Kinabukasan nagyayang lumabas si Aiden. Maglilibot muna sila sa buong Tagaytay. Tatanggi sana siya dahil mas gusto niyang sa bahay lang sila ni Aiden at tila nasa honeymoon stage sila dahil hindi sila napapagod sa isa't isa. Sa tuwing madidikit ang mga katawan nila ay tila silang papel at posporo na biglang nagliliyab. Tila sila walang kapaguran sa mga ginagawa nila, at natutuwa siyang marami na siyang natututunan sa pagme-make love nila ni Aiden. Magkahawak-kamay pa sila habang naglalakad sa sikat na park sa Tagaytay. Maraming tao, may mga nagde-date, may pamilyang nagpi-piknik, mga batang naglalaro at naghahabulan. Natutuwa siyang pagmasdan ang masiglang paligid. "You want something to eat?" tanong ni Aiden nang maupo sila sa batong upuan paharap sa higanteng ferris wheel. "Nope, buso

