"ATE NK?!" sa halip na intindihin ang malamig na tingin ng kapatid, mas napansin kaagad ni Violet ang presensiya ni Kareene. Alas sais na ng umaga nang maggawa ni Red ang kotse niya. Niyaya siya nito na sumunod sa pagsundo nito sa bunsong kapatid sa bahay bakasyunan na pagmamay-ari ng pamilya ng boyfriend na si Louie. "K-kumusta ka na?" niyakap ni Kareene si Violet. Na-miss niya ang babae. "I'm great, you should know I am. I am with Louie all the time..." sagot ni Violet. "P-pero bakit magkasama kayo ni Kuya?" Tumingin si Kareene kay Red. Madilim na madilim ang mukha nito. Halatang galit. Hindi siya nagsalita dahil dapat ay si Red ang magpaliwanag noon. Nabaling ang atensyon ni Violet sa kapatid. Tumingin rin ito sa boyfriend na ngayon ay namumutla. Mukhang natatakot ito sa pr

