene," bakit matahimik ka? Tara at kumain na tayo mukhang masarap ang ulam na dala mo," sambit ko.
"Mabuti pa nga baka nagugutom ka lang kaya kong ano-ano na ang tumatakbo sa utak mo," masungit na sagot nito.
Ka agad kaming nagtungo dalawa sa kusina para kumain umupo naman ako sa hapag kainan at pinaghain niya ako ng makakain.
pinagmasdan ko lang ang dalaga, dahil naalala ko ang aking namatay na asawa sa ginagawa niyang pag-iintindi sa akin na tila ay parang kasama ko lang siya ngayon sa katauhan ni Mylene.
Nagsimula na nga kaming kumain dalawa ni Mylene tahimik lang ang dalaga habang abala sa kaniyang pagkain nakatingin lang ako rito at pinagmamasdan ko lang ang maganda nitong mukha ng palihim.
Hanggang sa magsalita ako at kausapin siya at humingi ng tawad sa nagawa ko sa kaniya kahapon.
"Bakit tahimik mo? tanong ko rito.
"Pasensya na nga pala Mylene sa nagawa kong paghalik sa labi mo nabigla lang ako at umiral ang pagkasabik ko sa aking asawa," sambit ko.
"Ahmmm--- okay lang iyon Alex maikling sagot nito, habang nakayuko ito ng bahagya.
"Talaga Mylene, okay lang yong ginawa ko paghalik sa labi mo siguro ay nasarapan ka?" pabirong tanong ko.
Kumunot naman ang noo ng babae at nakatingin lang ng matalim sa mukha ko.
"Ubusin mo na nga ang kinakain mo dahil mamaya ay magsasanay na kayo ng aking ama," sambit nito.
Dali-dali konang inubos ang pagkain ko, hanggang sa magpaalam na rin si Mylene para bumalik na kaniyang kubo.
"Maiiwan na mo na kita Alex dahil may mga kailangan pa akong gawin sa bahay ko, ilagay mo lang ang ang pinagkainan mo diyan at ako na maghuhugas pagbalik ko," turan nito.
"Sige Mylene mag-iingat ka, maraming salamat sa masarap na pagkain," anas ko.
Tuluyan nanga umalis sa bahay ko si Mylene at pinagmasdan ko lang ang sexy niyang katawan na unti-unting naglalaho sa aking paningin.
Nakatambay lang ako sa bakanteng upuan na nasa labas ng kubo ko tinuluyan hanggang sa lapitan ako ni Mang Berting.
"Alex mukhang nag-iisa ka nasaan ang aking anak na si Mylene? nagsabi siya sa akin na magdadala siya ng ulam rito kanina," sambit nito.
"Kakaalis lang po Mang Berting nagpaalam siya sa akin na pupunta siya sa kubo niya at may mga dapat pa siyang gawin," sagot ko.
"Ahmmm---ganon ba Alex mabuti naman kung ganon.
"Handa kana ba para muling mag sanay Alex?" tanong nito.
"Siguro naman po ay kaya na ng katawan ko lalo't magaling na ang sugat ko tinamaan ng bala, kailangan kong maging mahusay muli sa paggamit ng baril dahil ilang taon na rin akong 'di nakakahawak ng husto nito, mula ng talikoran ko ang tungkulin ko bilang isang sundalo at paliin ang masayang pamumuhay kasama ng mag-ina ko," tuloy-tuloy na letanya ko.
"Okay---kung ganon Alex ay sumunod ka sa akin dahil sasanayin kita sa mabilis na pagbunot ng baril at paggamit nito ng mabilisan lalo't kung nasa harap mo na ang mga kalaban mo.
Sumunod lang ako kay Mang Berting kung saan siya magpunta hanggang sa makarating kami sa firing area kung saan naroon din nagsasanay ang ibang tauhan nito.
Hinayaan lang mo na ako ng mang Berting na manood sa nagpapaligsahan sa pagasinta ng target at bilis ng pagbunot ng baril.
Napansin ko naman na lahat sila ay asintado sa pagbaril ng target hanggang sa ako naman ang pinasubok ni Mang Berting.
Binigyan ako nito ng baril ang magnom 357 at ka agad kong sinuksok sa kaliwang bahagi ng hita ko.
Sa bandang kaliwa ko naman ay nakapwesto din ang kalaban ko tumingin ito sa akin at ngumiti pa ng nakakaloko.
Tingnan natin ang galing mo Alex," sambit ng lalaki.
Nakaporma nakaming dalawa at naghintay ng bilang ni Mang Berting. 1...2...3 sabay mabilis kong bunot ng baril ngunit nauna parin ang kalaban ko saka inasinta ang target niya kasabay ng pagasinta ko din sa target ko.
Umiling-iling ng makita ko ang Mukha ni Mang Berting mukhang nadismaya ito dahil nakasimangot at mukhang seryoso siguro dahil sa pinakita ko, na pakalayo pa ng tama ng asita ko kaya ganon na lang reaksyon ng kanyang mukha. Kaya naman tinawanan lang ako ng lalaking kalaban ko.
"Ano ba naman iyan Alex parang ngayon ka lang humawak ng baril ang bagal mo bumunot at tingnan mo napakalayo pa ng tama mo sa target sundalo kaba talaga?" nakangising tanong nito.
Hinayaan ko lang ang pagyayabang ng lalaki dahil alam kong mamaya ay mapapahiya ito sa lahat ng narito sa gagawin kong kakaiba.
Naghanda akong muli at nagfucos na lang naghintay akong marinig ang bilang ni Mang Berting 1..2..3 go.."
Mabilis kong binunot ang baril at hinigis kopa ito sa itaas nagpaikot ikot ng ilang beses bago tuluyan bumagsak sa kamay ko saka inasinta ko ang target, nang laki ang mata ng mga nanonood dahil sa ginawa ko at gitnang-gitna pa ang tama ng target ko.
Nakita ko naman ngumiti si Mang Berting kasabay ng hiyawan ng mga tao sa paligid.
"Ano kaya moba iyon?" tanong ko sa lalaki wala itong imik habang nakatunganga lang at napahiya sa mga kasamahan niya. hanggang lapitan ako ni Mang Berting at pinuri sa kanyang nasaksihan.