Heto si Venice naghahanda para sa pagpasok sa trabaho sa Monteverde's Enterprise. Naging maganda ang takbo ng trabaho niya kagabi, tinutukso pa nga siya kasi hinatid daw siya ni Dennis Monteverde. Nakausap niya din kagabi na papasok na si Jay mamaya. Lumabas na siya ng kwarto pagkabihis niya. Nadatnan niya si Charlene at ang kanyang ina na nasa hapag-kainan na. Nang makita siya ay agad siyang niyaya ng mga ito. Hindi man lang nag-angat ng tingin si Charlene at batiin siya. Baka wala lang sa mood. "Anak, halika na kumain ka na bago ka pumasok sa trabaho." yaya sa kanya ng kanyang ina. Lumapit siya sa mga ito at umupo sa bakanteng upuan. Nagsimula na siyang magsandok ng kanyang pagkain. Habang kukamain, ay tinanong niya si Charlene. "Charlene, kamusta pag-aaral?" tanong niya sa kapatid. H

