Chapter 18

3328 Words
The thing about trying things is it helps us know and realize what we can do and what we cannot. It shows us our limitations and capabilities. There is always a good outcome when we try things. And there's nothing wrong with trying. If failure means you try, then trying means you are open to learn. Dahan-dahan akong nagmulat. Agad kong naramdaman ang sakit ng ulo ko. Natulala ako sa kisame na una kong nakita pagkamulat ng mga mata ko. Lasing nga pala ako kagabi. Hinawakan ko ang unan na nakapatong sa tyan ko. "Oh my gosh!" Bulalas ko nang maramdamang hindi unan ang nakapatong sa tyan ko, kundi braso! Tiningnan ko kung sino ang may-ari ng braso. Nakayapos siya sa akin habang tulog. Si Max. Pisti! Anong ginawa niya sa akin? Hindi natuloy ang pagpa-panic ko nang makitang nakasuot pa ako ng damit at gano'n din siya. Hindi naman siguro niya sinamantala ang kahinaan ko kagabi. Kagabi? Kagabi... Ano nga bang nangyari kagabi? Ang huli ko nang naaalala ay nang humiga kami rito sa kama. Nakatulog na ba ako no'n? Panaginip na lang ba no'ng may sinasabi si Max sa akin na subukan namin kasi baka raw mag-work? Tapos sinabi ko namang oo. Panaginip ba 'yun o totoong nangyari? Dahan-dahan akong bumangon para hindi siya magising. Pumasok ako ng banyo at humarap sa salamin. May pasabi-sabi pa ako na hindi ako matutulog sa iisang kwarto at iisang kama na kasama si Max. Pero ayun nga't nakayapos pa siya sa akin. Hays! Niyapos lang kaya niya ako? Pa'no kung hinalikan din niya ako pero hindi ko lang maalala? Napahawak ako sa labi ko. Hindi naman siguro. "Gising ka na pala..." "AY PUSA!" Hindi ko narinig ang kabuuan ng sinabi ni Max dahil nagulat ako sa kanya nang buksan niya ang pinto ng banyo. Mas nagulat naman ako nang pumasok siya at sinara pa ang pinto. "Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya. "Iihi," sagot niya habang nakangiti pa sa akin. Lumapit siya nang lumapit sa akin. Umatras naman ako pero isang beses lang kasi natamaan ko na ang lababo rito sa banyo. "Good morning!" Pinindot pa niya ang ilong ko. Napapikit tuloy ako sandali. Umalis siya sa harap ko at dumiretso sa kubeta. Nanlaki ang mga mata ko nang may inilabas siya sa harap niya. Mabuti na lang at nakatalikod siya sa akin. "Ang bastos mo!" Tumakbo ako palabas ng CR. Narining ko ang tawa niya. Nang makarating ako sa may kama niya, malapit sa tapat ng picture niya no'ng graduation namin, ay nadulas ako. Namimilipit tuloy ako ngayon sa sakit ng balakang. "O? Anong ginagawa mo d'yan?" tiningnan ko si Max na kakalabas lang ng banyo. "Sino bang nagpangalat ng pulbo rito? Pisti!" Dahan-dahan akong tumayo. Tumawa ulit si Max. Ang happy neto, 'no? Teka, paano kung kaya siya happy ngayon, e dahil naka-score siya kagabi sa akin ng hindi ko nalalaman? "Ikaw kayang may gawa niyan," sagot ni Max. "Ang dami-dami mong inilagay na pulbo d'yan sa mukha mo kagabi." Umupo ako sa kama. Ako pala ang may kasalanan. Hays! Naramdaman ko ang pagbigat ng kama sa kabilang side. Sumampa rin siguro si Max. Naramdaman ko ang pagyapos niya mula sa likod ko. "Max, ano ba?" Inalis ko ang braso niya sa katawan ko. "Bakit?" Nagtataka siya. "Anong bakit? Pwede huwag mo kong landiin?" Kahit hindi nakatingin sa kanya ay itinaas ko ang kaliwang kilay ko. "O? Akala ko ba hindi ka na magagalit kapag niyayapos kita? Kahit kapag sweet ako sa 'yo?" "Anong akala mo?" Tumayo ako kahit medyo naka-bend dahil ang sakit ng balakang ko talaga. "May sinabi ba ako?" Tinalikuran ko siya. "Oo," confident na confident ang tono ng pananalita niya. "At kailan naman?" mataray kong tanong. "Kagabi." Natigilan ako. "Pumayag ka kayang i-try natin na maging mag-jowa." Ibig sabihin ba niya, hindi panaginip ang naaalala ko kanina? Ibig sabihin ba no'n, totoong sinabi niya na i-try namin at um-oo naman ako? "Sabi mo pa nga sa 'kin hindi mo na ako susungitan kapag naglalambing ako sa 'yo kasi nga ita-try natin. Nangako ka pa." Pisti! Ano pa bang mga pinagsasasabi ko kagabi na hindi ko na maalala? "So bale, simula ngayon, ita-try na natin maging mag-jowa, kapag nag-work, e 'di tayo na." Hinarap ko si Max. "At naniwala ka naman sa 'kin kagabi? Max, drunk talks lang 'yun; kumbaga sa cellphone, drunk message. Hindi dapat sineseryoso. Usapang lasing, gano'n." "Simone..." Hindi ko siya pinatapos sa sasabihin niya. "Kung ano man 'yung sinabi o ini-promise ko kagabi, kalimutan mo na dahil lasing lang ako kaya ko nasabi 'yun." Lumakad ako papalapit sa pintuan palabas ng kwarto kahit ang sakit talaga ng baywang ko. "Sabi nila, mas nagsasabi ng totoo ang isang tao kapag lasing. Kapag lasing tayo, hindi natin nakokontrol ang sarili natin." Natigilan ako sa paglabas ng kwarto dahil sa sinabi ni Max. Ano namang gusto niyang palabasin do'n? "Simone, pumayag ka na i-try natin. Ibig sabihin, gusto mo rin. Ibig sabihin lang no'n, hindi mo nakontrol ang tunay mong nararamdaman sa akin." Haharapin ko sana siya pero wala namang magandang salita ang pumapasok sa isip ko. Pisti! Ako si Simone Ohales San Miguel pero heto, natatameme ako. Hinawakan ko ang door knob at pinihit ito. Hindi ko nilingon si Max. Nagpatuloy lang ako sa paglabas ng kwarto. Wala naman akong ibang mapupuntahan. Magkikita pa rin naman kami ni Max dito sa bahay niya pero wala lang. Gusto ko lang makalayo kahit saglit sa presensya niya. Nakaka-inis talaga! Pisti! Kaya ayokong kabangayan ang Max ngayon, e. 'Yung Max kasi noon, walang saysay ang mga sinasabi kapag nagtatalo kami, pero 'yung Max ngayon? Ayan! May sense na ang mga sinasabi. Pero he's partly true. What he said makes sense. Hindi nga naman ako papayag kung hindi ko rin gusto. Dumiretso ako sa labas ng bahay nina Max, sa garden. Pinagmasdan ko ang paligid. Mula nang mag-college si Max ay ito na ang araw-araw niyang nakikita. Sa loob naman siguro ng apat na taon no'ng college namin, naging masaya siya. Naging varsity siya ng university nila. Malamang nakapag-date rin siya ng mga babaeng gusto niya. Natuto siyang mag-drive. At isa pa, nasa Manila siya kaya naman he can have the party life he wants. At malamang, he already slept with a girl. Somewhere in that four years of studying in college, naalala niya kaya ako? Sumagi kaya ako sa isip niya? Siguro naman ay oo. May picture kami sa drawer niya kaya malamang maaalala niya ako once na makita niya 'yun. Pero gaano kaya kadalas? Nasa Manila siya for the past four years. Manila may not be as busy as New York but its activities can make you forget about the things you left behind. Malamang, bihira lang niya ako kung maalala. "Ay o," lumingon ako kay Santi. "Gising na 'yung hindi na virgin." Tumawa siya. Kasama niya si Byron. Tiningnan ko siya ng masama. "Mare, ha. Hindi maganda 'yang description mo sa 'kin. Baka mamaya maniwala 'yung mga makarinig." Tumawa kami. "Ayos lang 'yun, totoo naman," si Byron. Pinaggitnaan ako ng dalawa. "Gagi, hindi, 'no," siniko ko pa si Byron. "Weah? Pagbalik namin kagabi nasa taas na kayo," hindi naniniwala si Byron sa akin. "Pagsilip namin, magkayapos kayo sa kama," saad naman ni Santi. Parang gusto ko munang lumubog dito sa kinatatayuan ko. Pisti! "Syempre, alam na ang kasunod no'n," pang-aalaska pa ni Byron. "Wala namang nangyari, e. Kahit itanong niyo pa kay Max." "Okay lang 'yan, Simone, tanggap ka pa rin namin," hinagod-hagod pa ni Santi ang likod ko. "Mare naman," ginawa kong kaawa-awa ang tingin ko sa kanya. Tumawa lang siya; sila ni Byron actually. "Okay nga lang 'yan, Simone. Mas gusto ko si Max para sa 'yo kaysa kay Dino," pahayag ni Santi. Necessary ba na dapat may piliin siya sa dalawa? "Ano na nga palang nangyari sa inyo no'n?" tanong ni Santi. Kilala niya kasi si Dino. "Iniwan ko na, gago kasi," mabilis kong sagot. Mabuti nang si Dino na lang ang pag-usapan namin kaysa kung may nangyari ba sa amin ni Max o wala. "Ahhh, natauhan ka na," tinap-tap ni Santi ang ulo ko. Isa kasi siya sa mga kaibigan ko na alam ang tungkol sa amin ni Dino. Isa rin siya sa mga nagpapayo na iwanan ko na siya noon pa man. "Jowa mo ba 'yun?" usisa ni Byron. "Chismoso," tinapik ko ang pisngi niya. Narinig ko ang tawa ni Santi. "Nagtatanong lang naman, e," depensa ni Byron. "Hindi. Hindi ako jinowa," sagot ko. "Kawawa ka naman talaga, Simone, mabuti na lang bumalik si Max. Ayie!" Kiniliti pa niya ako. "Ano? Daks ba?" Kumunot ang noo ko. "Anong daks?" Tumawa si Byron. "Hoy, ano ka ba? Alam mo namang virgin 'tong friend natin." Tumatawa-tawa si Santi. "Hay naku," I rolled my eyes. "Huwag niyo kong pinagkakaka-usap niyang mga out of this world niyong lenggwahe, ha. Tigilan niyo ako." "Pero masarap ba?" Tiningnan ko ng masama ang green minded na si Byron. Nakahanda na ang tawa niya. "Sarap ba si Max?" "Alam mo, ang bastos mo, Byron. Wala ngang nangyari sa amin. Wala. Period." Tumawa si Byron. "Wala ba talaga?" "Tsk! Byron ba!" Napapadyak ako sa inis. "Hayaan mo na, Byron." Nakangiti si Santi while taking my stand against Byron. "Syempre, first time ni Simone kaya mahihiya pa siyang aminin." Lumayo ako kay Santi. Traydor na 'to. Akala ko pa naman ay kakampi ko. "Sige, magsama kayo," masama na ang loob ko. "Joke lang," inayo na ako ni Santi. "Hindi ka naman mabiro, e." "Kaya nga. Kung walang nangyari, e 'di wala," si Byron naman na lumapit din sa akin. "Tara na sa loob." Hindi ako nakasabay kay Santi sa paglalakad. Medyo mabagal ako dahil sa baywang ko. "O? Bakit?" Lumingon sa akin ang dalawa. "Wait lang, ang sakit kasi ng balakang ko." Tumawa sila ng magkasabay at ng malaks din. So anong problema nila? "Bakit? Anong nakakatawa?" "Wala," si Santi na pinigilan na ang tawa niya. "Ahhh. Walang nangyari pero masakit ang balakang," si Byron naman na katulad ni Santi ay pinipigilan din ang pagtawa. "Hoy," sinaway siya ni Santi. "Wala ngang nangyari." Tumigil sila ng kaunti at pagkatapos ay tumawa ulit. Nawe-weirduhan na ako sa dalawang 'to, ha. Pisti! "Good morning, Simone! Ho! Ho! Ho!" Lumabas sa pintuang papasukan na sana namin si Vin. Ako kaagad ang sinalubong niya. "Ano? Kumusta? Ayos ba?" Nakangiting-nakangiti si Vin. Itinaas pa niya ng dalawang beses ang dalawang kilay niya. Nakakunot lang ang noo ko sa kanya. "Hindi kita maintindihan." Nauna na akong bumalik sa loob. "Wala raw nangyari," narinig kong saad ni Santi. Natigilan naman ako sa paglalakad nang makita na si Max. Nakatingin siya sa akin. "Kain na tayo," umiwas siya ng tingin. "Pagkakain natin, uuwi na tayo. May pasok ka pa bukas." Na-una na si Max pumunta sa dining area ng bahay nila. Nakapasok na rin ang tatlo sa loob. Sumunod sila kay Max. Pagkadaan nila sa akin ay sinabi pa nilang... "Walang nangyari pero masakit ang balakang." Umiling-iling na lang ako. Medyo nagsi-sink in sa utak ko ang tinutukoy nila, a. Nakakasakit ba 'yun ng balakang? Pagkatapos naming kumain ay naggayak na kami para sa byahe pa-uwi. Hindi kami masyadong nag-iimikan ni Max. Hindi ko alam kung anong problema niya pero madalas ay napapansin ko siyang nakatingin sa akin, pinagmamasdan ako. Sa byahe ay wala akong ibang ginawa kundi matulog. Although niloloko pa rin kami, tumatawa-tawa lang kami ni Max. Hindi pa rin kami gaanong nagpapansinan. * * * Lumabas ako ng Music Room at mabilis na pumunta sa court. Kanina pa kami naaabala niyang mga nagba-basketball na 'yan. Ang ingay-ingay nila at ang sakit din sa ulo ng tunog ng ugtol ng bola. "Hoy, Mark!" Tinawag ko ang isang estudyante kong kasama ng mga hindi ko mamukhaang lalaki na nagba-basketball din. Hindi ko alam kung sinong nagpapasok sa mga ito. Lumapit sa akin si Mark. "Bakit po, sir?" "Kayo ba ay may pinaghahandaang laro?" Masungit kong tanong sa kanya. "Wala po." "Wala naman pala, e. Bakit naglalaro kayo ngayon?" "Ahhh sir," lumingon si Mark sa iba pang players na nandito. "May mga alumni po." "Ano naman?" "Nagsabi po sila kay ma'am Lavarez kung pwede maglaro, pinayagan naman po sila," sagot ni Mark. Sa lagay ni Mark ay mukhang kalaro nila ang ilang alumni na naririto. Tiningnan ko ang lahat ng mga lalaking nandito. May mga alumni nga bukod sa mga estudyante ng school. "Nand'yan po si kuya Max." Natigilan ako sa sinabi ni Mark at gano'n din nang magkatinginan kami ng tinutukoy niya. Mula nang bumaba ako ng sasakyan ni Byron kahapon ay 'yun na ang huling beses na kina-usap niya ako. Nagpaalam lang siya sa akin no'n at nagpasalamat. Pagkatapos ay ni hindi siya nag-chat o kung ano pa man. Kahapon pa ako naghihintay ng sasabihin niya sa akin kahit sa chat pero wala. Kaninang umaga rin naman ay wala rin siyang paramdam. And again, ayoko siyang i-chat kasi baka isipin na naman niya na gusto ko siya. Umiwas ako ng tingin sa kanya at binalik kay Mark ang nanlilisik kong mata. "Huwag kayong masyadong ma-ingay, pwede? Ang sakit na nga sa ulo niyang ugtol ng bola, dadagdag pa 'yang sigawan n'yo." "Sige po, sir. Sorry po." Tumalikod na ako kay Mark at bumalik sa Music Room. Ipinagpatuloy ko ang pagtuturo ng keyboard sa mga tutor ko. May mga magulang kasi na gustong paturuan ang mga anak nila kung paano tumugtog ng keyboard. Sayang naman kung hindi ko tatanggapin, di'ba? Extra income din 'to, 'no. Naririnig-rinig ko pa rin ang ugtol ng bola. Okay, hindi ko alam kung bakit parang ang sensitive ng tainga ko sa sounds pero kaninang umaga pa 'to at hindi ako natutuwa. Pinipilit kong hindi ma-annoy ng mga tunog na nakaka-bother sa akin mula kanina pang umaga pero hindi ko magawa. Para siyang pag-iisip ko kung kailan magpaparamdam sa akin si Max — hindi ko mapigilan. Matapos ang isang oras ay nag-dismiss na kami ng mga bata. Malapit nang magdilim. Gusto kong umuwi ng maaga. Ayokong maabutan ni Max dito. Tamang-tama at nagba-basketball pa naman sila. Pero hindi ko nakita kung in-game ba siya o hindi. Wala akong paki-alam. Kung ayaw niya akong i-chat, e 'di huwag! Kung anong problema niya't ayaw niya akong pansinin kahapon, hindi ko alam. Kung anong problema niya't ayaw niya akong i-chat, hindi ko rin alam. Pisti siya! Dumaan muna ako sa classroom ko para i-check kung makalat ito o kung may na-iwang bukas na ilaw at electric fan. Pagkatapos no'n ay bumalik na ako sa faculty room para kuhain ang mga gamit ko. Uuwi na ako. Kaya lang pagkapasok ko ay si Max agad ang nabungaran ko. Kausap siya ni ma'am Lavarez, hindi pa pala umuuwi si ma'am. "Sir, kanina ka pa hinihintay ni Max," malambing na pagwe-welcome ni ma'am Lavarez sa akin. Ngumiti ako kay ma'am. "Bakit daw po?" "Kausapin mo na lang siya, sir," ngumiti rin sa akin si ma'am ng malapad. Okay, Simone, hindi mo masisisi si ma'am Lavarez kung susuporta siya sa inyo ni Max. Remember, no'ng high school kayo? Nagpaalam na kami ni Max kay ma'am Lavarez. At oo, kasama ko na ngayon si Max habang naglalakad palabas ng vicinity ng school. "Kain tayo?" Si Max ang unang nagsalita sa aming dalawa. Dapat lang! "Sige," tugon ko. Naglakad lang kami papunta sa isang kainan. Sa grill house ulit kami pumunta. "Bakit iniwan mo na sila ro'n?" Tinutukoy ko ang mga kasama niyang naglalaro ng basketball bago kami umalis kanina. "May nakita kasi akong mas gusto kong puntahan," pa-mysterious niyang sagot. Unti-unting lumalabas ang mga costumer sa grill house. Tapos na silang kumain. "Busy ka kanina?" Hindi na ako nakatiis. Syempre gusto ko rin naman malaman kung bakit hindi man lang siya nagparamdam kanina. Teka, tama ba 'tong ginagawa ko? "Hindi," sagot niya. "Ahh, akala ko nangingisda ka ulit kanina kaya hindi ka nagcha-chat." Sana sabihin niya ang dahilan niya kung bakit parang sinusubukan niyang ibaon ako sa limot. Sana ikaw din, Simone, sabihin ang dahilan kung bakit ang sungit mo kay Max kapag nand'yan; pero kapag wala naman, hinahanap-hanap mo. Bakit nga kaya? "Parang hindi na ulit ako mangingisda." "Bakit naman?" "Gawa no'ng pagkasalabay ko. At saka, hindi naman 'yun ang gusto kong gawin talaga." "Bakit mo pa sinimulan kung hindi naman 'yun ang gusto mo talaga?" na-iirita kong tanong. Oo, na-iirita ako. Pa'no kung gawin din niya sa akin 'yun? "Para lang ma-experience." Hindi ko pinaki-alaman ang sagot ni Max. Naalala ko na may pagka-impulsive nga pala ang lalaking 'to. Kapag na-isip niya, gagawin niya agad without discerning nor reflecting. Ganitong-ganito siya sa mga group projects namin noong high school kami. Hindi nadugsungan ang pag-uusap namin nang dumating ang order naming pagkain. Tahimik kaming kumain. Pero katulad kahapon, kahit hindi niya ako iniimikan ay panay naman ang tingin niya sa akin. Pero sa totoo lang ay hindi naman niya na-ibigay sa akin ang sagot na hinahanap ko which is 'yung kung bakit hindi siya nagcha-chat kanina at kung bakit hindi niya ako pinansin kahapon. Natapos kaming kumain ni Max. Lumabas kami at bago kami mag-decide na umuwi ay pumunta muna kami sa baywalk sa harap ng Gapo Bay. Maraming tao as usual. Lubog na ang araw at nagsisiliwanagan ang mga ilaw sa paligid. "Hindi ba tayo mag-uusap?" tanong ko sa kanya nang medyo mawalan ng tao malapit sa pwesto namin. Nandito kami ngayon sa lugar kung saan siya nahulog sa dagat dahil kay Paloma no'ng 1st Year High School kami. Kanina pa kasi kami rito pero wala naman kaming pinag-uusapan. Parang nagiging awkward lang 'yung moment. At isa pa, nasasayang ang oras ko. "May sasabihin ka ba?" tanong niya sa akin. Tiningnan ko siya. "May sasabihin ka, alam ko." Umiwas na ako ng tingin sa kanya. Kahit hindi ko naman talaga alam ay sinabi ko 'yun. Si Max ito. Hindi siya galit sa akin kaya sigurado akong may sasabihin siya. Kapag galit kasi siya sa akin, siguradong hindi niya ako papansinin. "Simone..." ayan na siya. Sisimulan na siguro niya. "Nakakatakot ka palang maging teacher, ano?" Parang gusto kong magpatihulog dito sa dagat. Bakit 'yun ang sinabi niya? Pisti! "Oo, talaga," masungit kong pagsang-ayon sa kanya. Tumawa naman siya. "Nagpakwento ako kay Mark kanina kung pa'no ka bilang teacher. Ang sungit sungit mo raw. Sabi pa nila, siguro kaya ka raw masungit kasi wala kang jowa." "A, talaga?" Hinintay ko siyang tumawa pero wala akong narinig. Tiningnan ko siya. Nakatingin lang pala siya sa akin. Seryoso ang hitsura niya at mukhang may importante siyang sasabihin sa akin. "Simone, hindi ka na siguro lasing ngayon; hindi rin ako lasing." Ibinalik ko sa kanya ang tingin ko. "Gusto mo ba i-try natin maging mag-jowa? Try lang naman. No pressure." The thing about trying things is it helps us know and realize what we can do and what we cannot. "Alam ko gusto mo munang maka-move on. Pero di'ba, halos nasa parehas naman tayong sitwasyon. Malay mo, sa pagta-try natin, maka-move on ka agad." It shows us our limitations and capabilities. "Simone, kahapon, habang hindi kita pinapansin, walang ibang pumapasok sa isip ko kundi ang pagkakataong pinalampas ko no'ng high school tayo. Biruin mo, noon, ikaw itong naghahabol sa akin; ngayon naman, ako 'tong naghahabol sa 'yo. Tapos, kanina, hindi kita ini-chat kasi inisip ko na mas mahalaga kung gagawin mo muna ang gusto mo, kung magmo-move on ka muna. Pero ako kasi 'yung may problema, e. Hindi ko mapigilan 'yung sarili ko na hindi ka makita." There is always a good outcome when we try things. And there's nothing wrong with trying. "Alam kong hindi ka pa handang pumasok sa isang relasyon. Kaya nga ita-try lang natin, e. Kapag nag-work, e 'di mabuti. Simone, wala namang masama kung susubukan natin." If failure means you try, then trying means you are open to learn. In my case, trying means I am open to love again. Sa pagkahaba-haba ng sinabi ni Max, ito lang ang nasabi ko: "Sige, try lang natin." À SUIVRE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD