KAHIT mas makakasama ay malapit na naman na mapaiyak si Kareene nang tumingin siya sa salamin. Maitim ang ibabang bahagi ng mata niya. Gaano man niya pagtakpan ng concealer, halata pa rin. Naiinis na siya. Pero hindi naman niya mapigilan ang kanyang mga luha. May kailangan bang sisihin si Kareene bukod sa sarili niya? May isang bahagi ng kanyang isip na nagsasabi na oo. Pero kung pag-iisipan nang husto ang lahat, mas malaki ang sisi sa kanya. Napakarami niyang dahilan para layuan si Red. Pero sa halip, pinanguna niya ang bahagi na gustong-gusto ang lalaki. Bukod sa kanyang dangal, pakiramdam niya ay nawala rin ang tamang pag-iisip niya. Paano ba niya kasi naggawang patulan ang isang taong sinaktan na nga siya? Hindi ba niya naisip na dahil nasaktan na siya nito ay magagawa rin

