Kasalukuyan kaming naglalakad ng mga kasama ko pababa ng bundok, hanggang may marinig kaming mga sasakyan na paakyat ng bundok, napansin ko na mga sasakyan ito ng mga sundalo at kung hindi ako nagkamali limang batalion sila, hindi ko alam kung saan sila pupunta kaya naman malayo pa lang sila ay tumago na kami ng aking mga kasama, sigurado kapag makita kami tiyak na mapapalaban kaming apat at baka hindi kami makapunta ng bayan. Tahimik lang kami ng mga kasama ko na nakatago sa bawat puno, habang pinagmamasdan namin ang paglayo ng mga dumaan sasakyan sakay ang napakaraming sundalo na akala mo'y pupunta ng gera. "Ano po ang masasabi mo sir Alex, saan kaya pupunta ang mga sasakyan na iyon? bakit ang dami nila, natatakot ako na baka patungo ito sa ating kampo, kaya dapat ipagbigay alam ko ag

