The thing about the people we've met in the past is either they come back or they don't. Kapag bumalik sila, are they still the same people we know or nagbago na ba sila? The same pa rin ba silang tumingin o iba na? The same pa rin ba nila tayong tratuhin o iba na? At para naman sa mga taong hindi na bumalik, kumusta na kaya sila? Are they still the same? How well are they doing in their lives? May balak pa ba silang bumalik?
"Kanina pa kita hinihintay, sir," rinig na rinig ko ang excitement sa tono ng pananalita ni Max.
Hindi ko rin maikaka-ila na nahawa na ako sa lapad ng ngiti niya. Magkatinginan lang kami sa mga mata namin.
"Ako?" naituro ko pa ang sarili ko para makasigurado.
"Oo," sagot niya. Napansin ko ang mabilis na paglipat ng eyeball niya sa bandang likuran ko. May tiningnan siya pero ibinalik agad niya ang tingin niya sa akin.
Naalala ko si Dino. Nakasunod nga pala siya sa akin kanina. Hindi malabong siya ang tiningnan ni Max. Bakit kasi nand'yan pa 'yang gago na 'yan, e?
"Ahh, tara sa loob," humakbang na ako papasok sa school.
"May klase ka ba ngayong hapon?" Humawak si Max sa braso ko para pigilan ako habang nakatingin siya sa wristwatch niya.
"Mayro'n, e," agad kong sagot. Pinagtitinginan kami ng mga estudyanteng pumapasok sa loob ng school, lalo na ang mga estudyante ko na minsa'y nakikipagbiruan sa akin dahil sa pagiging single ko. Ang iintriga ng mga tingin nila, ha.
"Anong oras ang uwian mo?" tanong pa niya.
"Sir San Miguel! Nand'yan ka na pala!" Sabay kaming lumingon ni Max sa loob ng gate ng school, si madam principal. "Kanina ka pa namin hinihintay ni Zandro."
At nakita ko nga si Zandro. Ibang-iba ang postura niya kumpara sa huling beses ko siyang nakita noong high school kami. Ngumiti naman siya. Magkasama sila ni ma'am, sa lagay nila ay mukhang galing sila sa second floor ng building na malapit dito sa gate ng school.
"And Max, nand'yan ka rin pala," bati ni ma'am kay Max. "Join us, halikayo." Pumasok si ma'am at Zandro sa faculty room.
Nagkatinginan kami ni Max. Wala kaming ibang nagawa kundi ang pumasok na sa loob ng school. At si Dino? Hindi ko alam kung ano nang nangyari sa kanya. Sinabi naman kasing wala siyang mapapala sa akin, e.
"Bakit ka hinahanap ni Zandro?" tanong ni Max habang naglalakad kami.
"Kinukuha niya kasi akong singer para sa restaurant niya, 'yung Trinidad At Mendiola."
"Pumayag ka naman?" Parang may tampo sa pananalita ni Max. Parang ganito rin noong high school kami, a.
"Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang desisyon ko," sagot ko. Malapit na kami sa faculty room.
"Pumayag ka na. Crush mo rin naman siya noong high school tayo, e."
Loko-loko talaga 'to si Max.
Hindi na ako naka-rebat sa sinabi niya dahil tuluyan na kaming nakapasok sa loob ng faculty room. Nagmano agad si Max sa mga teachers na nandito dahil mga teachers din namin sila noong high school, may ilan lang na nabago, katulad ko.
"Take your seat, Mr. San Miguel," umupo kami sa mga upuan sa center table.
Hindi naalis ang tingin ko kay Zandro. Una, dahil magkatapat kami ng upuan ngayon, at pangalawa ay dahil sa hindi ko siya makilala sa Zandro na kilala ko.
Mukha siyang respetado ngayon kahit naka-poloshirt lang siya. Hindi nakataas ang buhok niya katulad ng lagi niyang hairstyle noong high school kami. Hindi rin tadtad ng bracelet ang pulso niya hindi katulad noon. Simpleng relo lang ang suot niya ngayon na halatang mamahalin. Mukha siyang mabango ngayon at ang pabangong gamit niya ay siguradong ang pabango ng mga mayayamang bachelor sa TV. Hindi katulad noon na parang naligo siya sa pabango na nabili lang niya sa kung saan. Hindi ito ang Zandro na kilala ko.
"Nabasa mo na ba ang letter?" tanong sa akin ni ma'am.
"Y...yes po," na-uutal kong sagot. Kay Zandro pa rin ako nakatingin ngayon. Mabuti na lang at hindi siya nakatingin sa akin.
"So? Tinatanggap mo ba?" tumingin sa akin si Zandro. Nakangiti siya. Agad akong umiwas. Sa pag-iwas ko naman ay kay Max ako napatingin at sa isang iglap, may naalala ako na ganito ring eksena noon.
*FLASHBACK*
"Hindi ba talaga kayo magsasalita!?" Mataas na ang boses ni ma'am Lavarez ngayon sa amin. Gusto ko nang umiyak dahil sa takot pero hindi ko magawa. Hindi pwede dahil baka ako ang pag-initan ni ma'am.
Nandito kami ngayon sa center table ng faculty room, napapagalitan dahil sa kasalanan ng isang tao.
Alam kong masama ang loob ko at alam ko rin kung kanino. Kay Zandro.
Tiningnan ko siya.
Kahit talaga napapagalitan na, feeling pogi pa rin ang lalaking 'to. Sa hitsura niya ngayon, parang proud pa siya sa ginawa niya. Parang 'yung mga bracelets sa pulso niya ngayon na pagkadami-dami, hindi naman bagay sa uniform ng school namin. Pataas-taas pa siya ng buhok niya. Feeling niya cool siya ro'n. Naku, hindi. Mukha kaya siyang hindi naliligo dahil never namin nakitang basa at nakababa ang buhok niya. At kung naliligo man siya, siguradong sa pabango niya 'yun!
Ayoko ng ganitong feeling pero hindi ko naman maiwasan. Naiinis kasi talaga ako.
"Ibarra," tawag ni ma'am Lavarez kay Max. Napatingin ako sa kanya. Alam kong hindi niya gusto na nandito siya sa sitwasyon na 'to ngayon.
"Si Zandro po kasi," sagot ni Max.
"Anong ako? E ikaw itong..." agad na singit ni Zandro.
"Trinidad! Mamaya ka sumabat," pinutol ni ma'am Lavarez ang sasabihin ni Zandro. "Tuloy mo, Max."
"Bigla na lang po akong sinuntok ni Zandro. Kausap ko lang naman po si Simone."
"Bakit mo naman sinuntok si Max?" Nakatingin si ma'am kay Zandro.
"E kasi, ma'am, hindi umayos 'yang si Max. Nililigawan niya si Tina pero nakikipaglandian siya rito sa baklang 'to," sagot ni Zandro.
Napatingin ako kay ma'am Lavarez. Napaka-walang kwenta ng dahilan ni Zandro. Nahihiya tuloy ako kay ma'am. Baka isipin niya na sumasawsaw ako sa mga ganitong bagay. At isa pa, nakakahiya rin dahil baka isipin niyang inuuna ko ito kaysa sa aking pag-aaral.
"O? Bakit ka nga naman nakikipaglandian kay Simone kung nililigawan mo si Tina?" tanong ni ma'am kay Max.
Hindi ko gusto 'yung salitang nakikipaglandian. Hindi maganda. Ano na lang iisipin nilang lahat? 2nd year pa lang ako tapos ang landi-landi ko na?
"Hindi naman po kasi ako nakikipaglandian kay Simone. Magkasama lang naman po kami at nag-uusap," rinig ko sa boses ni Max ang inis. "Hindi ko rin naman po nililigawan si Tina."
Parang biglang umaliwalas ang paligid ko. Tama ba ang narinig ko? Hindi nakikipagligawan si Max kay Tina?
"E bakit madalas din kayong magkasama ni Tina?" usisa ni ma'am.
"Kasama lang po, pero hindi po ako nanliligaw," sagot ni Max. "No'ng first year lang po kami, pero ngayon po, hindi na."
Hindi naman pala nanliligaw si Max kay Tina, e. Kung hindi, bakit lagi silang magkasama? Hinahatid pa ni Max dati si Tina sa bahay nila. Hay! Ang g**o naman ni Max. Parang sa akin: minsan bati kami, madalas hindi. Minsan tuloy gusto ko nang maniwala sa sinasabi ng ilan naming kaklase na may kalandian din ito si Max kaya gano'n siya.
"E? Sabi ni Tina nililigawan mo raw siya," si Zandro.
"Bakit mo naman sinuntok 'to? Kasi akala mo niloloko niya si Tina?" tanong ni ma'am kay Zandro.
"Opo. Ayoko po kasing niloloko ang taong mahal ko," diretsong sagot ni Zandro.
Ganito na ba siya kapresko? Hindi ba siya nahihiya? Grabe talaga 'tong lalaki na 'to! Palibhasa, alam niyang pogi siya.
"At ikaw, Simone? Ano? Nadamay lang?" tanong sakin ni ma'am.
"Opo," si Max ang sumagot. "Wala po siyang kasalanan dito."
Gusto ko nang ngumiti pero huwag muna. Hindi maganda kung dito pa ako kikiligin.
Nang maayos ang alitan sa pagitan ng dalawa ay pinaalis na kami ni ma'am Lavarez. Mabuti na lang at hindi na kami dinala sa guidance counselor. Pero kung sa bagay, hindi naman ako mabibigyan ng record, magiging testigo lang ako dahil hindi naman ako nakipagsuntukan.
"Okay lang 'yung tyan mo?" tanong ko kay Max habang naglalakad kami pabalik sa room namin. Late na kami sa klase.
"Okay lang," sagot niya. "Hindi naman malakas sumuntok 'yun si Zandro. Akala mo lang kung sinong malakas. Bulok nga 'yun sa basketball."
Naiinis pa rin si Max.
"Sabi ko na, e, labas sa ilong 'yung pagbabati niyo kanina."
"Alangan namang makipagbati talaga ako? Ang sama kaya ng ugali no'n. Akala mo kung sinong pogi," umuusok ang ilong niya sa galit. Natatawa naman ako. Parehas kaming inis sa Zandro na 'yun.
"Baka naman sabihin mo sa kanya na galit pa rin ako. Baka mamaya, i-text mo 'yun, sabihin mo pang hindi malakas ang suntok niya."
"Bakit ko naman siya ite-text?" pagtataka ko.
"Crush mo rin 'yun, a."
"Ha!? Hindi, 'no? Bakit naman ako magkaka-crush do'n? E ang yabang yabang no'n," sagot ko. "Mas mayabang pa 'yun kaysa sa'yo."
"Sus, kung titigan mo nga 'yun kanina, e," pagpupumilit pa rin niya.
"Hindi ko siya tinitigan, tiningnan lang."
"O! Kita mo na, crush mo talaga 'yun."
Hay! Baluga yata ang Max na 'to. Pinagpipilitan pa niya. 'Yung kaibigan no'ng si Lucas, pwede pang crush ko, pero si Zandro? Naku!
"Bahala ka, sinabing hindi," sagot ko.
"Bahala ka rin. Magkaka-crush ka na nga lang, sa pangkal pang mag-basketball at sumuntok."
Hindi na ako nakasagot sa sinabi ni Max dahil pumasok na kami sa classroom kung saan nagsisimula na ang klase.
Bakit ba gano'n siya kung umasta? Siguro nagseselos 'yun.
Hay, ewan! Ayokong isipin na baka kaya siya nagseselos ay dahil baka gusto na niya ako. Di'ba, hindi naman na niya nililigawan si Tina? So baka gusto na ako ni Max?
Hay, grabe! Masyado akong ilusyunada ngayon.
Pinilit ko na lang makinig sa klase namin kahit medyo hindi ko maintindihan. Hindi nagtagal ay lunch break na.
"Ang tagal mo," unang bati ko kay Riz. Kanina ko pa kasi siya hinihintay dito sa bench sa covered court. Sabi niya kasi kakain lang daw siya sandali sa bahay nila at papasok na.
"E pinaghugas pa ako ng pinggan," sagot niya. "Si Sasha?"
"Nand'yan na rin siya," tinuro ko si Sasha na naglalakad papunta sa pwesto namin.
Umupo si Riz sa tabi ko. Nang makalapit na sa amin si Sasha ay umupo rin siya sa tabi ko, napapaggitnaan nila ako.
"So anong gagawin natin sa project?" tanong ko sa kanila.
"Ahhh..."
Napatigil kaming tatlo nang makita ang ilang boys ng 3rd year na naglalakad papunta rito sa covered court. May dalang bola si Zandro. Maglalaro yata sila ng basketball.
Nagsimula na silang maglaro. Kahit alam naming lahat na bawal mag-basketball kapag lunch time ay naglaro pa rin sila. Occupied nila ang buong court kaya naman napilitan ang ilang mga bata na naglalaro ng habulan na umalis. Isa lang sa mga 3rd year na naririto ang hindi naglalaro — si Lucas.
Nakakunot ang noo ko habang nakatingin kay Zandro. Nakataas pa rin ang buhok niya habang feel na feel na tumatakbo. Pinipilit niya ang teammates niya na ipasa sa kanya ang bola ng paulit-ulit. Nang ipinasa nga iyon sa kanya ay maliksi niya itong sinalo. Tumakbo siya habang nagdi-dribble. Inaagaw iyon sa kanya ng kalaban nila pero sinisiko niya ito. Nang makalapit sa ring nila ay ini-shoot niya ang bola. Sala. Hindi pumasok.
Pangkal ngang mag-basketball si Zandro.
"Panunuorin na lang ba natin sila?" tanong ko kay Riz at Sasha.
Tumawa naman sila ng sabay, nakitawa na rin ako.
"Ang galing talaga ni Norman mag-basketball," pinuri ni Riz ang pinakamagaling na player ng basketball sa 3rd Year.
"Yie, crush mo siya, 'no?" panloloko ko sa kanya.
"Ha? Hindi, a."
"Naku, Riz, huwag nang mag-deny," si Sasha naman.
"Sa tuwing may laro kaya 'yang si Norman, palagi mong pinapanuod. Hindi mo 'yan matatanggi sa amin," pahayag ko.
"Kaya nga, tapos naaalala mo no'ng bakasyon? Palagi kang nanunuod ng liga kapag maglalaro si Norman," si Sasha naman. Sayang at hindi ako nakakasama sa kanila kapag may liga ng basketball tuwing bakasyon. Palagi lang kasi akong nasa bahay.
"Oo na, oo na, crush ko si Norman. Pero secret lang nating tatlo 'yun, ha," pag-amin ni Riz. Namumula pa siya. "At saka, sino ba sa school natin ang walang crush sa 3rd Year? Halos lahat yata ng year level may crush sa kahit isang 3rd year."
"Kung sa bagay, si Sasha nga crush si Kiel, e," pagsang-ayon ko.
"Uy, hindi," natatawang sagot ni Sasha.
Hindi kami naniwala ni Riz.
"Huwag mo nang itanggi. Tatatlo-tatlo na lang tayo rito, ide-deny mo pa," si Riz. "Inamin ko na ngang may crush ako kay Norman."
"Sige, oo na, crush ko nga si Kiel," nakangiting nagtaklob si Sasha ng mukha. "Secret lang din natin, ha."
"Yes naman, umamin na siya," si Riz. "E ikaw, Simone? Sinong crush mo sa 3rd Year?"
"Ha? Wala?" sagot ko. Tumingin ako kay Lucas. Crush ko rin ba ang lalaking 'to?
"Si Zandro," bulong ni Sasha.
"HA!?" bulalas ko.
"Narinig ko si Max kanina, nagrereklamo, crush mo rin daw si Zandro," paliwanag ni Sasha.
"Naku, hindi. Bakit naman ako magkaka-crush do'n? E ang yabang yabang no'n."
"Si Max nga, may pagkamayabang din, inaaway ka pa, pero crush mo pa rin," pagkukumpara ni Riz.
"Pero hindi ko talaga crush si Zandro. Akala lang 'yun ni Max kanina. Palibhasa alam niyang maraming nagkakagusto sa Zandro na 'yan," napatingin ako kay Zandro. Ini-shoot ulit niya ang bola. This time, sala pa rin sa ring. Pangkal talaga.
"Kung hindi si Zandro ang crush mo sa 3rd Year, sino?" pangungulit pa rin nila.
"Hindi ko naman siya crush, pero nagagwapuhan ako sa kanya," sabi ko.
"Sino?"
Sasabihin ko na. Tutal sinabi naman nila kung sino ang mga crush nila. Isa pa, mapapagkatiwalaan ko naman ang dalawang ito. "Si Lucas, ang best friend ni Zandro." Lumipat ang tingin ko kay Lucas. Tahimik lang siyang nakaupo sa hagdan ng stage na kaharap nitong court. Tahimik na nanunuod ng basketball. Sa hitsura ni Lucas, mukha siyang naliligo araw-araw. Siya 'yung parang amoy gatas ang pawis. Hindi katulad ni Zandro na parang hindi pinapawisan at parang naglalakad na pabango. Tapos si Lucas din 'yung tipong gentleman at hindi ka paglalaruan, hindi katulad ni Zandro. Hindi rin mayabang si Lucas, alam ko 'yan, naririnig-rinig ko sa mga usapan ng mga 3rd year girls na may crush din sa kanya.
"Alam mo, sobrang tahimik daw niyan," bulgar ni Sasha. "Nakakatagal daw 'yan ng hindi nagsasalita sa buong maghapon. Maririnig lang daw 'yang magsalita kapag tinatanong ng teacher."
"Napagkamalan ko nga 'yang autistic no'ng una ko siyang makita, e," si Riz naman. "Para kasing may sariling mundo."
"Hindi naman siguro siya special child," defend ko sa akala ni Riz. "Malabong makipagkaibigan si Zandro sa special child."
"Iniisip ko rin ba 'yan," si Sasha. "Paano kaya naging magkaibigan si Zandro at Lucas? E magka-ibang magka-iba sila. Paano kaya sila nag-uusap?"
"Ewan," sagot ko.
"Sabi di'ba, opposite attract. Baka kaya nag-clique sila kasi magka-iba sila ng personality," si Riz naman.
"Siguro nga," sang-ayon ko.
"Simone, punta ka raw sa music room," napatingin kami kay Sasha na hawak ngayon ang cellphone niya. "Nag-text si Max, 'yun ang sabi. Pinatatawag ka raw ni sir Molina."
"Totoo?"
"Oo, ayan, o," pinakita sa akin ni Sasha ang text ni Max sa kanya.
"Sana nagte-text din sa akin si Max," nasabi ko na lang bago sila iwanan.
Do'n na lang din namin na-realize na wala pala kaming naplano para sa group project namin.
Nagulat ako nang makita si Max sa labas ng music room. Bumagal ang lakad ko. Hinihintay din ba niya ako?
Pero mas nagulat ako sa lalaking lumampas sa akin — si Lucas, may dala siyang gitara. Pupunta rin ba siya sa music room?
"Tagal na tagal nito, ayh," bungad ni Max sa akin. Ang sama rin ng tingin niya. Ano na naman kayang problema niya sa akin?
"Anong matagal? Pumunta kaya ako agad dito no'ng sabihin sa akin ni Sasha na nag-text ka sa kanya," paliwanag ko.
"Ang tagal mo. Anong oras na? Kanina ka pa hinihintay," bwelta pa ni Max.
"Hoy, wala pang three minutes 'yung nilakad ko. Paano ako naging matagal?" Itinaas ko pa ang kaliwang kilay ko sa kanya.
"Ewan sa'yo, pumasok ka na," sa ekspresyon ng mukha niya, parang galit nga siya. Loko-loko talaga 'tong mokong na 'to. Wala naman dapat ikagalit, nagagalit.
Papasok na sana ako sa loob ng music room pero...
"Tabi d'yan," tinabig ako ni Zandro dahilan para matumba ako. Nakita kong pumasok din siya sa loob ng music room.
Mabilis akong tumayo dahil alam ko namang hindi ako tutulungan ni Max.
"Loko 'yun, a," nakita ko si Max na parang susugurin niya ng away si Zandro. Agad ko siyang pinigilan.
"Max, huwag na," hinawakan ko pa ang braso niya. Ang init nito. "Baka ma-guidance ka na niyan. Hayaan mo na 'yun, pangkal ngang mag-basketball 'yun."
Kumalma si Max at inalis ang pagkakahawak ko sa braso niya. "Pangkal nga 'yun, parang ikaw."
Ngek?
Bakit nadamay ako? Akala ko ba magkakampi kami ni Max laban sa Zandro na 'yun? Hay!
Tiningnan ko ang pag-alis ni Max bago ako pumasok sa loob ng music room. Ang hirap talagang ispellingin ng lalaking 'yun.
"Tamang-tama, nand'yan na si Simone," saad ni sir Molina pagkapasok ko. "Upo ka na, Simone, para makapagsimula na tayo," tinuro ni sir ang bakanteng upuan sa tabi ni Lucas.
Ay? Seryoso? Sa tabi ni Lucas?
Wala na akong ibang nagawa kundi ang umupo rito. Nakatayo naman sa dadaanan ko si Zandro. Tiningnan niya ako ng masama. Problema rin nito?
"Sige na, Zandro, lumabas ka na, hindi ka naman kasali rito," pagtataboy ni sir Molina sa kanya. Mabuti nga.
Medyo tiningnan ko si Lucas sa tabi ko. Nakatungo lang siya. At hindi nga ako nagkamali, mabango siya. Amoy baby siya, hindi katulad no'ng kaibigan niya na amoy manloloko.
"Kung mapapansin niyo, you all have one thing in common," diretso ni sir Molina sa pagpapaliwanag niya. "You are all musicians."
Ako? Musician? Wow naman. Sarap naman no'n sa ears.
"Na-excuse ko na kayo sa mga klase niyo ngayong hapon para gawin ang isang importanteng assignment which is composing a song for our entry sa battle of the bands sa town fiesta natin next month. Remember, original song ang dapat i-present ng bawat participating schools, so dapat original din 'yung gawa niyo. You will be paired with someone to do this."
Wait. Totoo ba 'yung sinasabi ni sir? Ang bilis naman. Hindi ko yata ma-absorb.
"Simone and Lucas, kayo na ang partner..."
Ha? Lalong hindi ko na-absorb ang sinabi ni sir. Hindi ko na rin naintindihan ang mga kasunod niyang sinabi. Nang iwanan na niya kami sa music room ay doon na lang ulit ako bumalik sa senses ko.
Tiningnan ko si Lucas.
Partner daw kami. Pero paano ko naman kaya siya kakausapin tungkol sa bagay na pinapagawa sa amin ni sir Molina?
Tiningnan ko ang iba pang pair. May lumabas ng music room, ang iba naman ay nanatili rito.
"G...gusto mo bang lumipat ng lugar or dito na lang natin gawin?" tanong ko.
"Labas tayo."
Natulala ako nang marinig ang boses niya. Ito ang unang beses na narinig ko iyon. Napakaganda. Bagay na bagay para sa hitsura niya.
Mabilis akong sumunod kay Lucas. Napili niyang sa ilalim ng puno ng mangga namin gawin ito. Dala-dala niya ang kanyang gitara at pa-utay utay siyang lumilikha ng tono mula rito.
"Ikaw na ang gumawa ng lyrics, baguhin na lang naitn 'yung iba kapag hindi sakto sa tono," suggest niya.
"Sige," hindi na ako umalma pa dahi hindi naman ako marunong maglapat ng tono. Isa pa, walang keyboard dito.
"Ano sa tingin mo 'yung magiging topic no'ng kanta natin? Romance ba? Friendship? Tungkol sa nature?" Hindi naman siya mahirap pagmasdan kasi sa malayo siya palaging nakatingin. Tingnan ko man siya ay hindi na niya iyon mahahalata.
"Romance at friendship," sagot niya. "Isang tao na na-inlove sa kaibigan niya."
Nagulat naman ako sa sagot niya. Maganda 'yun, ha. "Sige."
Nagsulat na ako. Hindi ako sure kung maganda ba 'tong sinusulat ko. Pero ang bawat tunog na lumlabas sa gitara ni Lucas ay walang duda na maganda. Hindi ko alam kung iyon na ba 'yung tono na gagamitin namin o kaswal lang siyang nag-ii-strum.
"Lucas!"
Sabay kaming lumingon ni Lucas sa bandang kaliwa namin para tingnan kung sino ang tumawag sa kanya. Si Zandro.
"Kanina pa kita hinahanap. Bakit mo ba kasama ang baklang 'to?" Ang sama ng tingin sa akin ni Zandro. Nang umiwas siya ng tingin ay inirapan ko siya.
"May pinapagawa sa amin si sir Molina," tugon sa kanya ni Lucas.
"Hoy, ikaw," medyo itinulak ako ni Zandro, "ibili mo muna kami ng pagkain," binato niya sa akin ang isang one hundred pesos."
Pinulot ko ang pera nang mahulog ito.
"Ano ba 'yan?" Hinigit ni Zandro ang papel na sinusulatan ko ng kanta.
"Kakornihan naman 'to," puna niya. "Bilisan mo na, ibili mo na kami. Ayusin mong bakla ka, ha, kapag hindi, matatamaan ka sakin," pagbabanta ni Zandro.
"Zandro naman," sumingit si Lucas, "huwag mo naman ganyanin si Simone. Wala naman siyang ginagawang masama sa'yo."
Medyo gumuhit ang ngiti sa labi ko. Pinagtanggol ako ni Lucas laban sa kaibigan niyang kampon ng dilim. Ang bait naman ng superhero ko. Ayie!
Bumili ako ng meryenda ng dalawa. Habang naglalakad pabalik ay napansin ko ang pagtatawanan nila. Si Zandro tumatawa, pero si Lucas, ngumingiti lang. Mas pogi pala siya kapag nakangiti.
Teka, bakit kaya gano'n kung makatingin si Lucas kay Zandro?
*END OF FLASHBACK*
"Kaya pala dalawang tubig at dalawang turon ang pinabili ni Lucas ay dahil sa akin ang isang pares," patuloy ko sa pagkukwento kay Zandro. Nandito kami ngayon sa ilalim ng puno ng mangga kung saan ginawa namin ni Lucas ang kanta para sa town fiesta noong 2012. Uwian na at masigasig niya talaga akong hinintay na matapos magklase ngayong hapon para lang maka-usap.
"Natapos niyo ba 'yung ginagawa niyong kanta?"
"No'ng araw na'yun, hindi kasi kulang kami sa oras. Pero ipinarinig namin kay sir 'yung nabuo naming kanta," medyo nagsasawa na rin akong kausap itong si Zandro kahit interesting talaga na nagbago na siya. "Kalimutan mo na 'yun, hindi naman kami ang pumasa kay sir Molina. Hindi niya nagustuhan ang gawa namin."
"Pero nagustuhan ko," sagot ni Zandro.
Natigilan ako.
"Noon, ayoko talaga kasi ayokong sumasama sa'yo noon si Lucas. Pero narinig ko ulit ang kanta last year, maganda pala."
Wow! Parang hindi si Zandro ang kausap ko ngayon, a. Hindi kasi ito ganito kabait sa akin dati. Parang never nga niya akong tinawag sa pangalan ko no'ng high school kami. Mabuti pa si Lucas. Buti na lang talaga kay Lucas ako may crush at hindi sa lalaking ito.
"Narinig mo last year?" pagtataka ko. May video kaya siya no'ng kanta namin ni Lucas?
"Oo, but I'm not going to tell you the other things not unless tanggapin mo ang pagiging singer sa resto ko. Gusto kasi ni Lucas, isa ka sa mga kakanta at tutugtog sa resto dahil maganda raw ang boses mo at magaling ka."
Grabe naman si Lucas. Kahit kailan talaga, ang bait bait niya sa akin.
"Sige, tinatanggap ko na," sagot ko. "Nasaan ba si Lucas ngayon? Kumusta na siya?"
"Last year pa ako walang balita sa kanya. After he handed me the video, wala na kaming pag-uusap."
Nagulat ako sa sinabi ni Zandro. Sa tono ng pananalita niya, parang ang daming nangyari. Ano kaya 'yun? Sayang din at malabo pala kaming magkita ni Lucas.
"Please, drop by tomorrow night at dinner time sa resto, I'd like to tell you everything," tumayo na si Zandro mula sa bench na kinauupuan niya. "And thank you for accepting my offer."
Tumayo na rin ako. Nagpaalam ako sa kanya at gano'n din siya sa akin. Sa pag-alis niya, siya namang dating ni Max. Isa pa rin itong gusto akong maka-usap kanina pang tanghali, pero hindi ko naman nagawa kasi I have to entertain Zandro nga, tapos may klase pa ako kanina at pa-meeting. Ini-adjust ko na nga ang meeting ng maaga-aga para hindi masyadong mahaba ang paghihintay ni Zandro.
"Anong sabi sa'yo ni Zandro?" bungad ni Max sa akin. Nasa faculty room ako at nagliligpit na ng mga gamit ko. Wala namang ibang tao rito kaya nakakapag-usap kami ni Max ng malaya.
"Ayun, nagpakwento siya no'ng high school tayo," sagot ko. "In fairness sa kanya, hindi na siya katulad no'ng high school tayo na mayabang. Nagbago naman siya."
"Syempre, nagbabago naman ang tao."
"Pero alam mo, feeling ko may nangyari sa kanila ni Lucas."
"Lucas?" Mukhang hindi na ito naaalala ni Max.
"Si Lucas Mendiola, 'yung tahimik niyang best friend."
"Ahh oo, naaalala ko na," sagot niya. "Ano namang nangyari?"
"Ewan ko," kumibit-balikat pa ako. "Pinapapunta ako ni Zandro sa resto niya bukas ng gabi, sasabihin daw niya sa akin ang lahat."
"Huwag kang pupunta," tinapik ni Max ang noo ko.
"Aray!"
"Baka mamaya may gawing masama 'yun sa'yo. Alam mo namang hindi 'yun natutuwa sa'yo, high school pa lang tayo."
Kumunot ang noo ko. "Ang g**o mo rin. Sabi mo kanina, nagbabago naman ang tao. Malay mo nagbago na nga talaga si Zandro. Sa hitsura niya kanina at sa trato at pagtingin niya sa akin, mukhang nagbago naman na talaga siya."
"Bahala ka, kapag 'yun may masamang balak sa'yo..."
Wow! Concern naman pala ang mokong na 'to. Pero feeling ko naman walang masamang gagawin si Zandro sa akin bukas. Tunog sincere naman siya kanina, hindi katulad noon na tunog kriminal talaga.
Pero sayang talaga at wala si Lucas. Gusto ko pa naman siyang makita. Sa isa namang babalik sa dalawang magkaibigan na 'yun, bakit si Zandro pa? Pwede namang si Lucas na lang.
"Ano nga palang sasabihin mo sa akin?" pag-iiba ko kay Max.
The thing about the people we've met in the past is either they come back or they don't.
Nagbago ang expression sa mukha niya.
Kapag bumalik sila, are they still the same people we know or nagbago na ba sila?
"Nagka-usap na kami ni Wendy kagabi."
The same pa rin ba silang tumingin o iba na? The same pa rin ba nila tayong tratuhin o iba na?
"Tapos?" patuloy lang ako sa pagliligpit ng gamit at pag-aayos ng lamesa ko.
At para naman sa mga taong hindi na bumalik, kumusta na kaya sila?
"Nagdesisyon kaming mag-break na lang kung hindi rin naman kami magka-intindihan." Hindi ko makuha ang emosyon sa boses ni Max kaya tiningnan ko na lang siya. Medyo nakangiti siya, isang bagay na hindi ko alam ang ibig sabihin. "Mabuti ka pa, naiintindihan mo 'ko."
Are they still the same? How well are they doing in their lives? May balak pa ba silang bumalik?
In my case, the number one major person I've met in the past and now came back at the present is Max. Bumalik siya at nagbago na sa akin.
"Simone, gusto ko nang bumawi sa 'yo."
À SUIVRE