Nanatili siyang walang kibo at nakatingin lang sa mga mata ni Aiden na puno ng galit. Paanong nangyari ganoon kadali siyang nakilala ni Aiden? Limang taon na ang lumipas at napakabata pa niya nang mangyari iyon. Ngayon sa pagkikita nila, kaagad siya nitong nakilala. Kung paano niya ito kaagad nakilala, ganoon din ba ito sa kanya? Ibig bang sabihin ganoon ito kagalit sa buong pamilya niya at hindi nito nakalimutan ang itsura nila sa paglipas ng mga taon. "Ano bang ibig mong sabihin?" nakuha niyang itanong sa kabila ng kaba at takot. "You know exactly, Carmella, don't fool me!" mariing sagot nito at pinaglandas nito ang mga mata sa mukha niya, pababa sa leeg at sa puting t-shirt na suot niya at siya mismo, kitang-kita niya ang pagtaas baba ng dibdib niya sa kabang nararamdaman niya at tila

